Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Narito ang mga nangungunang balita ngayong July 1, 2025


- Ilang manggagawa, ikinatuwa ang P50/araw na dagdag-sahod sa NCR minimum wage sa July 18


- Mga motorista, kaniya-kaniyang diskarte para makatipid sa pagpapakarga ng diesel at gasolina | Ilang motorista, nananawagan sa gobyerno na pababain pa ang presyo ng mga produktong petrolyo kaysa magbigay ng fuel subsidy


- Grade 1 students, isinailalim sa health assessment para alamin ang kanilang kalusugan at kakailanganing intervention | DOH-11: Kakulangan sa wastong nutrisyon na sanhi ng mababang timbang, isa sa mga problema ng mga bata


- Sen. Risa Hontiveros, nanawagan na panumpain na ang mga bagong senador para sa impeachment trial ni VP Duterte | Sen. Hontiveros: Hindi puwedeng basta-basta i-dismiss ang impeachment case vs. VP Duterte | Sen. Joel Villanueva, tututulan daw sakaling may maghain ng mosyon na i-dismiss ang impeachment case vs. VP Duterte | Ilang bagong senador sa 20th Congress, nais ituloy ang impeachment trial ni VP Duterte


- House Prosecution panel, pinag-aaralan pa ang pag-issue ng certification na gusto pa ng 20th Congress na ituloy ang impeachment trial ni VP Duterte


- Screenshots ng mga mensahe mula kay Alyas "Rene," inilabas ni Sen. Hontiveros para pabulaanan ang mga alegasyon kaugnay sa pagtestigo vs. Quiboloy | Sen. Hontiveros sa pagtestigo ni Alyas "Rene" VS. Quiboloy at mga Duterte: "Siya mismo ang gumawa at nagbigay. No one paid him. No one coerced him." | Mga nasa likod ng video ni Alyas "Rene" na nag-akusa laban kay Hontiveros, irereklamo ng senador sa NBI


- Mayor Isko Moreno: Lungsod ng Maynila, isasailalim sa state of health emergency dahil sa problema sa mga basura


- Kotseng props kung saan nakasakay si Beyonce sa ere, nagkaaberya sa concert
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

ЁЯУ║
TV
Transcript
00:00Let's get started.
00:30May unang balita si EJ Gomez. EJ.
00:38Igan, good news nga para sa mga minimum wage earners sa Metro Manila.
00:43May dagdag na 50 pesos na sahod na inaprubahan ng NCR Wage Board.
00:52Sabi ng mga nakausap nating kapuso, dagdag budget na rin daw yun.
01:00Pasado alas 4 ng madaling araw, nadatnan namin nagpapalipas ng oras sa tabing kalsada si Tatay Eduardo.
01:07Bumabiyahi raw siya ng maaga mula Pasig patungon trabaho sa Mandaluyong para iwas traffic.
01:12Pagiging latero sa isang car company sa loob ng 15 taon ang tumaguyod daw sa kanyang pamilya.
01:18Kaya tuwing may taas sahod, happy raw siya.
01:22Sa akin po ma'am, malaking bagay na po mo yun po ma'am.
01:24Pagdagdag po sa pangulang po ma'am.
01:26O kaya bigas.
01:27Kuryente po ma'am.
01:29Tubig, gandun po.
01:31Si Jessel na tindera sa isang bakery, natutuwa rin daw kapag may wage hike.
01:35May pinapaaral siyang kapatid sa kolehyo na binibigyan niya raw ng allowance kada linggo.
01:40Masaya naman po kasi may dagdag sahod po.
01:43Dagdag budget na rin po sa pagpambili ng gamit ng kapatid ko kung gaaral po.
01:49Inanunsyo ng Department of Labor and Employment o DOLE kahapon ang 50 pesos na dagdag sahod
01:54sa mahigit isang milyong minimum wage earners sa Metro Manila.
01:58Magiging 695 pesos na ang arawang sahod ng mga manggagawa sa non-agriculture sector.
02:04Papatak naman sa 658 pesos ang mga nasa agri-sector.
02:08Service or retail establishments na 15 pababa ang empleyado at manufacturing na hindi aabot sa sampu ang tauhan.
02:16Ayon sa National Wages and Productivity Commission, katumbas yan ang buwan ng sahod na 18,216 pesos
02:23para sa mga non-agriculture workers, inclusive of mandatory benefits gaya ng 13th month pay,
02:29incentive leaves, SSS, PhilHealth at pag-ibig.
02:33Malaking bagay raw ang 50 pesos para sa magkaibigang Mark J. at John Mark
02:37na mga empleyado sa isang manukan.
02:40Mas okay po sa akin yun. Dahil po may naanong anak. May baby na po kasi akong.
02:45Kaya sinusunan dyan akong kanda.
02:47Malaking bagay po yun kasi po. Lalo na po ngayon mahal na po yung bilihin.
02:51Tapos meron pa po akong pinagka-college ng kapatid.
02:55And for everyday use din po.
03:00At pamasahe din po.
03:01Nakatakdang ipatupad ang naturang wage increase sa darating na July 18.
03:12Igaan ayon sa Dole, ang 50 pesos na dagdag sahod ang pinakamalaking salary increase
03:18na naibigay ng NCR Wage Board.
03:20Magkakaroon din daw ng monitoring at labor inspections para sa maayos na pagpapatupad nito ng mga kumpanya.
03:29At yan, ang unang balita mula rito sa Madaluyong City.
03:34EJ Gomez, para sa GMA, Integrated News.
03:38Nagintay ang ilang motorista na ipatupad ang oil price rollback ngayong umaga bago magpa-full tank.
03:44Live mula sa Camp City, may unang balita si James Agustin.
03:48James.
03:50Igaan, good morning.
03:51Isa sa mga diskarte na mga motorista para makatipid ay maghanap na mga murang gasolinahan.
03:56Tulad halimbawa nitong gasolinahan, kunasan ako ngayon dito sa Quezon City.
04:00Bagamat may rollback po ngayong araw, maasa yung mga nakausap kong motorista na lalo pang bababa yung presyo ng produktong petrolyo.
04:10Biyahin Frisco, balintawak ang jeep ni driver na si Gaspar.
04:13Dinayo pa niya ang murang gasolinahan sa FPJ Avenue sa Quezon City para makapagpakarga ng salibong pisong diesel.
04:20Malaking bagay raw ang rollback sa presyo ng produktong petrolyo ngayong araw.
04:24Magandang balita yan kaysa yung panayang taas.
04:32Maganda na yan kaysa kung kami ang mag-test ng pamasahe.
04:35Ang taxi driver namang si Nelson, 500 piso ng gasolina ang pinakarga.
04:40Hiintayin daw muna niya ang rollback bago magpa-full tank.
04:43Malaking bagay po sa amin yan.
04:46Kasi kung magtataas pa yan, ala na po, wala namang iyayari sa amin sa biyayay po.
04:52Ganyan din ang diskarte ni Richard.
04:54Dahil tight ang budget, 600 pesos na ang pinakarga bago siya bumiyahe.
04:58Pagkaganito talaga, mataas talaga masyado.
05:00Halos wala nang kinikita.
05:02Mukot sa napakahirap ng biyay, tapos mataas pa yung gasolina, wala na talagang kinikita.
05:07Epektibo ngayong araw, 1 peso and 80 centavos ang rollback sa kada litro ng diesel.
05:121 peso and 40 centavos sa gasolina, habang 2 pesos and 20 centavos sa kerosene.
05:18Sa kabila niyan, may panawagan ng mga motorisa sa gobyerno.
05:21Mas maganda sana kung bababa pa.
05:24Isa yung inaano nila na yung subsidy.
05:29Maraming hindi makikinabang na driver doon.
05:32Lalo na yung operator na hindi marunong magbigay ng maayos sa driver.
05:38Sana sunod-sunod ang rollback ng pagbaba ng gusalina.
05:43Hirap na hirap kami kasi ang taxi, konti bagay lang, konti ang kita lang po.
05:47Mr. President, sana magawang po natin ang parahan na bumaba talaga yung gasolina kasi doon talaga nang gagaling lahat.
05:56Una ng sinabi ng pamahalaan na magbibigay sila ng fuel subsidy sa mga pampublikong sasakyan.
06:01Kapag sumampas sa 80 dollars o mahigit 4,000 pesos, ang per barrel ng langis sa pandaigdig ang merkado.
06:07Samantala, Igan, sa mga oras na ito ay may pilan na ng mga motorisa na magpapakarga ng diesel o di kaya namang gasolina sa gasolinahan po na ito.
06:18At efektibo nga, ngayong araw na ito, papalitan na nila yung presyo.
06:21Ang bagong presyo na nakakuha natin sa diesel ay 49 pesos and 40 centavos per liter.
06:27Habang sa gasolina naman ay 50 pesos and 60 centavos per liter.
06:31Sa pag-iikot natin, Igan, sa mga gasolinahan dito sa Quezon City, isa ito sa may mga pinakamura kaya namang pinipilahan ng mga motorista.
06:39Yan ang unang balita mula rito sa Quezon City. Ako po si James Agustin para sa GEMI Integrated News.
06:45Isa na ilalim sa health assessment ang mga estudyantes sa grade 1 sa ilang eskwelahan sa Davao City.
06:50Lain doon itong makapagbigay agad ng intervention ng Department of Health para sa mga kabataang may problema sa kalusugan.
06:56Live mula sa Davao City, ang unang balita si Andy Esteban ng GEMI Regional TV.
07:03Yandy!
07:11Yes, Igan, binigyang halaga ng DOH11 ang kahalagahan ng early detection.
07:16Lalo pa at karamihan sa mga problema ng mga bata ay ang kakulangan sa timbang dahil sa kakulangan sa wastong nutrisyon.
07:23Makakaapekto kasi raw ito sa pag-aaral ng mga bata.
07:26Nagsagawa ng health assessment ang DOH11 sa grade 1 learners sa Sandroque Central Elementary School sa Davao City, katuwang ang DEPED11.
07:39Ang mga bata ay sinailalim sa medical at physical examination, vision at hearing screening, dental examination at pagpurga.
07:47Sa programa, aalamin ang kalusugan ng mga bata para sa mga kakailangan ng intervention na gagawin ng DOH para sa kanila.
07:55This really of great help to our learners especially for the grade 1 because at the early start of the school year, we already know their health status, the physical, the dental and other matters to be considered in order to have a good foundation of course in their education.
08:14Binigyang halaga ng DOH11 ang early detection sa mga bata.
08:18Karamihan daw sa mga problema ng mga bata ang kakulangan sa timbang dahil sa kakulangan sa wastong nutrisyon.
08:25Makakaapekto raw ito sa pag-aaral ng mga bata.
08:27Bakit grade 1? Dahil handa natin sila sa mga darating na mga interventions na ating gagawin.
08:35Gusto lang natin maproteksyonan. Gaya nung sabi natin, merong assessment for better development, tutukan ang early detection para bawat bata balusog.
08:48Target ng DOH11 na isailalim sa programa ang mahigit dalawang libong bata sa iba't ibang paralan sa Davao Region.
08:57Handa naman ang mga malalaking ospital dito sa Davao Region gaya ng Southern Philippines Medical Center na magbigay ng health services na kakailanganin ng mga bata.
09:09Igan.
09:10Maraming salamat, John D. Esteban ng GMA Regional TV.
09:21Opsyal na ang nagsimula ang termino ng mga nahalal na senado noong eleksyon 2025.
09:26Tatayo rin silang senator judges sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
09:33Ilan sa kanila, tutul daw sa pagdismiss ng articles of impeachment na hindi nalilitis.
09:39May unang balita si Bob Gonzales.
09:41Nagsimula na ang termino ng labindalawang senador na nanalo sa eleksyon 2025.
09:50Kaya si Sen. Risa Contiveros may panawagan kay Senate President at Impeachment Court Presiding Officer Cheez Escudero.
09:56Sana ipanumpana ni presiding officer yung labindalawa pang bagong mga senador.
10:03Sa labing dalawang newly elected senators, lima ang re-elected.
10:07Sina Pia Cayetano, Bato de la Rosa, Bongo, Lito Lapid at Aimee Marcos.
10:12Apat naman ang returning o mga dating senador na nagbabalik senado.
10:16Sina Bam Aquino, Ping Lakson, Kiko Pangilinan at Tito Soto.
10:21Habang tatlo ang mga bagong salta sa senado.
10:23Sina Rodante Marcoleta, Irwin Tulfo at Camille Villar.
10:27Sabi niyong Tiveros, in session pa rin ang impeachment court at hindi pwedeng basta lang i-dismiss ang kinakaharap na articles of impeachment ni Vice President Sara Duterte nang hindi dumaraan sa paglilitis.
10:39Di tulad ng sinasabi ng iba, the impeachment trial is alive and ongoing. Due process requires it.
10:47Hindi naman pwedeng meron lang motion to dismiss. Pagbobotohan na namin, dismiss. In effect, acquit.
10:57Gayon din, hindi naman pwedeng, hindi pa kami nagkokondukta ng trial. Buboto na kami. Convict.
11:04So, hindi yan patas. Whether sa prosecution, whether sa impeached official, higit sa lahat, sa ating publiko.
11:12Sabi rin ni senador Joel Villanueva, tututulan niya kung may magmosyon na i-dismiss agad ng korte ang articles of impeachment.
11:19I don't know if it is still vague to some individuals, yung provision ng constitution, yung initiation, exclusive sa house, trial, exclusive sa senate.
11:34For me, parang napaka-clear rin. We need to have a trial.
11:39Gusto rin makita muna ng bagong senador na si Erwin Tulfo ang mga ebidensya kaya kailangang umabot sa trial.
11:45Pero sabi niya,
11:47Sabi rin ni senador Tito Soto, dapat bigyan ng pagkakataon ng prosekusyon at ang visa na ipresenta ang kanikanilang argumento.
12:07Sabay banggit sa hinaharap ng senate leadership.
12:11At kahit pa hindi sumunod ang kamera sa ikalawang utos ng impeachment court na dapat ideklara ng 20th Congress na disidido pa silang ituloy ang impeachment,
12:37Mananawagan kami na magkaroon ng schedule para pag-usapan ka agad yan. At mag-convene yung impeachment court.
12:46Ito ang unang balita. Mav Gonzalez para sa GMA Integrated News.
12:51Inagaaralan pa ng House Prosecution Panel ang pagtugon sa isa pang hinihinging certification ng Senate Impeachment Court.
12:57We believe that this is not required by any rule or any, by any rule or even the Constitution for the impeachment to proceed.
13:08We haven't decided on whether to issue that.
13:11Maybe yung iba kasi sinasabi na pag nag-issue yung 20th Congress, then it will make it appear that it's an impeachment case filed in a different Congress and therefore it bans the, I mean it violates the one-year ban.
14:09Ina talagang nauwiraw sa mutohan, handa silang bumoto na ipagpatuloy pa rin ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
14:16May unang balita si Mav Gonzalez
14:46Sinungaling na nga ng haharas pa
14:50Mariin ang pagtanggi ni Senadora Risa Ontiveros
14:53sa mga pahayag ni Michael Maurillo alias Rene
14:56June 25 nang ipost online ng isang pagtanggol valiente
14:59kung saan sinasabi ni Maurillo na tinakot at binayaran lang umano siya ng Senadora
15:05para akusahan si Pastor Apollo Kibuloy at idawit ang mga Duterte
15:09Kabilang sa mga isinawalat niya noon sa Senado
15:11ay ang pangaabuso umano ni Kibuloy
15:13sa ilang babaeng miyembro ng Kingdom of Jesus Christ
15:16Michael exposed people who trusted the Senate with their stories
15:22and these are people who were already afraid
15:26now they are in danger
15:28again, yan ang talagang kinagagalit ko
15:32hindi lang ito paninira
15:36Pero giit ng Senadora, si Maurillo Rau ang paulit-ulit lumapit sa opisina niya
15:41mula December 2023
15:43at nag-volunteer na tumestigo laban kay Kibuloy
15:46Naglabas pa siya ng mga screenshot ng email at text bilang resibo
15:49Siya mismo ang gumawa at nagbigay sa aking opisina
15:54Andoon na ang pangalan ng mga Duterte
15:58Walang pumilit
15:59Siya ang nagkusang loob
16:02No one paid him
16:04No one coerced him
16:05Ilang araw bago lumabas ang video
16:08nag-message pa raw si Maurillo sa opisina ni Jontiveros noong June 22 at 23
16:12Nireport daw nila ito sa PNP Davao
16:29Pero habang ina-action na ng polisya
16:31biglang lumabas naman ang video ni Maurillo
16:33na binabawi ang mga nauna niyang pahayag sa Senado
16:36Ayon kay Jontiveros, hindi niya alam kung sino ang nasa likod ng video
16:41Pero ang turing niya rito
16:42Witness tampering
16:44Fake news
16:46Psychological warfare
16:48This isn't just an attack on my office
16:51This is an attack on truth telling
16:54Hindi rin anayan ito napahina
16:56Kundi lalo pang napalakas ang findings ng Senate Committee on Women and Children laban kay Kibuloy
17:01Hindi lamang si Michael ang testigo
17:04Maalala po natin labing apat sila
17:08ni hindi siya ang star witness
17:10At yung iba sa labing tatlo pang witness na iyon
17:13ay nag-reach out na sa opisina ko
17:15para sabihin handa nilang patunayan
17:18Sabihin muli na sila'y nagtestigo ng malaya
17:22at hindi sila binayaran
17:25Ayon kay Jontiveros, sa miyerkules
17:27ay magsasampa sila ng reklamo sa National Bureau of Investigation o NBI
17:31laban sa mga nasa likod ng video
17:33kabilang na si Maurillo
17:35Pinag-aaralan din niya ang pagsasampa ng kasong kriminal
17:37Hinihingan pa namin ng komento ang kampo ni Nakibuloy at Duterte
17:41Ito ang unang balita
17:43Mav Gonzalez para sa GMA Integrated News
17:46Umaalingasaw na problemang naistugunan
17:49ng planong State of Health Emergency
17:52sa lungsod ng Maynila
17:53May unang balita si Jomera Presto
17:55Naglagay na ng bulak sa ilong
18:00ang 74 years old na si Mang Eduardo
18:02dahil sa masangsang na amoy
18:04na dala ng mga basura
18:05sa bahaging ito ng San Lorenzo Street
18:07sa Tondo, Maynila
18:08Magdadalawang linggo na raw kasi itong hindi nahahakot
18:11at patuloy pa itong nadaragdagan
18:13kaya hindi na madaanan na mga sasakyan
18:15ang kabilang linya
18:17Ayon sa barangay
18:32boundary ng Tondo at Santa Cruz
18:34sa naging tambakan ng basura
18:35problema raw nila ang mga nangangalakal
18:38na lalo pang ikinakalat ang mga ito
18:40Ang balikman nila mayor na si Isco Moreno
18:56isa sa ilalim daw sa State of Health Emergency
18:58ang lungsod dahil sa problema
19:00ng mga hindi nakokolektang basura
19:01Mula kahapon, nag-ikot si Moreno
19:04sa iba't ibang bahagi ng lungsod
19:05Pinahakot na raw nila
19:07sa Lionel Waste Management Corporation
19:09na dating service provider ng Maynila
19:11ang mga basura sa ilang pangunahing kalsada
19:13kagaya sa bahaging ito na Mel Lopez Boulevard
19:16na halos malinis na ang Center Island
19:18Sa bahaging ito naman
19:19naabutan pa namin na hinahakot ang mga basura
19:21na naipon din ang ilang araw
19:23Gayun din sa bahaging ito
19:25kung saan naiwan na ang amoy ng basura
19:26Sabi ni Moreno
19:28makigit 50% na ng mga basura ang nahakot
19:31I think naka 55% na kami
19:33Ang tansya namin mga 3 days
19:35babalik na sa normalization
19:37So hopefully, pinagpapasalamat ko na rin sa Lionel
19:39Walang toss gas
19:40Sinabi rin ang alkal din na tinapos na ng Phil Eco
19:43at Metro Waste
19:44ang kanilang kontrata kahapon
19:45Yan ay dahil sa hindi nakapagbayad
19:47na nasa 400 million pesos
19:49ang Manila LGU
19:50Bukod pa yan sa 561 million pesos
19:53na naunang utang sa Lionel
19:55Sinusubukan pa namin kunin ang panig
19:57ni dating Mayor Honey Lacuna
19:59Ito ang unang balita
20:00Jomer Apresto
20:02para sa GMA Integrated News
20:04Samantalang pan-samantalang natigil ang performance
20:07ng multi-awarded singer-songwriter
20:09Bionce sa kanyang concert tour
20:11sa Texas, Amerika
20:12Stop! Stop! Stop! Stop! Stop!
20:17Ooh!
20:18Kuha yan sa concert ni Bionce
20:19nitong Sabado sa Houston
20:21Nasa ere at sakay ang singer
20:23ng props na kotse
20:24ng magkaaberya
20:26at tumagilid ito
20:27Napakapit ang singer sa flagpole
20:29para bumalansi
20:31Napahiyaw ang audience
20:32sa kaba para sa singer
20:33Napawi ang kaba ng sumakses
20:35Maibaba si Bionce
20:37Sabi naman ng management company ni Bionce
20:40Technical mishap ang nangyari
20:41at walang nasaktan
20:43Sa IG post, nagbiro pa ang singer
20:45na may caption na
20:46Sit in sideways
20:47kasunod ng aberya sa concert
20:49Ooh!
20:51Ang katakot
20:51Igan, mauna ka sa mga balita
20:55Mag-subscribe na
20:56sa GMA Integrated News
20:58sa YouTube
20:58para sa iba-ibang ulat
21:00sa ating bansa
21:01Nag-subscribe na
21:03Pha-ibang ulat
21:04Nag-subscribe na
21:04Pha-ibang ulat
21:05Igan, mauna ka si
21:06Igan, mauna ka sa
21:06Pha-ibang ulat
21:06Pha-ibang ulat
21:07Mag-subscribe na

Recommended