Skip to playerSkip to main contentSkip to footer

Recommended

  • 2 days ago
Prelim report laban sa 15 pulis na sangkot umano sa nawawalang mga sabungero, posibleng matapos ngayong linggo

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Patuloy na sinisirip ng mga polis ang iba't ibang anggulo kaugnay sa kaso ng mga nawawalang sabongero.
00:07Samantala, handa naman ang Senado na muling buksan ang investigasyon tungkol dito.
00:12Yan ang ulat ni Ryan Lesigues.
00:16Posibling matapos na ngayong linggo ang preliminary report ng administrative case laban sa 15 polis na isinasangkot sa kaso ng missing sabongeros.
00:24Ayon kay PNP spokesperson, Police Brigadier General Jean Fajardo, sa oras na matapos na ito, ay matutukoy na kung sino-sino ang maharap sa kasong administratibo.
00:34Ipinaubayan naman ang PNP sa Department of Justice ang pagsasampanang kasong kriminal laban sa mga ito.
00:39Pero nakahanda daw ang PNP na magbigay ng tulong kung kakailanganin.
00:44Nananatiling nakatutok ang PNP sa paghanap ng iba pang posibleng witness sa kaso.
00:48We are not limiting our investigation because we need to corroborate yung mga statements just to conduct fact-checking also and to vet kung ano yung mga information being provided by alias Totoy
01:01because we cannot be heavily relying on one source only. We have to validate and vet yung ibang mga statements niya.
01:09Tiniyak naman ang PNP na binabantayan nila ang mga lugar na posibleng pinagtakunan o pinaglibingan ng mga nawawalang sabongero para hindi tumagalaw o mabago ng mga suspect.
01:19Baka mauna na sila doon at alisin yung mga posibleng remains and possible pieces of evidence na paari pa nating ma-recover to help us give closure dito po sa mga kaso po ng mga missing sabongeros.
01:32Lahat din daw ng angulo ay niimbestigahan ng PNP. Kabilang nangisiniwalat ni alias Totoy na aabot ng daang libong piso hanggang dalawang milyong piso ang tinatanggap ng mga polis na dawit sa kaso.
01:43Gusto natin maging airtight po yung mga kaso kasi once nilalabas po natin lahat ng ebidensya, lahat ng ginagawa po natin ay napapreempo natin at binibigyan natin ng pagkakataon yung mga posibleng suspect at mastermind para itago o para maitago nila yung mga posibleng pang ibang ebidensya po.
02:01Nauna nang sinabi ni PNP Chief Police General Nicolás Torre III na Lieutenant Colonel ang pinakamataas na ranggo at mula ang mga ito sa iba't ibang support unit ng PNP.
02:11Meron din galing sa Regions at Area Police Command. Sinabi din ni Torre na hindi lamang sila nakatutok sa labing lima dahil posibleng madagdagan pa ito base sa pag-usad ng isinasagawang investigasyon.
02:23Kinumpirma din ni Torre na meron ng tatlong natanggal sa servisyo at isa ang malapit ng magretiro.
02:28Samantala bukas sa Sen. Ronald De La Rosa na muling buksan ang investigasyon ng Senado, yan ay kung may kasamahan siyang senador na maghahain ng resolusyon.
02:37Then I will be forced to reopen the investigation. Hindi masiguro magdisappen yung gano'ng laking tatlong, 34 na mga tao kung walang nasa likuran dyan na very influential.
02:52Naghahain din ang komento sa De La Rosa na naging hepe rin ang PNP sa mga ligasyon na posibleng may mga polis na sangkot sa pagkawala ng mga sabongero.
03:00Noon pa yun sinasabi ko, napakasama na magpagamit tayo sa sindikato, if you call it sindikato, polis ka, you are there to uphold the law, you are there to enforce the law.
03:17Ngayon, binayulit mo yung batas para sumunod kung sino man nag-uto sa'yo na, I'm sure, in consideration of money.
03:27Ryan Lisigues para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended