00:00Nagsimula lang bumalik sa kanilang mga tirahan ang mga lumikas na residente sa Las Piñas City,
00:06kasunod ng pagbahan ito mga nagdaang araw.
00:09Sa Malabon City naman, hindi pa rin humuhupa ang bahagi dahil na rin sa high tide.
00:14Si Ver Custodio sa Sentro ng Balita.
00:19Naglilikpit na ang mga evacuees sa evacuation center sa Verdant Covered Court sa barangay Pamplona 3, Las Piñas City
00:26dahil maaliwalas na ang panahon sa tanghali.
00:29Martes ng gabi, mahigit isang daang pamilya o lagpas apat na raang individual ang inilika sa naturang lugar
00:36matapos tumaasang hanggang bewang ang baha, lalo na sa mga nakatira malapit sa ilog.
00:42Ayon sa mga evacuees, nasasuportahan naman sila ng Las Piñas City Government para sa kanilang pangangailangan.
00:48Ayun, lahat ng gamit namin naka-wash out tapos puro burak na.
00:54Pero wala ng baha?
00:55Wala na, wala na, wala ng tubig. Bumabarin naman kahapon.
00:58Lahat naman nun, ibigay ko sa amin lahat ng klase ng tulong. Pagkain, relief, tapos maayos na tulugan.
01:05Pagkama taga-empake na si Roseline pabalik sa kanilang bahay, binabantayan pa rin daw niya ang lagay ng panahon.
01:11Lalo na at naniniraan sila malapit sa ilog.
01:14Kung ulan-ulan lang talaga na, pwede naman kami doon sa bahay.
01:18Kasi syempre hindi tataas yung tubig.
01:23Pero kung magtuloy-tuloy talaga na malakas, ano naman kami dito, babalik na naman kami.
01:27Ayon sa barangay, laging bukas ang evacuation center sakaling kailanganin muling ilikas ang mga residente.
01:34Pero sa Malabon, bagamat hindi na umuulan ng tanghali, may baha pa rin.
01:40Hanggang pinti ang baha dito sa panghulong Malabon City dahil sa epekto ng habagat at ng high tide.
01:46Sa kabila nito, nakakadaan pa rin ng mga light vehicles kagaya ng motor, pedicab at tricycle.
01:53Nagbigay naman ang paalala ang Malabon LGU na maging maingat sa pagtawid sa mga bahang kalsada.
01:59Bagamat buong magdamag umuulan dulot ng hanging habagat, hindi binahang Araneta Avenue na madalas binabaha tuwing malakas at tuloy-tuloy ang ulan.
02:08Tuloy ang pasok sa eskwelahan ng mga mag-aaral dahil tumilan ang ulan kaninang umaga.
02:12Bagamat bahagyang tumaas ang tubig sa creek, dahil sa isa o dalawang metro paanggap dito sa kalsada, kaya hindi binaha ang Araneta Avenue.
02:21Samantala, batay naman sa huling flood bulletin ng pag-asa sa Pasig, Marikina, Laguna, Dibay River Basin as of 6 a.m.,
02:29hindi tumaas ang tubig sa upper at lower Marikina River.
02:32Nasa 13 meters ang level ng tubig sa Marikina na nananatiling normal level.
02:36Pero nagdeklara na ng klas suspension ang Marikina City para sa pampubliko at pribatong paaralan sa lahat ng antas.
02:43Hindi rin umapaw ang Pasig River at San Juan River dahil sa light to moderate rain sa nakalipas na magdamag.
02:50Tuloy-tuloy naman ang de-clogging operation sa MMDA at DPWH para maiwasan ang pagbaha.
02:56Kahapon pa nga, nagsagawa ng de-clogging operation sa Muntinlupa City.
03:00Baga matumila na ang ulan, ayon sa pag-asa, asahan pa rin ang moderate to heavy rain sa Metro Manila
03:06at nalalabi pang lalawigan sa Luzon sa mga susunod na oras.
03:11Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.