Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Nakahanda na ang tatlong milyong family food packs na ipamamahagi ng gobyerno sa mga maaapektuhan ng Bagyong #CrisingPH at Habagat. Mamimigay rin ng water filtration kit o pansala ng tubig, na sinubukan pa mismo ng pangulo.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nakahanda na ang 3 milyong family food packs na ipamahagi ng gobyerno sa mga maapekto ka ng bagyong krising at abagat.
00:07Mamimigay rin ang water filtration kit o pansala ng tubig na sinubukan pa mismo ng Pangulo.
00:13Nakatutok si Darlene Kai.
00:17Sana hindi na lumakas yung bagyo, pero kung sakali ay lalakas pa, ay nakaredy naman tayo.
00:23Yan ang tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang pagbisita sa National Resource Operations Center ng DSWD sa Pase City kaninang umaga.
00:32Dito sa NROC ni Rere Pak ang family food packs na ipadadala ng DSWD sa iba't ibang bahagi ng Luzon.
00:38Ang report ng DSWD sa akin, sa ngayon ang naka-storage sa atin ay 3 milyon na relief goods na pack na pwede nating ibigay.
00:49So, siguro sapat naman yun kahit ano pang nangyari.
00:54May ganito rin pasilidad sa Cebu na pinanggagalingan naman ang food packs na ipinamimigay sa Visayas at Mindanao.
01:00Mabuti na lang, may ganito rin tayo sa Cebu.
01:03Ganyan na ganyan na halos pareho na makinarya at sila ay ginagawa rin nila.
01:08Kaya nakaredy naman tayo sa kung ano pang nangyayari.
01:15Ayon sa DSWD, nakapuesto na ang food packs sa palibot ng bansa bago pa man tumama ang bagyo.
01:21Kaya ngayon ay nagsisimula na silang mamahagi ng mga ito.
01:24Sa Cebu, sa Negros Occidental area, nagdidistribute na tayo kasi yung habagat na apektohan na sila.
01:32We're also looking at Mindoro, Region 7, Region 6.
01:36Handang-handa rin tayo sa Northern Luzon, Carag, Sa Car, Sa Calderera, Region 1 at Region 2.
01:42May mga preposition tayo na family food packs doon.
01:45Kulang-kulang almost 300,000 yun nandun sa mga areas na yun.
01:49Bukod sa food packs, namamahagi rin ng DSWD ng sanitation kit, mga damit, gamit panluto at water filtration kit.
01:55Nag-sample pa ang Pangulo ng pag-inom sa tubig na sinala sa filtration kit na ipinamibigay ng pamahalaan.
02:00Yung tinesting namin, yun yung balde na mayroong filter na kahit anong klaseng tubig, huwag lang maalat.
02:10Pero kahit na iba pa sa fresh water, kahit hindi masyado malinis, pwedeng ilagay sa balde, pwedeng inumin, dadaan lang doon sa filter na yun.
02:18Fully automated na raw ang operasyon dito sa Enroc.
02:20Ibig sabihin, puro makina na ang gumagawa ng pagre-repack ng relief goods imbis na mano-mano.
02:26Mahigit 20,000 family food packs daw yung nagagawa ng DSWD dito sa National Resource Operation Center.
02:33Malaki na raw yung diperensya niyan mula sa dating 5-10,000 family food packs na nagagawa nila nung hindi pa fully automated yung sistema.
02:40Pag kinulang na yung mga kapasidad ng local government units, sinusupplyan natin sila.
02:45So kung kayo ay naging biktima, ang inyong mga local government units, ang inyong mga city hall, municipal hall,
02:51ang siyang magdedetermine kung saan ang evacuation center at doon na mamahagi ng mga family food packs.
02:56Nakahanda rin daw ang DSWD na mamigay ng financial assistance sa mga masasalanta ng bagyo.
03:01Nakadepende ang halaga sa assessment ng social workers.
03:04Para sa GMA Integrated News, Darlene Kai, Nakatutok 24 Oras.

Recommended