00:00Posibleng simulan na ngayong linggo ang paghahanap sa mga nawawalang sabongero sa Taal Lake.
00:05Handa namang tumulong ang National Bureau of Investigation.
00:09Yan ang ulat ni Luisa Erispe.
00:13Tinatarget ng Department of Justice na masimulan na ang paghahanap ng mga nawawalang sabongero sa Taal Lake ngayong linggo.
00:20Base nga kasi sa isa sa mga sospek na si Alias Totoy na itinapon-umano ang katawan ng mga sabongero sa Taal Lake na nakatali sa sandbag.
00:28We want to map it out and look at the condition so we can plan how to go about it.
00:34Posible naman anyang simulan ng paghahanap sa mga biktima sa isang fish pond lease na pagmamay-ari ng isa sa mga sospek.
00:42Magsisilbing ground zero ito sa kanilang paghahanap.
00:45Merong fish pond lease yung isang sospek na tinutukoy natin.
00:51Yan ang ating ground zero natin.
00:53Handa namang tumulong ang National Bureau of Investigation sa paghahanap lalo na pagdating sa forensic investigation.
01:00Anytime na patawag kami, we will support.
01:04Sabi ko nga, pinagyayabang ko nga, we have forensic expertise on the matter, DNA, lie detection, whatever.
01:13Kung anong gustong ipa-assist sa amin, kung anong gustong itulong namin ay ibibigay namin.
01:20Sa ngayon naman, hinihintay pa ng DOJ ang sagot ng Japan hinggil sa hiling nilang Remote Operating Vehicles o ROVs na makakatulong din sa paghahanap sa mga nawawalang sabongero.
01:32We just wrote the letter last week, so we expect a reply anytime this week.
01:38Samantala, iniimbestigahan na rin naman ang Korte Suprema, ang umanoy isang judge na sangkot sa pagkawala ng mga sabongero.
01:45Kinumpirma ni Rimulya na isa ito sa napag-usapan nila ni Chief Justice Alexander Gizmundo.
01:52Iliimbestigahan na siya ng subito. Hindi naman sila balit si Buya, sir.
01:55They're very sensitive about what should be done to improve our justice system.
01:59And that's what we've been agreeing on since we started three years ago with a Justice Sector Coordinating Council.
02:06Luisa Erispe, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.