00:00Naniniwala ang Philippine Coast Guard na malaking tulong ang remotely operated vehicle para mapadali ang pagkahanap sa umano'y labi ng mga nawawalang sabongero sa Taal Lake.
00:11Yan ang ulat ni Gab Villegas.
00:15Nagsagawa ang Philippine Coast Guard ng kanilang initial assessment sa paggamit ng remotely operated vehicle o ROV para sa pagkahanap sa labi ng mga nawawalang sabongero sa Taal Lake.
00:27Layan ang assessment na tignan ang kakayanan nito sa pagkahanap sa burak at putik sa lawa.
00:33Ayon sa PCG, kaya nito na lumubog ng isang libong talampakan at tumagal lang hanggang apat na oras kumpara sa mga technical divers na kaya lamang tumagal lang hanggang isa't kalahating oras.
00:46Dahil dito, posible pang ma-extend ang identified searching area para mapalawak pa ang pagkahanap.
00:52Sa pinakauling bilang, aabot na sa limang sako na naglalaman ng buto ang nakuha ng PCG mula sa lawa at ito ay nasa pangangalaganan ng SOCO para isailalim sa Forensic Investigation upang alamin kung buto nga ba ng tao ang nakuha mula sa lawa.
01:10Ibabahagi ng PCG ang resulta ng kanilang naging assessment sa paggamit ng ROV.
01:15Gabo Milde Villegas para sa Pambasak TV sa Bagong Pilipinas.