00:00Independence Day Job Fair, ating pag-uusapan kasama si OIC Assistant Secretary Patrick Pati Wirawan Jr. ng Bureau of Local Employment ng Department of Labor and Employment.
00:10Asek, magandang tanghali po at welcome dito sa Bagong Pilipinas ngayon.
00:14Asek Weng, magandang tanghali po.
00:16Sir, naitala sa 4.1% ang unemployment rate itong April 2025. Ano po yung nakikitang factors ng dole na nakatulong sa pagkakaroon ng trabaho sa bansa?
00:26Maraming salamat po Asek Weng. Unang-una po na natin nakikita yung pinalakas na pakikipagtulungan ng iba-ibang mga ahensya sa ilalim po ng trabaho para sa Bayan Plan.
00:37Kung saan ang DepDev, DTI, Dole, DBM, DOF, mga ahensyang may kinalaman sa paglilikha ng trabaho at mga ahensyang may kinalaman sa pagsisiguro na mayroon po tayong sapat na mga kababayang magsusupply po ng ating mga bakanting trabaho,
00:51ang DepEd, CHED, TESDA, ay nagtutulungan upang maglikha ng mga strategiya, inisyatiba para po masiguro na magkakaroon po ng trabaho ang ating mga kababayang Pilipino.
01:02Sir, ano pa po yung mga hakbang na isusulong ng dole para sa upskilling and reskilling ng mga manggagawang Pilipino?
01:08Sa ilalim po ng kagawaran ng paggawa at empleyo, mayroon po tayong tatlong ahensya po na nakatutok sa upskilling at reskilling.
01:15Unang-una na po sa Bureau of Local Employment, mayroon po tayong mga youth employability programs dyan, kasama na po ang SPES, GIP at Jobstart.
01:23Ang TESDA naman po ang nakatutok sa ating mga tech book courses sa ilalim po ng mga training regulations at ang PRC po na nakatutok sa ating continuing professional development.
01:32At lahat po nito, nagsisiguro na mapataas ang antas ng kasanayan ng ating mga kababayang Pilipino.
01:38Kung naman po, Sir, ng itong Independence Day Job Fair, ilan at saan pong mga lugar nakatakdang magsagawa ng job fair ngayong darating na June 12, ilang bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan?
01:49Yes po, Asik Weng, patuloy po tayo nagmomonitor sa report ng ating mga regional offices.
01:54Umabot na po sa 49 job fair sites ang ating isasagawang job fair ngayong Araw ng Kalayaan.
01:59At mayroon na pong 800 na participating employers kasama po na nag-post ng around 72,000 vacancies nationwide.
02:09Wow, madami yun na 800 employers, 72,000 job vacancies.
02:12Yes po, Asik.
02:12So yung mga bagong graduate pen may pagkakataon ng mag-apply dito.
02:16Yes po, Asik.
02:17Malaki yung chance na matanggap kung ganung kadami yan. Buong bansa po yan.
02:20Yes po, lahat po ng review.
02:21So sir, ano naman po yung mga industriya o kumpanya nakasali dito sa job fair, dun sa 800 na no?
02:27At paano po makakasali ang mga aplikante? Ano po ba yung mga kailangan? Meron po ba ang pre-registration online?
02:34Kasama po ang mga industriya ng manufacturing, retail, BPO or business process outsourcing, accommodation at finance and insurance activities.
02:43Kung saan may mga trabaho po katulad ng production operator, sales clerk, call center representative, service crew at microfinance officers.
02:53Inayayahan po natin ang mga kababayan natin noon at magtungo po sa ating online job matching portal,
02:58ang field job net po kung saan naroon po yung mga bakanteng trabahong na bahagi ko po at yung mga iba pang trabahong i-offer po ngayong araw ng kalayaan.
03:06So may tulong po ba ang dole sa mga first-time job seekers talad ng pagpaprocess ng kanilang requirements,
03:12katulad yung mga NBI clearance, kailangan ba ng police clearance, yung mga school records, ganyan?
03:19Yes po, Asak. Sa ilalim po ng Assistance to First-Time Job Seekers Act,
03:23meron po tayong servisyon na binibigay para sa ating mga first-time job seekers kung saan libre po nilang nakukuha ang mga pre-employment documents na ito.
03:32Magtungo lamang po sila sa mga barangay upang makakuha po ng barangay certification na sila yung mga first-time job seekers
03:37at libre po nilang makukuha ang kanilang NBI clearance, PSA birth certificate at even yung mga teen and iba pang mga pre-employment documents.
03:46So sir, ano naman po yung ginagawa ng dole para lalo pang mapataas ang placement rate ng mga aplikante?
03:52Tayo po ay naglunsad ng Career Development Support Program na inimplementa po ng ating mga peso managers
03:58para po tutukan ang ating mga kababayan na gahanap ng trabaho.
04:01Sa ilalim po ng CDSP or Career Development Support Program,
04:05nagbibigay po tayo ng guidance sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng counseling,
04:10employment counseling, career counseling at vocational counseling
04:13para po ma-i-link po sila sa tamang trabaho para po sa kanilang mga kwalifikasyon.
04:18So mga ilang percent po yung naka-namamatch ninyo doon sa jobs na hinahanap o yung base doon sa skills ng isang aplikante.
04:27Okay, meron po ba tayong parang naging study na kasi minsan mga hindi sila bagay doon sa,
04:33kunyari, engineering graduate pero nakapasok siya doon sa BPO?
04:38Yes po, Asak. Sa ilalim po ng pag-monitor natin ng mga pesos po natin o public employment service offices,
04:43makikita po natin na umaabot po tayo sa 2 milyon halos ng mga kababayan natin na pe-place ng mga pesos nationwide sa buong bansa.
04:51At ito po ay pumapalo sa 90 to 95 percent na placement rate kada taon.
04:56Sir, balikan lang po natin yung inilunsad na job fair noong May 1.
05:00Ilan po yung na-hire on the spot?
05:01Saya, base sa inyong datos, tsaka tumaas po ba kumpara sa mga nakaraang job fair?
05:06Yes po, Asak. Sa pagtatala po natin, umabot po tayo sa 5,000 hired on the spot.
05:11At ito po ay 15 percent na placement rate mas mataas mula nung ikukumpara sa nakalipas na taon na 11 percent.
05:18Paano kaya yun, sir, kung halimbawa nag-graduate niya yun pero wala pang yung school records dahil hindi pa tapos yung kanilang tawag nito, yung kanilang graduation ceremony.
05:30So, pwede po ba yun na meron po ba kayong parang effort to talk to the employers na to follow na lang yung ibang requirements?
05:37Isa po yan sa tinututukan din natin sa mga participating employers natin kung saan mayroong orientation tayong iginagawa para po bigyan ng payo at tulungan ng ating mga employers na kapagka meron po silang isinescreen or nire-recruit ng mga aplikante,
05:51kung may mga pending pa ng mga documents ay tinatawag po natin silang mga near-hire applicants.
05:56So, itong mga inaalok po ba yung mga permanent position or parang magiging malaki din yung chance na regular sila o parang mga OJT lang or contractual?
06:08Isa po yan sa binabantayan natin kaya po tinatawag nating regulation ng job fair dahil sinisiguro natin na yung mga trabahong in-offer po natin sa lahat ng mga job fair activities natin
06:16ay regular, permanente at disenteng trabaho po na iaalok natin sa ating mga kababayan.
06:21Okay, sir, mensahin niyo na lang po sa mga manggagawang Pilipino kaugnay ng naalalapit na job fair.
06:27Inaanyayahan po natin ang ating mga kababayan na magtungo po sa ating online job matching portal,
06:32ang fieldjobnet.gov.ph para po tignan at tignan ang mga bakanteng trabaho online.
06:39Inaanyayahan rin po natin ang ating mga kababayan na lumapit po sa mga public employment service offices
06:44para alamin po ang mga latest na bakanteng trabaho at mga training opportunities sa inyo-inyong mga munisipyo, syudad at probinsa.
06:50At kailangan dalad na rin nila yung mga requirements na pwedeng alam nilang hanapin sa kanila.
06:56Yes po, Asa.
06:56Maraming salamat po sa inyong oras.
06:59OYC Assistant Secretary Patrick Patry Wirawan Jr. ng Bureau of Local Employment ng DOLE.