Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Para natural o organic at hindi gumagamit ng mga kemikal, dumarami ang gumagamit ng mga bulate para magpataba ng lupa. Kaya industriya na rin ngayon ang pagpaparami ng earthworms. Pinadali pa 'yan ng isang automated solution na dinevelop ng ilang engineering student.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Para natural at walang kemikal, dumarami ang gumagamit ng mga bulate para magpataba ng lupa.
00:18Kaya industriya na rin ngayon ang pagpaparami ng earthworms na pinadali ng isang automated solution.
00:27Basintabi po sa mga kumakain para sa worth it na game-changing technology, hatid ni Martin Avier.
00:40Hindi tulad na akala ng marami, hindi peste ang mga earthworm.
00:44Mahalaga ang papel ng mga ito sa pag-transform na organic waste para maging pataba sa lupa o vermicast.
00:51Kaya na-develop ang scientific process ng pagpaparami sa kanila o vermiculture.
00:55Prosesong mukhang madali ano?
00:58Easier said than done dahil hindi raw ganun kadaling paramihin ang mga earthworm gaya ng African nightcrawlers.
01:05Hmm, bakit kaya?
01:10Nakasalalay kasi yan sa tatlong environmental parameters.
01:14Tamang temperatura, moisture at carbon dioxide level.
01:18Pero mahirap i-monitor ang mga yan, gaya ng nalaman ng ilang engineering students from the Technological Institute of the Philippines.
01:27Pag-interview po ng mga farmers din sa Laguna, na-determine po namin yung mga problems.
01:36Kaya goodbye mano-manong monitoring ang naisip nilang solusyon.
01:43Time to upgrade sa dinevelop nilang vermicometer.
01:46Sistema itong connected sa internet na nagmo-monitor at nagre-regulate sa lupa kung saan pinaparami ang bulate, worm bed in real time.
01:55Sa pamamagitan ng mga sensors.
01:57Una na rito, ang Capacitive Soil Moisture Sensor.
02:01Ito ay ginagamit upang mapanatili ang moisture sa lupa na siyang may iwasan ang pagkadehydrate ng mga worms.
02:08Sumunod ay ang DHT22 para sa temperature sensor.
02:12Ang sumunod naman ay ang MG811 para sa carbon dioxide upang hindi mamatay ang mga uod sa pagkaubos ng kanilang oxygen.
02:21Pag na-sense na may kailangan baguhin, automatic na ina-adjust ng system ang kondisyon ng lupa.
02:26Once na ma-detect ni vermicometer na low na ang moisture, mag-on yung pump then solenoid valve.
02:32For our temperature sensor, kapag nag-exceed na sa threshold, mag-on yung pelcher module for temperature control.
02:42And then kapag na-detect ng MG811 na may carbon dioxide buildup, mag-on yung exhaust fan para ma-expel yung gas buildup.
02:52May instant alerts din na natatanggap ang farmers anytime, anywhere.
02:57Lahat ng sensor readings na na-detect ng system ay madi-display dito sa loob ng mobile application.
03:03Nasa 10.46 seconds ang average response time ng prototype na sumailalim na rin sa testing.
03:10High-tech pero organic pa rin.
03:12A game-changing innovation na makakatulong sa pag-automate ng cultivation ng earthworms.
03:18At malaking bagay ito para sa iba't ibang industriya katulad ng farming.
03:23Para sa GMA Integrated News, ako si Marty Navier.
03:26Changing the game!

Recommended