Pinag-papaliwanag ng Korte Suprema ang Kamara at Senado kaugnay ng prosesong pinagdaanan ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. Kabilang sa mga gustong linawin ng korte ang tila pagka-antala sa pag-transmit ng naunang tatlong impeachment complaint sa House Speaker.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:30Sa utos nito sa Kamara at Senado, ano na raw ang nangyari sa unang tatlong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
00:39Gusto rin malaman ng kataas-taasang hukuman, ang eksaktong petsa kung kailan inendorso ng mga miyembro ng Kamara ang mga impeachment complaint
00:48at kung ilang session days ang lumipas bago na-transmit ang mga ito sa Speaker of the House.
00:54Sa dokumentong nakalap ng GMA Integrated News Research, makikitang December 2, 2024, ang nakastamp na petsa nang inendorso ang unang impeachment complaint.
01:06December 4, 2024 naman ang second complaint at December 19 naman ang ikatlong complaint.
01:13Pero hindi na gumalaw ang mga ito matapos niyan. Hanggang sa umarangkada sa plenario ang fourth complaint noong February 5, 2025 kung kailan din na impeach si VP Sara.
01:26Is there any objection? The chair hears none. The motion is approved.
01:30Ang unang tatlong reklamo, ipinagutos namang i-archive na.
01:35Hinihingi rin ng Korte Suprema ang tugon ng Kamara kung may kapagyarihan ba ang Secretary General ng Kamara na magdesisyon kung kailan itatransmit sa Speaker ang impeachment complaints
01:46at kung may otoridad ang Secretary General na tumangging itransmit ang mga ito.
01:52Kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco na natanggap nila ang notice mula sa Korte Suprema kahapon
01:59at nabasa na ito ng ilang House impeachment prosecutor.
02:03Ayon sa tagabagsalita ng Kamara, isinangguni na nila ito sa Office of the Solicitor General
02:09at sisiguruhing may susumitin nila ang tugon sa loob ng panahong itinakda ng Korte Suprema.
02:15Nang tanungin si Velasco kung bakit hindi niya agad rin ang Smith ang unang tatlong impeachment complaints, sagot niya,
02:23hindi kasi nga nagpahintay yung mga ibang congressman na huwag mo nang i-refer kay Speaker
02:32kasi nga meron pa silang complaint na mas maraming mag-i-endorse.
02:38They requested me na mag-iintay lang for another complaint which will be endorsed by the required one-third, one-fifth ng House members.
02:49Ayon sa Secretary General ng Kamara, walang nilabag na rules of impeachment ang kanyang tanggapan at ang Kamara.
02:57Kasi nga, under our rules kasi eh, yung impeachment complaint will stay with the office of the section
03:05and they will be referred at the time na okay na.
03:09Wala naman kasi timeline din yung from the section to the speaker eh.
03:15Pero sir, nakalagay kasi doon immediately after niyo ma-verify.
03:19Yeah, immediately. Pero wala naman time yun. Parang yung support with yan, di ba?
03:24Support with, wala rin timeline dun eh. Trial shall proceed, port with, wala rin timeline.
03:31So it's up to the interpretation of the official concern.
03:36Pero bukod sa mga ito, nais ding malaman ng Korte Suprema kung sino ang nagbalangkas ng Articles of Impeachment na Trinan Smith sa Senado
03:45kung naipakalat muna ito sa mga kongresista at kung nabigyan sila ng panahon para basahin ang mga charges at ebidensya bago nila ito susugan.
03:55Ang utos ng Korte Suprema ay tugon sa inihahing petisyon ng Kampo ni Vice President Sara Duterte na kumekwesyon sa ika-apat na impeachment complaint.
04:05Ayon sa isang kongresistang pumirma sa Articles of Impeachment,
04:10kabisada ng maraming kongresista ang Articles of Impeachment dahil galing yun sa mga pagdinig na kanilang isinagawa.
04:17Nabigyan din anya sila ng sapat na panahon para pag-aralan ng reklamo.
04:22Alam ko yung nilalaman ng impeachment because we were the ones that actually investigated that.
04:27Sa akin, sapat naman yung time na ginawa.
04:31Sa akin, napag-aralan mabuti naman ng prosecutor's team ang nilalaman ng impeachment case na yan.
04:39And the fourth impeachment complaint, binigay naman sa bawat kongresman yan.
04:45The copy.
04:46Ayon naman sa tagapagsalita ng Senate Impeachment Court,
04:49Ihahanda na rao ng Senado ang tugo nito,
04:53bagamat karamihan anya na mga hinihinging impormasyon ng Korte Suprema
04:57ay konektado sa procedure sa Kamara.
05:01Kinumpirma rin ang Office of the Vice President
05:03na nakatanggap sila ng kopya ng notice mula sa Korte Suprema.
05:07Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatuto, 24 Horas.
05:19Kinumpirma rin ang Göran-hari, Nakatuto, 35 Horas.