00:00Ikinatuwa ng mga minimum wage earner sa Metro Manila ang 50 pesos na umento sa arawang sahod.
00:07Puspusan din ang hakbang ng pamahalaang bumuo ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.
00:13Yan ang ulat ni Clay Salpardilla.
00:17Todo tipid ang maintenance staff na si Jopay mapagkasa lamang ang arawang sahod.
00:23Bukod kasi sa mga pilihin, tumutulong din siya sa kanyang pamilya.
00:27Tumutulong din kasi ako sa magulang ko, sa pamangkin ko, lalo na sa probinsya kasi, college level na rin po siya.
00:35Ang sakay ko kasi is dalawa. Ang nangyayari ngayon, masakay na lang ako isang beses, nilagalakad na lang ako.
00:41Sa pagkain naman, tinatansya ko na lang.
00:45Ang magandang balita, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na arali ng arawang sahod ng mga manggagawa.
00:53In-approbahan na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang 50 pesos na umento sa sweldo sa National Capital Region.
01:03Nasa 695 pesos na ang arawang minimum wage para sa non-agriculture sector mula sa kasalukuyang 645 pesos.
01:12Habang ang 608 pesos naman na sahod ng mga nagtatrabaho sa sektor ng agrikultura, paggawa ng mga produkto, mga tindahan at pag-alok ng serbisyo, magiging 658 pesos.
01:26Ayon sa Malacanang, refleksyon ito sa hangari ni Pangulong Marcos na iangat ang pamumuhay ng mga Pilipino.
01:33Yan po ang na-evaluate na maaaring ibigay sa ating mga gagawa para maibsan po ang kahit konting hirap na lumalabas po itong 1,300 per month.
01:43Gumagawa po talaga ang programa ng programa ang Pangulong Marcos Jr. para sa ikagagaan ang buhay ng bawat manggagawang Pilipino.
01:52Inaasahang papalo sa higit isang milyong manggagawa ang mababenefisyohan ng umento sa sahod.
01:59Ina panawagan ko po sa ating mga employers na mag-comply po sa bagong new wage order na ito magiging efektibo sa July 18, 2025.
02:10Puspusan din ang ginagawang hakbang ng administrasyon para makapagbukas ng mas maraming trabaho sa mga Pilipino.
02:17Ayon sa Malacanang, papalo na sa 170,000 na mga trabaho ang naibigay mula sa mga job fair buhat noong 2022 hanggang nitong Mayo kasalakuyang taon.
02:30Habang ang nalikom na investments o puhunan ng administrasyon, lumobo na sa 27 billion US dollars at nakagawa na ng 350,000 na mga trabaho.
02:41Kalaizal Pardilia para sa Pabansang TV sa Bagong Pilipinas.