Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00May inaproba ang dagdag na 50 pesos sa arawang sahod ng minimum wage earners dito po sa Metro Manila.
00:06Hirit ng ilang manggagawa, hindi sapat ang omento. Narito ang aking report.
00:14Simula July 18, efektibo na ang 50 pesos na omento sa sahod para sa minimum wage earners sa Metro Manila.
00:20Ang dagdag sahod mangyayari isang taon, matapos ang huling omento sa Metro Manila na 35 pesos.
00:25Ang service crew na si Louie, natawa na lang sa omento, lalo pa't umasa siya sa isang daang pisong omento na panukala sa Senado.
00:43Wala pang sariling pamilya si Louie, pero siya ang nagtataguyod para sa kanyang may sakit na ama at inang nagaalaga rito.
00:49Salamat na rin daw siya sa dagdag na 50.
00:55Ituloy nila yung legislated na at least 100 o 200?
00:59Hindi na ako maasa dun, sir.
01:01Yung 50 pa nga lang, sir, hirap na silang aprobahan eh. 100 pa kaya, sir.
01:06695 pesos na ang minimum para sa mga nasa non-agriculture sector sa Metro Manila mula 645 pesos.
01:12Para naman sa agriculture sector, service and retail establishments na 15 pababa ang bilang ng empleyado
01:18at manufacturing establishments na walang sampu ang bilang ng empleyado, magiging 658 pesos ang sahod mula sa kasalukuyang 608 pesos.
01:28Ang Employers Confederation of the Philippines, mas tanggap daw ang 50 pesos na omento
01:32kumpara sa panukalang 100 pesos na omento mula sa Kongreso at 200 pesos mula sa Senado.
01:37Kahit na marami sa mga miembro namin ang medyo hindi pasaya, we will try to convince them and live with it
01:45kaysa ro sa legislated wage site na masyad'y emosyonal at hindi regda sa proseso.
01:54Kabilang sa batayan, ayon sa National Wages and Productivity Commission,
01:57ang 5.4% na paglago ng kita sa mga produkto at servisyo sa bansa o GDP nitong first quarter.
02:03Ang pagbagalaan nila ng pagmahal ng mga bilihin sa Metro Manila na nasa 1.7% noong Mayo
02:08at unemployment rate na nasa 5.1% naman noong Abril.
02:13Kaya nalangang balansin ang mga yan dahil sa pangambang mauwi ang taasahod sa pagmahal ng bilihin
02:18at pagbawa sa bilang ng trabaho.
02:33Pebrero noong nakarang taon, lumusot sa Senado ang panukalang P100 Legislated Wage High,
02:41ang versyon ng Kamara na ipasa noong June 4.
02:44Pero patapos na ang 19th Congress nang maipadala ito sa Senado.
02:47Bago matapos ng sesyon, hinikayat ng Senado ang Kamara na i-adapt na lang ang kanilang versyon.
02:53Pero ang Kamara na nawagang i-convene ang Bicameral Conference Committee
02:56para pag-isahin ang magkaibang versyon.
02:58Sa huli, natapos ang 19th Congress nang hindi na-i-reconcile ng Kongreso ang panukala
03:03na dapat sa rin unang Legislated Wage Hike sa loob ng halos apat na dekada.
03:08Ngayong 20th Congress, sinimula nang ihain ang mga panukalang omento sa sahod,
03:13gaya ng panukalang P1,200 na living wage para sa pribadong sektor.
03:18Nais naman ng ilang kongresista na buwagin ang provincial wage system
03:22at magtakda ng iisang minimum wage sa buong bansa.
03:25Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended