Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Puwede na ring makabili ng P20 na kilo ng bigas ang mga benepisaryo ng "Walang Gutom Program". 'Yan po ang high-tech na "food coupon" program, kung saan nagbibigay ang gobyerno ng card na pambili ng mga pagkain. Nakatutok si Dano Tingcungco.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pwede na rin makabili ng 20 pesos na kilo ng bigas
00:04ang mga beneficiaryo ng Walang Gutom Program.
00:08Yan po yung high-tech na food coupon program
00:10kung saan nagbibigay ang gobyerno ng mga card
00:13na pambili ng mga pagkain.
00:16Nakatutog si Dano Tingkunko.
00:20Simula ngayong araw, may mabibili na rin 20 pesos
00:23kada kilong bigas para sa mga beneficiaryo
00:25ng Walang Gutom Program sa Barangay 69, Tondo, Maynila.
00:29Itong B20, dapat ang nakikinabang dyan
00:33yung pinaka-bunerable sa ating mga mamamayan.
00:36Pero hindi cash ang pambili nila
00:38kundi electronic benefit transfer o EBT card.
00:41Parang debit card na niloloda ng P30,000 piso kada buwan.
00:44Magagamit lang yan sa accredited kadiwa retailers.
00:48Bukod sa bigas, pwede rin niyang pambili ng pagkain doon
00:50basta pasok sa pre-identified food group ng DSWD
00:53tulad ng carbohydrates, proteins at iba pa.
00:56Restricted yung menu ng food stamps program natin.
01:00Binibigyan natin ng kapangirihan, pumili ang mga pamilya.
01:03Alam natin sa carbohydrates, may bigas, may sweet potatoes.
01:07Samot sa ring mga carbohydrates na pwede nilang pagpilian.
01:11So, may portion doon na pupunta sa bigas.
01:14Gagabayan ng mga benepisaryo sa pamimili ng bibilihing pagkain
01:18sabay check out sa kiosk na ito.
01:20Pagkabili ay may resibong ibibigay.
01:22Hindi kailangan ubusin ang P3,000 na buwan ng food budget
01:25pero mainam na i-maximize basta huwag sa sobra
01:28lalot layo nitong tugunan ng pagkagutom.
01:31Pwede ba magbales ang susunod na buwang allowance?
01:33Ay, hindi pwede yun.
01:34Hindi talaga pa.
01:35You have to wait for the next month's crediting.
01:38Hindi yan ina-advance.
01:40Pag gusto mo magdagdag ng sarili mong pera,
01:42we encourage that.
01:43Malaki pong ang laga kasi wala rin po akong trabaho.
01:46Yung mga gamot na hindi nabibili dati,
01:50makukompleto niya na.
01:52Binabudget ko po kasi yung ano,
01:53unang-una po wala po akong anak na nagtatrabaho
01:57kaya malaking tulong to sa amin.
02:00Kasabay nito, tuloy-tuloy ang implementasyon
02:02ng P20 pesos na bigas para sa minimum wage earner.
02:0510 kilo kada buwan muna ang pwedeng mabili kada tao
02:08pero pwede itong madagdagan sa mga susunod na buwan.
02:10Hindi rin gaya sa ibang benepisyaryo,
02:13hindi nila kailangan ng EBT card.
02:15Direkta po tayo nang ipagpugnayan sa mga employer.
02:18Yung mga employer po nila,
02:20ang mismo nakikipag-usap po sa atin
02:21at sila po yung mismong nagbibigay.
02:25Sa ngayon, nasa 120,000 minimum wage earner
02:28ang benepisyaryo ng murang bigas ng DA
02:30at layon itong gawing hanggang 1 milyon
02:33bago matapos ng taon.
02:34Hindi naman bababa sa 300,000 na benepisyaryo
02:37ng walang gutom ang nakikinabang din sa programa.
02:40Para sa GMA Integrated News,
02:42danating kung ko nakatutok 24 oras.

Recommended