Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/4/2025
Panayam kay National, Wages and Productivity Commission Exec. Dir. Maria Criselda Sy ukol sa wage hike sa National Capital Region at wage hike review sa iba pang rehiyon

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Wage Hike sa National Capital Region at Wage Hike Review.
00:03Sa iba pang region, ating pag-uusapan kasama si National Wages and Productivity Commission Executive Director Maria Criseldacy.
00:11Director C, magandang tanghali po.
00:15Magandang tanghali po sa inyo at sa inyo mga taga-subaybay.
00:19Ma'am, para po sa kalaman ng lahat, ano po ba ang factors na ikinukonsidera ng NWPC at mga Regional Wage Board sa pag-aaproba sa taas-pasahod?
00:30Ayon po sa Republic Act 67-27, meron po tayong sampung factors na kinukonsider sa pagtatakda ng minimum wage.
00:41At ito po ay, we categorize this into three major factors.
00:47Ang nauna po dito, yung needs of workers and their families.
00:52Pangalawa po ay yung capacity of employers to pay.
00:57At ang pangatlo po ay yung ating requirement of economic development.
01:02Ma'am, nauna na pong iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang palagiang pag-review sa Regional Minimum Wage Rate.
01:10Paano po ito tinutugunan ng inyong ahensya?
01:13Salamat, ASSEC.
01:16Kami po ay tumaliman noong nakaraang taon sa kautosan ng ating Pangulo.
01:22At nagkagiyat na naglabas ng resolution ang NWPC na siyang sinusunod naman ang ating mga RTWPBs.
01:31At sa ilalim ng resolution na ito, ay kailangang simulan ng ating mga Regional Boards ang pag-review ng minimum wage 60 days bago pa sumapit yung anniversary date ng kanikanilang wage orders.
01:44At siguraduhin ito ay alinsunod sa nakalatag na schedule doon sa ating omnibus rules on minimum wage determination.
01:54Ito po ay patuloy namin ginagawa hanggang ngayon.
01:58Kaya nga po, kung mapapansin ninyo, bago po nag-anniversary itong wage order ng NCR,
02:06ay nagsimula na po sila ng minimum wage determination process.
02:11Sa July 17 po, ang anniversary ng kanilang wage order at mapapansin ninyo na yung bagong wage order ay magiging efektibo ng July 18,
02:24immediately a day after the anniversary date of the NCR wage order po.
02:30Ma'am, dito po sa 50 peso wage hike sa National Capital Region,
02:34ano po yung magiging hakbang ng NWPC sa mga employer na hindi susunod sa omento sa sahod?
02:41Nagbigay po si Sekretary Benny Laguesma ng instruction sa ating mga regional and field offices ng National Capital Region
02:52na magsagawa ng labor inspection upang tiyakin ang compliance po ng mga establishmento
02:59sa bagong minimum wage at sa iba po pong labor standards.
03:04Aside from the inspection, pwede pong dumulog yung ating mga manggagawa sa kanilang mga regional field offices
03:14na nasasakop ng kanilang lugar.
03:17At ang contact details po ng Dole Regional Offices ay matatagpuan po sa website po ng Department of Labor and Employment.
03:26Bukod po po dyan, ang NCR po na regional board ay magsasagawa ng information campaign sa bagong pasahod
03:37at magbibigay din po sila ng technical assistance sa ating mga enterprises
03:42na gusto pong i-correct yung magiging result ng pagtataas ng minimum wage.
03:50Yun pong tinatawag natin na wage distortion.
03:52Ma'am, yung mga employer na nais mag-apply ng exemption sa wage hike, ano po yung pwedeng gawin nila?
04:01At sino-sino ba yung mga eligible na mag-apply for exemption?
04:07Opo, meron po tayong existing na mechanism to apply for exemption sa wage hike.
04:14At nakalagay po sa ating batas na ang establishments po na pwedeng mag-apply.
04:20Ayun pong tinatawag natin na retail service establishments employing not more than 10 workers.
04:28At yun din pong mga establishments na malubhang nakaranas ng human-induced disasters or calamities at mga typhoons.
04:38At ang aming pong website ay nakasaad po dito ang mga proseso kung paano po mag-apply ng exemption itong mga establishments na nandito.
04:52Ma'am, ngayong taon po ba ay may inaasahan pangumento sa sahod sa ibang region naman?
04:56Yes po, in fact ngayong buwan po, July at August, ang ating pong mga regional boards sa Calabar Zone, sa Central Luzon, sa Region 1, Region 2 at Region 7.
05:15Then sila po ay nagsimula na po ng kanilang wage determination process sapagkat inaasahan po natin na mag-aanniversary na po yung kanilang mga wage order ito pong August or September.
05:28Kaya't inaanyayahan po po yung ating mga kababayan, lalong-lalo na po yung mga stakeholders natin na mayroon pong concern sa issue ng minimum wage na mag-participate po sa consultation at sa public hearing na gagawin itong mga regional offices na ito.
05:49Mamuli pong inihain sa Senado at sa House yung panukalang batas kaugnay sa pagtaas ng wage.
05:56So, para sa mga manggagawa, ano po yung papel ng dole, particular ng NWPC, sa usaping ito?
06:05Kami po sa NWPC ay nagbibigay po ng technical assistance sa ating pong mababang kapulungan at sa Senado.
06:14Every time po na mayroong bills about minimum wage or sa pagtaas ng pasahod.
06:21At kasama po natin dito ang ating mga kasamahan sa Department of Planning and Development at DTI na nagbibigay po ng ilang senaryo sa kanila at simulations sa maaaring maging potential impact ng proposed legislated minimum wage.
06:43Lalo-lalo na po doon sa tinatawag natin na key macroeconomic outcomes po natin, katulad po ng gross domestic product at ang inflation level po natin, at ang employment situation po dito sa ating bansa.
06:59Ma'am, kung sakali po makapasa sa kongreso yung mas mataas na minimum wage, paano naman po matitiyak na balanse naman sa empleyado at employer yung magiging desisyon sa usapin na ito?
07:09Sa ngayon po, hindi pa natin malalaman kung ano yung mga detalye ng mga panukalang batas at kung paano po ito ipapatupad ng department.
07:22Gayun pa man, sa oras na maipasa po ang batas patungkol dito ay inaasahang maglalabas ng implementing rules and regulations para po sa maayos na pagpapatupad.
07:35At handa po kami sa Department of Labor and Employment sa pagbabalangkas ng implementing rules na ito.
07:45At para matiyak po ang balancing desisyon sa pagitan ng interes ng ating mga manggagawa at employer,
07:54tayo po ay nagtitiwala sa proseso ng ating legislatura na magsasagawa po sila ng masusing pagdinig sa lahat po ng panukala.
08:04At bahagi po nito ang pagkinig nila sa iba't ibang sektor, lalong-lalo na po sa ating mga ekonomista upang masigurong makatwiran at makatarungan ang magiging batas.
08:18At ito po ay makakatulong sa pagunlad ng ating bayan.
08:23Ma'am, bilang panghuli po, mensahe na lamang po sa ating mga manggagawa at employer na nakaabang sa mga desisyon na mga wage board
08:33o nakaabang din sa kahihinat na nitong legislated wage hike na panukala.
08:40Ang usapin po sa minimum wage increase ay isang sensitibong bagay na nangangailangan ng masusing pag-aaral
08:52batay sa mga konkretong datos, mga makabuluhang impidensya at umiiral na kalagayang socio-ekonomiko sa ating bayan.
09:02Upang masigurong makatarungan po at sustainable ang anumang magiging desisyon para sa mga manggagawa, employer
09:10at sa kabuoang kalagayan ng ating economy.
09:15Base po sa pinakabagong pag-aaral ng NWBC at katuwang po natin dito yung mga eksperto mula sa private sector
09:24ay nakita po natin sa ating pag-aaral na ang regionalization or pagstatakda ng regional minimum wage
09:33ay siya pa rin nananatiling pinakamabisang mekanismo sa pagtatakda ng omento sa sahod.
09:43Kaya po ang policy ngayon ng Department of Labor and Employment
09:48ay magbigay po ng predictable, regular, and moderate increases pagdating po sa ating minimum wage.
09:58Ito ay alingsunod po sa tungkulin at mandato ng NWBC na tiyaking may balanse
10:06sa pagitan ng pangangailangan ng mga manggagawa para sa makatarungang sahod
10:11at kakayahan naman ng mga namumuhunan na magbigay ng angkop na pasahod na kapakinabang para sa mga nakararami.
10:21Sa pangkalahatan po, ang layunin natin ay makapagtakda ng minimum wage na makatutulong sa mga manggagawa
10:29habang pinangangalagaan po natin ang pagunlad ng ating mga negosyo dito sa ating bayan.
10:37Kaya sa kasalukuyan po, nakasisiguro po tayo na yung ating regional minimum wage setting
10:44ay naaayon po sa wage fixing convention ng International Labor Organization
10:50at sa practice ng mga bansa na katulad natin na nandito po sa ASEAN region
10:58na nagsusulong po sa prinsipyo ng tripartism at social dialogue sa pagitan ng mga sektor.
11:06So sa pagtaas po ng minimum wage dito sa National Capital Region
11:11tayo po ay nage-expect sa ating mga enterprises na sila po ay tatalima
11:18sa wage order na na-issue ng ating NCR
11:22para po ma-insure na ang ating mga manggagawa
11:26lalong-lalo na po yung mga sumasweldo ng minimum wage
11:30ay makinabang po dito sa polisya ng ating pamahalaan.
11:35Yun lang po at marami pong salamat sa pagkakataon.
11:38Alright, maraming salamat po sa inyong oras,
11:41National Wages and Productivity Commission Executive Director, Maria Criselle Daci.

Recommended