Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/3/2025
MMDA, iginiit na hindi ‘trap’ sa mga motorista ang pag-alis ng countdown timer sa mga traffic light; MMDA, maglalagay ng malinaw na signages sa paligid ng mga paaralan

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa ibang balita, nilinaw ng MMDA na bahagi ng kanilang adaptive signaling system
00:04ang pagalis ng countdown timer sa mga traffic light.
00:08Nakiusap naman ang ahensya sa mga lokal na pamahalaan na makiisa
00:11at lumipat sa bagong sistema para higit na mapangalagaan ang kaligtasan ng mga motorista
00:16at para sa mas efektibong pamamahala ng daloy ng trapiko.
00:21Si Bernard Ferrer sa Centro Balita Live, Bernard.
00:24Ryan, hindi trap kundi bahagi ng pagpapabuti ng kaligtasan ng mga motorista
00:30ang pagalis sa mga traffic light na may timer.
00:34Kasunod yan, nagpagpapatupad ng MMDA ng adaptive signaling system sa mga pangunahindaan sa Metro Manila.
00:45Sa 10 balitaan, binigyan din ni MMDA chairman Romano Artes
00:49na hindi patibong sa mga motorista ang pagalis ng countdown timer
00:54sa mga traffic light, kundi bahagi ito ng pagpapatupad ng adaptive signaling system
00:59para sa mas efisiyenteng pamamahala ng trapiko.
01:02Ayot kay Chairman Artes, ang bagong sistema ay naglalayong itaas
01:06ang antas ng kaligtasan ng mga motorista at gawing mas efektibo ang daloy ng trapiko.
01:11Imbis na bumabanti tayo, papaliktad ng MMDA.
01:20Hindi po.
01:22In fact, yan nga po yung ginagawa na sa ibang bansa, including Singapore, na first world country.
01:30Na mas disiplinado yung kanina mga kababayan.
01:34Simula noong 2022, sinimula ng MMDA ang pagdatanggal amang countdown timer
01:40sa ilang intersection upang bigyan daan ang paggamit ng adaptive traffic signal system.
01:46Sa ilalim ng sistema ito, otomatikong ina-adjust ang tagal ng ilaw
01:50batay sa aktwal na sitwasyon ng trapiko
01:53dahil ang kung bakit hindi naangkop ang mga countdown timer.
01:56Magbiblink o magpapatay sindi ng limang beses ang berding ilaw
02:00bilang babala bago ito magpalit ng dilaw na ilaw natatagal ng tatlong segundo
02:06at tuluyang magiging pula bilang hudyat ng paghinto.
02:09Sa kasalukuyan, gumagamit ang MMDA ng loop detector
02:12upang sukatin ang dami ng mga sakyan ngunit nakatakdang gumamit
02:16ng video detector sa susunod na taon para sa mas maayos na monitoring.
02:21Nakikipagugnay na rin ang MMDA sa mga lokal na pamahalaan
02:24para sa pagtanggal ng mga traffic light na may timer.
02:28Ang ganitong hakbang ay ipinatupad na rin sa mga bansang
02:32tulad ng Cyprus, Vietnam at Singapore.
02:35Samantala, inihayag din Sherman Artes na lalagyan na ng CCTV camera
02:39ang ilang pribadong paaralan sa San Juan at Quezon City
02:43na malapit sa mga pangunan-lansangan
02:44bilang bahagi ng pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy o NCAP.
02:50Kabilang sa mga paaralan ito, ang De La Salle Green Hill sa San Juan.
02:53St. Pedro Fubeda College, Miriam College at Ateneo de Manila University sa Quezon City.
03:00Pagkama taalisin na mga traffic enforcers sa paligid ng mga paaralan ito,
03:04nilinaw ni Sherman Artes na magtatalaga pa rin ng mga personnel
03:08upang pamahalaan ang daloy ng trapiko sa kabuang kalsada.
03:12Papayagan muna ng MMDA ang paggamit ng isang lane ng kalsada
03:15para sa papasok sa mga paaralan.
03:19Ngunit pag-uusapan ang kanilang traffic management plan
03:23upang matiyak ang kaayusan ng pickup at drop-off ng mga estudyante.
03:27Ipatutupad ng MMDA ang 30-second rule
03:30para sa mas mabilis na daloy sa harap ng mga paaralan.
03:34Bilang karagdagang solusyon,
03:35ererekomenda ng MMDA na magkaroon ng sariling school bus service
03:39sa mga paaralan upang mabawasan ang paggamit
03:41ng mga pribadong sasakyan sa paghahatid at pagsundo ng mga mag-aaral.
03:46Maglalagay rin ng MMDA ng malino na signages
03:48sa paligid ng mga paaralan upang gabayan ng mga motorista
03:51sa mga pinatutupad na traffic scheme.
03:54Ryan, huminto na ang ulan dito sa Quezon Avenue
03:57pero yung daloy naman ng mga sasakyan ay maayos pa rin
04:00sa magkabilang linya ng nasabing kalsada.
04:04Balik sa iyo, Ryan.
04:05Maraming salamat, Bernard Ferrer.

Recommended