00:00Una po sa ating mga balita, technical dive at assessment ng mga otoridad sa Taal Lake kung saan sinasabing dinala ang labi ng mga nawawalang sabongero na katagdanang umarangkada.
00:13Ang update niyan alamin sa Sentro ng Balita ni Luisa Erispe live.
00:20Angelique, sisimulan na ng gobyerno ang pagsisid sa Taal Lake upang hanapin ang mga labi ng mga nawawalang sabongero.
00:27Dito naman sa Talisay, Batangas ang inaasahang jump point o simula ng search and retrieval operations.
00:35Bandang alas gis ng umaga, isa-isa nang dumating sa Talisay, Batangas ang mga opisyal ng Department of Justice, Philippine Coast Guard at Philippine National Police para sa operasyon.
00:45Bago tumuntong sa PCG substation sa Talisay, Fishport kung saan ang inaasahang jump point ng operasyon,
00:53nagkaroon muna ng briefing ang mga ahensya para matiyak na magiging maayos ang initial dive ngayong araw.
01:00Ang operasyon naman ngayon ay inaasahang technical dive lamang at assessment upang mamatunayan kung talaga bang itinapon ang mga sabongero sa Taal Lake.
01:09Base nga kasi sa naging pahayag ni Julie Patidongan o alias Totoy na isang sa mga sospek,
01:15dito inihagis ang mga labi sa lawa na nakatali sa mga sandbag.
01:20Itetest din ng divers kung masyado bang malalim ang lawa para si Sirin at hanapin ang mga labi.
01:26Nauna na kasing sinabi ng Philippine Navy na aabot sa 200 meters ang pinakamalalim na parte ng lawa
01:32na halos katumbas ng lima hanggang anim na palapag na gusali.
01:37Ngayong araw din magkakaroon ng pagtukoy kung hanggang saan lang dapat sumisid ang divers
01:42dahil kung buong Taal Lake ang iikutin, may lawak itong 234 square kilometers.
01:49Kompleto naman ang mga kagamitan ng PCG divers.
01:52May mga nakaposisyon ng rubber boats, vest at oxygen tanks.
01:57Mayroon pang labing limang mga caravan bags na nakahanda sakaling may makitang labi sa ilalim ng lake.
02:03Mayroon din remote operating vehicle o ROV mula sa PCG na kayang paanda rin hanggang sa 300 meters na lalim.
02:12Bago naman magsimula ang operasyon kanina,
02:14nagsimula ng itest ng Coast Guard ang ilang rubber boats na posibleng kasama sa iikot sa lawa.
02:22Angelique, hanggang sa mga oras na ito ay inaantabayaran pa rin natin
02:26yung pagsisimula ng operasyon nga o itong search and retrieval operations na gagawin dito sa Taal Lake.
02:33At ang nakikita pa lang natin kanina ay tuloy-tuloy yung ginagawa nilang test run doon sa mga rubber boats na iikot dito sa Taal Lake.
02:40Una ng sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulia na ang kanilang magiging ground zero sa paghahanap
02:47ay itong fish pond lease na pagmamay-ari ng isa sa mga suspect.
02:52Bagamat hindi niya tinukoy kung dito ba talaga yan sa Talisay, Batangas,
02:55meron tayong ilang mga nakikita ang mga fish pond na malapit dito sa Pampang,
03:00dito sa Taal Lake o dito sa Talisay, Batangas.
03:03At mamaya ay malalaman natin kung ito ba talaga yung tinutukoy na fish pond lease