Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/2/2025
Dahil malayo at mahirap puntahan ang ilang sitio sa Tboli, South Cotabato, madalas ay walang nangangahas na pumunta—kahit ang mga punerarya ay tinatanggihan silang bigyan ng serbisyo. May libreng ataol man mula sa munisipyo, wala namang nais maghatid nito sa mga liblib na lugar.


Kung kaya ang grupong ‘Team Horror’ ang boluntaryong nagsakripisyo para gampanan ang tungkuling ito. Gamit lamang ang motorsiklo, binabalanse nila ang ataol habang tinatahak ang mga mababato, maputik at malulubak na daan para maihatid ito sa mga pumanaw.


Panoorin ang ‘Embalsamador de Motor,’ dokumentaryo ni Kara David sa #IWitness.


FULL EPISODE: https://youtu.be/Kgy2jXe77jc

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Sa lawak na 89,000 hectares, ang bayan ng Tiboli ang pinakamalawak sa buong probinsya ng South Cotabato.
00:12Pero malaking bahagi nito bulubundukin at mahirap abutin.
00:19Ngayong araw, papunta kami sa pinakamalayong barangay sa Tiboli para maghatid ng ataon.
00:26Yung munisipyo dito, merong silang servisyo para sa mga indigent na nagbibigay usually ng kabaong, ganyan.
00:38Pero dahil yung mga lugar dito, masyadong malalayo, sila na rin yung naghahatid ng kabaong doon sa bundok.
00:48Libre ito?
00:49Oo, ma'am.
00:49Ha, libre.
00:52Mabigat ba yan?
00:53Bigat?
00:54Magaan po, ma'am.
00:54Ah, magaan lang ah.
00:56Magaan po?
00:56Sige kuya, hindi ka na.
00:58Magaan lang pala, parang gawa sa yero?
01:00Oo, gawa sa yero po.
01:02Ah, ganito na pala ang mga kabaong ngayon.
01:04Sila ang Team Horror, isang grupo ng mga imbalsamador na ang trabaho maghatid ng servisyo sa pinakamalalayong sityo.
01:15Si Joel Guindon ang leader ng grupo.
01:19Dating habal-habal driver na natutong mag-imbalsamo.
01:22Siya ang kauna-unahang katutubong tiboli na naging lisensyadong imbalsamador.
01:29Noong bata pa ako, noong ano, tinitingnan ko lang yung ginagawa ng mga imbalsamador, yung dati na kasama doon.
01:37Nag-alalay-alalay din ako sa kanila, yun na hasa din ako na tinitingnan ko yung ginagawa nila.
01:45Kaya't hindi ko alam, pero sinasabi ko na...
01:48Pag-aralan mo?
01:48Pag-aralan ko kung kaya kasi kaawa-awa naman yung mga tribo namin sa bundok.
01:54Halos apat na dekada nang nag-iimbalsamo si Kuya Joel.
02:02Dahil siya lang sa kanyang mga katribo ang marunong mag-imbalsamo, araw-araw ang kanyang trabaho.
02:08Araw-araw kayong humahawak ng patay?
02:10O, araw-araw yan, ma'am.
02:12Kasi ilan po ba ang siniservisyohan ninyo?
02:1425, barangay.
02:16O, yung dito sa Tiboli Town sa Tiboli.
02:19Tapos ikaw lang?
02:20Ikaw lang isa.
02:21Kaya araw-araw may kliyente ka?
02:23Araw-araw yan.
02:28Papunta tayo ngayon dun sa barangay Tudok.
02:31Yun ay yung pinakahuling barangay dito sa Tiboli.
02:34Magdadala tayo ng dalawang kabaong.
02:37Pero di ba apat ang patay dun?
02:39Apo, apat.
02:39Pero dalawang kabaong lang dadalin muna ngayon.
02:42Kasi hindi dumating yung supplier.
02:44Bukas pa darating yung dalawa pang kabaong.
02:46So bukas na lang dadalin yung pangalawa.
02:48So yung dalawa, sa kama na lang muna sila.
02:51Apo.
02:52Ay ano lang po?
02:53Sa simula, sementado pa ang kalsada.
03:08Pero makalipas ang ilang minuto, hindi napatag ang daan.
03:19Angkas ako ng panganay na anak ni Joel na si Mark.
03:42Sanay siya sa pagmamotorsiklo dahil bata pa lang daw siya, inaangkas na siya ng kanyang ama.
03:48Simula grade 1, 2, 3. Sinasama niya na po ako.
03:52Saan?
03:53Pag atid ng kaba.
03:55Ako yung, kumbaga ako yung backup na nakasakay sa tanke ng motor.
03:59Pero ibarawang husay ng kanyang ama pagdating sa pagmamaneho.
04:08Kung mapapansin ninyo, si Kuya Joel, permeng nakatindig dun sa kanyang motorsiklo.
04:17So, hindi kasi siya pwedeng umupo dahil bumabanga yung kabaong sa kanyang likod.
04:25Halos kalahati nung upuan, sinasakop na nung kabaong.
04:31So, kapag umupo si Kuya Joel, tatama yung kabaong dun sa likod niya.
04:37Kikis-kis. Tapos magkakasugat.
04:41Kaya titiisin na lang niya dalawang oras na nakatayo sa motorsiklo.
04:45Makalipas ang ilang minuto, naging mahirap na ang daan.
05:11Malalim. Malalim.
05:15Kaya? Kaya?
05:19May mga pagkakataong napapapikit na lang ako sa takot.
05:24Dito tayo, ma'am.
05:24Dito tayo?
05:25Dito tayo?
05:29Kaya natin yan?
05:43Hindi na ako bababa.
05:45Hindi na ako.
05:47Jesus, marius.
05:48Kaya natin ito.
06:01Kailangan talaga i-draft mo lang talaga completely yung Skylab driver mo.
06:07Kasi talaga nakasalalay sa kanya yung buhay mo eh.
06:12Sa sobrang hirap ng daan, may mga pagkakataong kailangan ng bumaba at maglakad na lang.
06:23Medyo malalim.
06:28Medyo malalim.
06:31Tapos single truck lang.
06:33So, mas magandang bumaba na lang tayo kesa ma-disgracia.
06:38Mukhang malalim ito eh.
06:46Aray, Jesus, Mariussep. Sorry.
06:51Kaya na dito?
06:52Okay.
06:53Maraming sityo sa Tiboli ang nabibilang sa tinatawag na GIDA o Geographically Isolated and Disadvantaged Areas.
07:09Mga lugar na sa sobrang layo, hirap maabot ng serbisyo.
07:13Eh, parang lalong nakakatakot kapag nakikita ko yung kabaong sa harap namin eh.
07:22Walang nangangahas na magpunta rito.
07:25Kaya kapag may namatay, madalas silang tinatanggihan ng mga punerarya.
07:31Bakit importante yung trabaho ng mga imbalsamador?
07:34First of all, ma'am, kasi yung lugar namin dito is more on farm.
07:40Farm lang communities, kabundukan.
07:41So pag hindi yun ma-preserve ng maayos, magkukos din yun doon ng sakit sa community.
07:52Kasi lilibing lang nila ng ano, hindi man lang na ano ng maayos.
07:58So it's either makakontaminate ng mga resources nila doon.
08:03Noong 2010, naisip ng munisipyo na magbigay ng libring ataol sa mga namamatayan.
08:13Ang problema, walang magdadala nito.
08:17Dito na nabuo ang pagtutulungan ng munisipyo at ng team horror.
08:21Sinabay ko sa kanya, mayor, kung pwede, kunan natin ng license si Jokel.
08:29Hindi man, basta-basta mag-embalmer kung wala kang lisensya.
08:33Sa ilalim ng programa, sagot ng munisipyo ang ataol at motorsiklo.
08:39Habang ang grupo ni na Joel ang magsasakripisyo.
08:42Yung mga pamilya po nang namatayan, binabayaran po ba kayo?
08:47Ayun, pamilya ma'am, kung sa bayad, wala man sila eh.
08:53Kung saan kila mo kumukuha ng pera, may bayad sa akin.
08:56Kung minsan lang, kung magbigay sila ng 3,000, 2,000, yun ang binabigay ko sa mga tao ko.
09:03Sa loob ng labing limang taon, nasunyod na ng team horror ang pinakamalalayong sityo ng Tiboli para magdala ng ataol.
09:19At kapag emergency, minsan nagiging ambulansya pa sila.
09:28Inangkas ninyo yung patay?
09:30Yung patay, yun ang pinakamahirap na gawain.
09:33Nakayakap sa inyo?
09:34Nakayakap.
09:35Ba't po ninyo inangkas?
09:37Kasi wala na na, not choice naman, wala naman tayong sasakyan.
09:41Eh, walang pera yung tao.
09:42Pagkatapos, siningilan mo ng 7,000, ikarga yung patay mo sa porlon.
09:46Oh, wala naman pera.
09:48Wala naman pera.
09:49Eh, not choice, ikarga ko na lang sa motor kaya wala kayong gastos.
09:53Maraming salamat sa pagtutok ninyo sa eyewitness, mga kapuso.
09:56Anong masasabi ninyo sa dokumentaryong ito?
09:58I-comment nyo na yan tapos mag-subscribe na rin kayo sa GMA Public Affairs YouTube channel.

Recommended