Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nang dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga,
00:03naaresto sa Maynila ang isang Korean national
00:05na matagal ng wanted sa Korea.
00:08Nakatutok si Jomer Apresto.
00:13Nakunan sa surveillance video ang isang Korean national
00:16habang may hawak na ecstasy tablets sa Malate, Maynila.
00:20Makalipas ang ilang araw,
00:21nahuli siya ng mga tauha ng Ermita Police Station
00:24sa tapat ng isang convenience store
00:26sa bahagi ng Nakpil Street kasamang isang Pilipino.
00:28Naaktuhan raw siya ng mga otoridad
00:30habang bumibili ng iligal na droga sa isang lalaki.
00:34Matapos ang isinagawang verification sa Bureau of Immigration,
00:37napagalaman ng pulisya na ang dayuhan na nahuli
00:39wanted sa South Korea at pinagahanap ng Interpol
00:43noon pang 2022.
00:44Operator daw ng ilang illegal gambling sites
00:47sa nasabing bansa ang sospek.
00:49Malaking tao ito.
00:50Bisito sa report o ipigay sa atin ng Interpol,
00:55positively identified siya na siya yun
00:57and then he is involved in series of online gambling activities
01:04sa kanilang lugar.
01:06Pusibleng hindi raw kaagad nakilala ang sospek
01:08dahil gumamit siya ng ibang pangalan
01:09nang makarating sa Pilipinas.
01:12Sabi ng Manila Police District o MPD,
01:14baga man may red notice ang sospek,
01:16kinakailangan niya pa rin harapin ang kaso niya sa Pilipinas.
01:19After niya magawa ng documents dyan
01:24at nakapag-decide yung ating court,
01:27he will be extradited or deported to his country.
01:33Sinusubukan pa namin makuha ang panig ng dayuhang sospek
01:36at ang Pilipino na sinasabing supplier niya
01:38ng iligal na droga.
01:40Na-inquest na sila at naharap sa kasong
01:41Comprehensive Dangerous Drug Act.
01:43Nakatakdang i-turn over sa immigration ng dayuhang sospek
01:46at nadalhin siya sa custodial facility nito
01:48habang gumugulong ang kanyang kaso sa bansa.
01:52Para sa GMA Integrated News,
01:54Jomer Apresto nakatutok 24 oras.

Recommended