Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4 days ago
Kakayahan ng Grade 3 students na magbasa, tumaas sa ilalim ng 'Bawat Bata Makababasa' program ayon sa DepEd; feeding program, malaki din ang naitulong

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa harap ng pagsisikap ng Administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa,
00:07tumaas pa ang bilang ng Grade 3 students na bumuti ang kakayanan sa pagbabasa.
00:13Ito'y sa tulong na rin ng Literacy Program ng DEPED at kahit ng Feeding Program ng Pamahalaan.
00:18Si Kenneth Pasyente sa Sentro ng Balita.
00:20Kasunod ng Paglulunsad ng Bawat Bata Makakabasa Program o BBMP ng Education Department,
00:29nagkaroon na ng malaking improvement sa reading proficiency sa mga lumahok sa programa.
00:34Ayon sa datos ng DEPED, tumaas ng 32.85% ang Grade 3 learners na nakakabasa na sa wikang Filipino batay sa kanilang baitang.
00:42Habang nakitaan naman ang 26.04% ang kanilang kakayahang magbasa sa wikang Ingles,
00:47bumaba rin ayon sa kagawaran ang bilang ng itinuturing na low emerging readers o yung mga hindi pagganap na nakakabasa.
00:55Isa rin sa naitala ng BBMP ang 80.83% average attendance para sa mahigit kumulang 70,000 beneficaryo sa loob ng limang linggo.
01:03Nakatanggap din ang 15-day na intervention na nakatoon sa reading at mathematics
01:07ang mahigit 1.13 milyong mag-aaral mula sa 157 school divisions sa ilalim naman ng National Learning Campo, NLC.
01:15Ayon sa DEPED, nakita nilang dahilan ng tagumpay ng programa ang kasabay na paglulunsad ng feeding component ng kanilang reading programs,
01:23batay na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
01:26Gate ng ahensya na patunayang may malaking positibong epekto sa mga bata ang suporta sa pagkain at nutrisyon
01:32na naging susi sa mabilis na pagkatuto at focus sa pag-aaral.
01:36Nakita kasi na ang food support mula sa merienda sa eskwelahan hanggang sa tulong mula sa mga LGU
01:42ay nakatulong para mapanatili ang attendance at moral ng mga bata.
01:46Malaking tulong din ang inisyatiba ng ilang LGU sa pamamahagi ng pagkain
01:50habang ang mga school official naman ay isinama ang feeding sa kanilang araw-araw na klase.
01:54Una nang sinabi ng Pangulo na tutok ngayon ang pamahalaan sa pagpapalawig ng school-based feeding program
02:00para matiyak ang nutrisyon at pagkatuto ng mga mag-aaral.
02:03Pinalawak natin yung feeding program para sa mga kabataan.
02:11Kasi kung maalala ninyo, DSWD meron na tayong program from the first 1,000 days.
02:20Kasama na yung pagbuntis para maganda yung pag-alaga sa bata bago pa pinanganak at tapatapos manganak.
02:28Ngayon naman, from 5 years old on, ito naman marami tayong programa,
02:31lalong-lalong na yung feeding program para sa ating mga kabataan.
02:36Kenneth Pasyente, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.

Recommended