Dumarami ang mga nalululong sa sugal lalo sa online gambling na mas accessible na ngayon kahit sa mga estudyante. May ilang nakakagawa na umano ng krimen para may pansugal. Kung paano matutugunan ang gambling addiction, sa tiptalk ni Vonne Aquino.
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
00:30Ang suspek, isa lang sa maraming Pilipino na nagugumon sa pagsusugal, lalo na sa online gambling na mas accessible na ngayon at kayang gawin sa isang pindot lang sa cellphone.
00:52Sa pag-aaral ng isang grupo, tumaas ang bilang ng mga estudyanteng na huhumaling sa online gambling.
00:58Ang nakakabahalang trend daw, college students na isinusugal ang kanilang allowance, minimum wage earners na lulong sa online bingo,
01:07at mga influencers na ninonormalize ang sugal bilang entertainment.
01:11Kaya panawagan ng ilang mambabatas at grupo, total ban sa online gambling.
01:16Maging si Pangulong Bongbong Marcos na istugunan ang problema at pinag-aaralan ng mungkahi ng Finance Department na taasan ang buwis sa online gambling.
01:26Ang Pangulo po ay nakikisimpatya sa mga pamilya na nabibiktima ng itong klaseng gambling,
01:33dahil po yung ibang kanilang mga kasama sa bahay ay nagiging gumon sa pagsusugal.
01:39Pero paano nga ba nagsisimula ang adiksyon sa sugal?
01:43Sa start siya, usually pagka yung tao ay nai-entice na magsugal, like may pangangailangan or nai-ayaya,
01:53or minsan, more commonly, may pinagdadaanan.
01:57Usually may unos yan o may problema ang pinagdadaanan.
02:01Nagiging ano nila yun, parang stress reliever.
02:03May kinalaman din daw ito sa chemicals sa utak na tinatawag na dopamine.
02:09Ang rasyonale ganito, yung 50 ko nanalo ng 500.
02:14Okay?
02:14Nag-release siya ng dopamine sa utak.
02:17However, habang tumatagal yung dopamine, yung chemical sa utak,
02:21nagiging insensitive na yung utak mo dun.
02:24So kailangan, mas mataas yung itaya mo.
02:26Para mas maraming dopamine yung pakawalan ng utak mo at mas sumaya ka.
02:33Kabilang anya sa mga senyales para masabing adik o lulong na sasugal ang isang tao
02:38ay ang paghahabol ng talo, pagsisinungaling, pataas ng pataas ng pagtaya at pananabik.
02:45Para magamot ang gambling addiction, maaaring kumonsulta sa doktor para maresetahan
02:50ng gamot na makakapagpanumbalik ng dopamine sensitivity ng utak at mawala ang craving.
02:56May therapy rin para malaman ang problema at mga dahilan sa pagsusugal.
03:00So dapat i-address yung cost?
03:03O, kasi kung gagamotin mo lang, tapos hindi mo address yung cost, babalik.
03:09Pinapayuhan din daw nila ang mga pasyente na magkaroon ng healthier outlet
03:13tulad ng pag-i-resisyo, paggawa ng art at bonding kasama ang pamilya.
03:18Von Aquino nagbabalita para sa GMA Integrated News.