Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Narito ang mga nangungunang balita ngayong June 13, 2025


- 50,417 na estudyante sa public schools sa Dagupan, inaasahang papasok sa Lunes | Ilang estudyante, excited nang pumasok sa Lunes; enrollment para sa S.Y. 2025-2026, nagpapatuloy


- Pasong Tamo Elem. School, may class simulation bilang paghahanda sa balik-eskuwela sa Lunes


- Presyo ng school supplies sa Divisoria, inaasahang 'di na tataas habang papalapit ang pagbubukas ng klase sa Lunes | Mga sapatos at school uniform, mabibili rin nang mura sa Divisoria


- VP Sara Duterte, may pasaring sa mga aniya'y nagbabalat-kayo; binatikos ang impeachment proceedings laban sa kaniya | Senator-judges Marcos at Padilla, kasama ni VP Duterte sa Malaysia | Certification na sumunod sa saligang batas ang impeachment proceedings vs. VP Duterte, hindi muna ipadadala ng kamara sa Senado | Senate Pres. Escudero: Dapat igalang at sundin ng Kamara ang pasya ng impeachment court | VP Duterte, binigyan ng impeachment court hanggang June 23 para sumagot sa summons; prosecution, puwedeng sumagot hanggang June 28


- Atty. Cayosa: Judge, puwedeng mag-inhibit sa kaso kung nakokompromiso ang kaniyang impartiality | 1987 Constitution framer Atty. Monsod: Dapat mag-inhibit bilang senator-judge sina Dela Rosa at Tolentino sa impeachment case ni VP Duterte | Dela Rosa, iginiit na hindi siya mag-iinhibit sa impeachment case ni VP Duterte; Tolentino, wala pang pahayag | Atty. Cayosa: Pagpapa-inhibit sa ilang senator-judge, mahirap gawin | Senate Pres. Escudero: Hindi mapipilit ang senator-judges na mag-inhibit sa impeachment case ni VP Duterte | UP Law Asst. Prof. Tamase: Kakailanganing boto sa pag-convict at acquit sa Bise, posibleng magbago kapag may nag-inhibit na senator-judge


- Kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, humiling ng interim release sa ICC


- Ilang Kapuso stars, classy and elegant ang OOTD sa Mega Ball 2025


- Ruru Madrid, gustong maging direktor; na-challenge at minahal ang GMA Prime Series na "Lolong: Pangil ng Maynila" | Ruru Madrid, hindi nagpa-double sa kaniyang stunts | Grand Finale ng "Lolong: Pangil ng Maynila," mamayang 8 pm pagkatapos ng 24 Oras


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:00This is the first time of school year, 2025-2026.
00:21Live from Dagupan City,
00:23the first time of the story is CJ Torida from GMA Regional TV.
00:27CJ.
00:31Igan, huling araw ng enrollment ngayon at inaasahan na marami pa ang hahabol na mag-penroll hanggang mamaya para sa pasukan sa lunes.
00:42Nasa 50,417 na learners ang inaasahan papasok sa iba't ibang pampublikong paaralan sa Dagupan City sa lunes.
00:50Nasa maigit 24,000 na learners ang inaasahan papasok sa elementarya.
00:54Mayigit 14,000 sa junior high school at mayigit 11,000 naman sa senior high school.
01:01Bahagyang tumas ang bilang mula sa 49,430 na learners noong nakarang school year.
01:07Nag-mapping kami. Our school heads were very active last time, yung second semester.
01:15Naghanap na sila, especially for kindergarten, yung mga school children natin who were not yet in school.
01:21Excited na ang incoming grade 16 ng West Central Elementary School 1 na si Lian sa kanyang pagpasok.
01:28Kumpleto na raw siya sa school supplies. At nagsasagawa na rin daw siya ng advanced lesson.
01:34Kasi po, makikita ko na po yung mga kaibigan ko po. Tapos po, hindi na po ako mababoring sa bahay.
01:39Tuloy ang enrollment para si school year 2025-2026.
01:43Sa West 1, pinaenroll ni Krishna ang apat na taong kulang na anak na si Mark.
01:47Papasok siya bilang kinder.
01:49Ngayon po, naanda ko po siya para matuto siya mag-aral. At kahit pa paano na ganito lumalakos siya, at least may matututunan po siya.
01:58Kahit hanggang ngayong araw na lang ang enrollment, pwede pa rin daw humabol na mag-enroll sa susunod na linggo kahit nag-umpisa na ang klase ayon sa division office.
02:11Igana dito sa West Central Elementary School 1, isa sa pinakamalaking paralan sa Dugupan City.
02:17Inaasahan pa palos sa 1,800 hanggang 2,000 ang bilang ng mga mag-aaral na magbabalik eskwela sa Lunes, June 16, 2025.
02:27Balik sa iyo, Igan.
02:28Maraming salamat, CJ Torida ng GMA Regional TV.
02:32Tuloy-tuloy ang paghahanda ng mga paaralan para sa pagbabalik eskwela sa Lunes.
02:36Gaya sa isang paaralan sa Caso City na may dry run na magiging routine ng mga estudyante.
02:42Live mula sa Caso City, may unang balita si Jomer Apresto.
02:45Igan, good morning.
02:52Kung karamihan sa mga eskwelahan ay puspusan pa ang ginagawang brigada eskwela,
02:56dito sa Pasong Tamo Elementary School sa Quezon City,
02:59magkakaroon ng class simulation o dry run ngayong araw bilang paghahanda para sa balik eskwela sa Lunes.
03:05Pasado alas 5 pa lang ng madaling araw,
03:12nasa paaralan na ang magpinsa na si Anthony at Arkin kasamang kanilang lola.
03:16Alas 7 kasi isa sa gawa ang class simulation sa kanilang eskwelahan na Pasong Tamo Elementary School.
03:22Excited daw sila dahil balik eskwela na sa Lunes.
03:26Para pumayala yung teacher ko.
03:28Nakikita ko yung mga kakakasi ko po.
03:31Sabi naman ni JD na incoming grade 6, excited siyang pumasok dahil magkakaroon siya ng mga bagong kaibigan.
03:38Magkakaroon po ako ng mga bagong kaibigan.
03:41Tapos matututupa pa ako ng maraming pag-aaralan.
03:44Sabi ng pamunuan ng Pasong Tamo Elementary School,
03:47layo ng aktibinad ngayon na maging pamilyar ang mga mag-aaral sa mga classroom routine,
03:52seating arrangement at ilang mahalagang patakaran sa paaralan.
03:55Bukod sa class simulation, ngayon din ang huling araw ng Brigada Eskwela.
03:59Magkakaroon ng closing program mamayang alas 2 ng hapon.
04:03Sabi ng Department of Education,
04:05aabot sa mahigit 27 milyon ang mga estudyante sa buong bansa sa school year 2025 hanggang 2026.
04:12Igaan sabi ng master teacher na nakausap ko,
04:20itong Pasong Tamo Elementary School ang may pinakamaraming estudyante dito sa District 6
04:24na mayroong halos 6,700 students at nasa 154 ang total classrooms dito
04:29pero 71 sa mga ito ay hinati na sa dalawa dahil sa kakulangan ng silid-aralan.
04:34Sabi naman ng pamunuan ng paaralan,
04:36magtatayo sila ng siyam na karagdagang classroom dito
04:39para kahit papaano ay hindi magsiksikan ang mga estudyante.
04:43At yan ang unang balita mula dito sa Quezon City.
04:46Ako po si Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
04:49Bukod sa school supplies,
04:51mabibili rin sa Divisoria sa Maynila
04:53ang mga murang school uniform at shoes.
04:55May unang balita si Bea Pinla.
04:57Bea!
05:01Maris, good morning.
05:02Kung ngayon pa lang po kayo mamimili
05:04ng school supplies dito sa Divisoria sa Maynila,
05:07ayon silang tinderang nakausap natin,
05:09wala na raw pagbabago sa presyo sa ngayon.
05:15Ngayon pa lang daw nakasingit ng oras si Giselle
05:17para mamili ng school supplies
05:19para sa anak niyang incoming grade 8 student.
05:22Kahit uso na mamili online,
05:24pumunta pa rin sila sa Divisoria sa Maynila
05:26para masigurong mura ang school supplies na mabibili nila.
05:30Mas maganda po kasi pag makita po talaga namin yung item.
05:33Kasi po pag sa online,
05:35minsan po mali-mali yung darating.
05:36Kaya online na lang po.
05:39Pupunta na lang po talaga kami.
05:40Kailangan po talaga makita yung item eh kung goods po ba.
05:44Mas mura ang ilang school supplies ngayong taon
05:46kumpara noong 2024
05:48ayon sa Department of Trade and Industry.
05:50Piso hanggang sampung piso raw
05:52ang natapya sa presyo ng mga ito.
05:55Ayon sa ilang tindera ng school supplies sa Divisoria,
05:58mukhang hindi na magtataas ang presyo ng school supplies.
06:01Sa lunes na kasi ang balik eskwela.
06:03Sana nga hindi na tumaas para naman hindi kawaway mamimili.
06:08Minsan pa hindi kaya tumatawad pa yung customer.
06:11Kung kaya naman namin ibigay, binibigay namin.
06:14Ay ngayong pangalang nagri-reklamo na yung mga customer.
06:17Why not?
06:18What more pa?
06:19Pag tumaas ba yung mga bilihin?
06:22Hindi na siyuro yan kasi last three days na lang.
06:25Siyempre kawa naman yung mga ano kung tasan mo ng tasan.
06:28May kunting kita, okay na, makakaraos.
06:30Sa ngayon, ang presyo ng notebook naglalaro sa 18 hanggang 35 pesos.
06:3515 hanggang 25 pesos sa kada piraso ng lapis at ballpen.
06:40Ang crayons, 35 to 65 pesos.
06:43Nasa 250 pesos naman ang pencil case depende sa disenyo.
06:48Ang school bag, naglalaro sa 200 to 500 pesos ang presyo.
06:53Abot naman sa 900 pesos ang mga degulong na bag.
06:56Siyempre, hindi mawawala sa back-to-school shopping ang school shoes na mabibili ng 150 pesos at uniform na 160 to 250 pesos depende sa disenyo.
07:09Maris, tipid-tip mula sa ilang mami-mili na nakausap natin maghanap ng school supplies na swak sa budget
07:20pero i-double-check pa rin daw ang quality dahil mahalaga na sulit at pangmatagalan ang gagamitin ngayong school year.
07:26At yan ang unang balita mula rito sa Maynila.
07:29May up and lock para sa GMA Integrated News.
07:31Kasama ni Vice President Sara Duterte sa isang Independence Day event sa Malaysia kahapon
07:44sina Sen. Aimee Marcos at Robin Padilla.
07:48Doon nagbitaw ng maanghang na salita ang visa ilaban sa mga umaatake raw sa kanya
07:53kaugnay sa impeachment proceedings.
07:56May unang balita si Rafi Tima.
07:57Gayunpaman, sa ating pagkakaisa ay nalalantad ang mga interes na salungat sa interes ng mga Pilipino.
08:12Nabubunyag ang tunay na kulay at nalalantad ang kanilang pagbabalat kayo.
08:20Matapang ang mga pahayag ni Vice President Sara Duterte sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Kuala Lumpur, Malaysia.
08:26Isa sa nabanggit niya ang pagkakaaresto sa kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte
08:30dahil sa kinakaharap na kasong Crimes Against Humanity sa International Criminal Court.
08:36Gamit ang dahas at hiram na kapangyarihan ay papahirapan nila tayo.
08:43Ang dinaranas ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ay konkretong halimbawa nito.
08:50At kaugnay sa impeachment proceedings laban sa kanya, sabi ng Vice.
08:54The attacks are cowardly yet openly disingenuous and arrogant, absence of basic human decency and respect for the rule of law, typical of people drunk in power.
09:12Pero nananatili tayong nakatayo dahil ang pinaglalaban natin ay tama at totoo.
09:24Kasama ng Vice sa Kuala Lumpur, sina Sen. Aimee Marcos at Sen. Robin Padilla na parehong nanawagan ng suporta para sa Vice Presidente.
09:32Gusto ko muna pong magbigay-pugay ula-ula sa susunod na pahulo ng Pilipinas.
09:38Ulaigay sana Duterte.
09:43Duterte! Duterte! Duterte! Duterte! Duterte! Duterte!
09:51Ang sarap.
09:53Kapag sinisigaw niya, lalo ako tumatapang eh.
09:56At tiging sanahok ang ating pinakamahal, DT, Inday Sarat Duterte!
10:06Duterte! Duterte! Duterte!
10:11Sabi ko sa kanya, hindi ako ang magbabalik kay dating Pangulong Duterte sa Pilipinas.
10:18Dahil ang kapatid mo ang nagpadala sa kanya sa Hague, ikaw ang magbabalik sa kanya sa Pilipinas.
10:32Para siyang naka-hostage.
10:35Bibitawan ko lang yan siya kapag si dating Pangulong Duterte ay nabalik na sa Davao City.
10:42Nabanggit din ni Marco sa mga nangyari sa Senado.
10:48Gaya ng hindi nila pagsusuot ng impeachment troop noong mag-convene ang impeachment court.
10:52Alam po ninyo, dalawang gabi, isang gabi, hindi na kami.
10:57Tumayo kami bilang hukom at nagsuot ng gamit bilang hukom.
11:03Nakita siguro ng tripa sa inyo.
11:05Pero kami, mga pasaway ni Ronald, hindi kami nagsuot.
11:10Ayaw namin noon, pangir.
11:12It's not my call.
11:13Shots.
11:15Ayan.
11:17Alam po ninyo, ang totoo, tumayo kami.
11:21Pagkat kaakibat ng kalayaan, ang responsibilidad na maging patas at marangal.
11:29Kasama si na Marcos at Padilla sa labing walang pumabor na ibalik sa Kamara ang Articles of Impeachment laban sa Bise.
11:37Pinagtibay ng Kamara ang resolusyon para sertifikang naaayon sa Saligang Batas ang impeachment complaint gaya ng hinihingi ng Senate Impeachment Court.
11:45Gayunman, kinwesyon pa rin ni House Speaker Martin Romualdez ang utos na ibalik ang Articles of Impeachment sa Kamara.
11:50The decision of the Senate, sitting as an impeachment court, to return the Articles of Impeachment is deeply concerning.
12:04The House of Representatives acted not out of haste, but with deliberate care.
12:11We followed the law, we honored our mandate.
12:15Pero inaprubahan din ang mosyon na huwag munang tanggapin ang ibinilik na Articles of Impeachment hanggat hindi sinasagot ng Senate Impeachment Court
12:22ang mga tanong ng House Prosecution Panel sa pagubalik ng naturang Articles.
12:26Kung tinanggap po namin yung, ito po, kanya-kanya po kasi kami ng partner now, no?
12:31Kung tinanggap po namin yung kanilang ninanais, di parang tinasyabi po namin na tama po yung kanilang ginagawa.
12:43E marami po sa amin ang hindi po naniniwala at ang iba po sa amin, ang paningin ay ito po ay unconstitutional dahil ito po ay wala naman po sa rules.
12:52We shall comply with the requirements of the Impeachment Court, not to abandon our cause, but to ensure the process continues.
13:03Because in matters of truth and accountability, the House does not back down.
13:12Hindi rin muna ipinadala sa Senado ang certification ng Kamara dahil pag-uusapan pa ito ng House Prosecution Panel.
13:19It was decided by the House leadership that the Secretary General can issue the certification for, maybe for everyone's appeasement,
13:29but it does not necessarily mean that we will transmit such certification to the Senate.
13:36Yun po ang aming stand, wala po silang authority to remand the Articles of Impeachment.
13:42It's not under the Constitution that they can return or remand the Articles of Impeachment.
13:51Hindi naman malinaw pa kung anong magiging aksyon ng Kamara sa ikalawang hinihingi ng Impeachment Court
13:56ang paglilinaw ng papasok na 20th Congress kung interesado pa itong ituloy ang Impeachment Complaint.
14:02Gate ni Senate President Jesus Codero, dapat igalang at sundin ng Kamara ang pasya ng Impeachment Court.
14:07Dapat din daw tumugon ng B.C. sa summons.
14:11Tanging Korte Suprema lang daw ang pwedeng magsabi kung unconstitutional o hindi ang kanilang ginawa.
14:15Sui generis ang Impeachment Court.
14:19Nakalagay din yun sa rules of court.
14:21Sui generis means it's a class of its own.
14:24Pwedeng gawin ng Impeachment Court, anumang ninanais gawin ito, ayon sa mutuhan.
14:30At kung may hindi man sumasangayon,
14:32edi malaya silang pwede iakit sa Korte Suprema yan
14:35at hantayan natin magpasya ang Korte Suprema.
14:38Inaasahan ng Impeachment Court ang sagot ni V.P. Duterte sa suman sa June 23.
14:42Ang prosikusyon naman merong hanggang June 28 para mag-reply sa tugon ng B.C. kung nanaisin ito.
14:49Ito ang unang balita.
14:50Rafi Tima para sa GMA Integrated News.
14:53Daliniwala ang ilang legal expert na dapat mag-inhibit ang ilang senator-judge
15:07na hayagang sumusuporta kay Vice President Sara Duterte sa gitna ng impeachment proceedings laban sa kanya.
15:13Sabi naman na isa pang expert, possibly magbago naman ang kakailanganin bilang ng boto sa pag-convict o acquit sa B.C.
15:19Kung mababawasan ang 24 na senator-judge.
15:23May una balita si Ian Cruz.
15:25Sa proseso ng hulikatura, may tinatawag na judicial recusal.
15:33Ito ang pag-disqualifica sa isang presiding judge sa paghawak ng isang kaso dahil nakompromiso ang kanyang impartiality.
15:42Dahil itong masiguro, ang isang paglilitis ay patas at walang kinikilingan, bagay na pinoprotektahan mismo ng saligang batas.
15:50Ayon kay Atty. Domingo Cayosa, nating national president na integrated part of the Philippines,
15:56maaaring maghusa ang isang huwes o kaya'y magmosyon ang isa sa magkatunggaling partido sa kaso para persahang alisin ng hukom.
16:04Upon motion of either party, unlimited grounds, for example, relationship, conflict of interest, prejudgment, mga ganyan,
16:16pwede hong by force mapapa-inhibit yung judge at mapapalitan.
16:21Sa paniniwala ni Atty. Christian Monsod, isa sa mga bumalangkas ng 1987 konstitusyon,
16:27dapat nang mag-recuse o mag-inhibit bilang senator-judge ang ilang senador dahil sa mga naging pahayag nila.
16:34I think, Rod, they should, senator pato, about recusing themselves.
16:40The source of the decimality is independence.
16:43If they're incapable of independent thinking, I think they should withdraw and say, you know, we are not participating.
16:50Ditong Martes, tumayo si Sen. Bato de la Rosa para hinging i-dismiss ang impeachment complaint kahit hindi dumaraan sa paglilitis.
16:59I respectfully move that in view of its constitutional infirmities and question on the jurisdiction and authority of the 20th Congress,
17:11The verified impeachment complaint against Vice President Sarah Zimmerman Duterte be dismissed.
17:20Si Sen. Francis Tolentino naman sinabing functionally dismissed na ang impeachment case kapag lumagpa sa June 30 ang paglilitis.
17:30If we cannot conclude the trial before June 30, 2025, we must recognize this impeachment case is functionally dismissed by constitutional operation.
17:45Sabi naman ni Dela Rosa, hindi siya mag-i-inhibit dahil walang pagbabawal sa naging hakbang nila na ipadismiss ang impeachment complaint.
17:55Ayon sa legal expert, hindi madali at magiging madugo ang pagpapainhibit at maging ang pagpapatanggal sa isang nakaupong senator judge ng impeachment court.
18:05Maaari, but pagbabotohan nila yan ulit and it will be very contentious. Wala kasing specific provision dun na unlike the rules of court and many other rules of administrative bodies.
18:18Pero sabi ni Sen. President Cheese Escolero, hindi nila mapipilit ang isang senator judge na mag-inhibit sa impeachment.
18:24Desisyon nila kung mag-i-inhibit nga ba o magre-recuse sila, hindi yan subject matter of vote, hindi yan pwedeng pagbotohan na hoy ikaw tanggal ka na.
18:35Hindi ganun yun, walang ganun klaseng prosedyor o proseso sa impeachment court man o sa regular court.
18:43Sakaling may mag-inhibit nga sa mga senator judge na kalyado ni VP Sara, magkakaroon ng bagong tanong.
18:49Ang requirement sa Saligang Batas is two-thirds of all of the members of the Senate.
18:54Majority is based on who votes. That is a rule that applies to the courts.
18:59Halimbawa, yung mag-recuse na isa, 22 na lang babibilangin natin o out of 24.
19:04Hindi klaro yun sa Saligang Batas, hindi rin yung klaro sa rules. Possible naman na may mag-recuse talaga.
19:11Ito ang unang balita, Ian Cruz para sa GMA Integrated News.
19:15Pumiling ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ng interim release o pansamatalang paglaya
19:21habang dinidinig ang kanyang kasong murder as a crime against humanity sa International Criminal Court.
19:29Sa apila ng kampo ng dating Pangulo sa ICC, pre-trial chamber 1,
19:34umayag daw ang gobyerno ng isang ICC member na bansa na manatili sa kanilugaran dating Pangulo.
19:39Sa kaling payagan, nanda rin daw ang nato ng bansa na sumunod sa anumang kondisyong itatakda ng ICC pre-trial chamber 1.
19:48Tiyak din ang kampo ni Duterte ang walang balak ang dating Pangulo na takasan ang kanyang kaso.
19:53Dapat rin daw bigyang konsiderasyon na siya ay 80 years old na.
19:57Sa kaling pagbigyan, sabi raw ni Duterte na lilimitahan niya ang komunikasyon sa ibang tao,
20:02maliban sa kanyang pamilya.
20:05Hindi rin daw siya gagamit ng internet, cellphone o iba pang gadgets.
20:10Wala pang desisyon ng ICC pre-trial chamber 1,
20:13kaugnay ng hiling na interim release ng dating Pangulo.
20:18Klasi and elegant ang ilang Kapuso stars na dumalo sa Megaball 2025.
20:30Fresh from PBB house, gorgeous in a white dress si Kapuso global fashion icon, Heart Evangelista.
20:37Ganda! Spotted din si PBB celebrity collab host Gabby Garcia with Khalil Ramos.
20:42Ang isa pang PBB host na si Mavi Legazpi ay nasa ball din with his Kambal Cassie.
20:47Charming in white naman ang ex-PBB duo na si Vince Maristela at Michael Sager.
20:52O matendin si Beauty Empire star Kailin Alcantara at Sparkle stars Winwin Marquez, Max Collins at Anthony Constantino.
21:00Pati na rin si The Clash, Judge Christian Bautista with wife Katram Nani
21:05at award-winning food content creator and sanggang dikit FR star Abby Marquez.
21:12Naroon din sa ball si Sparkle First Vice President Joy Marcelo.
21:17Samantala bago ang grand finale ng lolong pangil ng Maynila,
21:23ibinahagi ni Kapuso primetime action hero Ruru Madrid ang sunod na gusto niyang subukan sa kanyang career.
21:30I'm excited na pagsagot ni Ruru sa Fast Talk with Boy Abunda,
21:34maging director.
21:35Sinabi rin ni Ruru na challenge at binahal niya ang lolong.
21:39Naging successful daw yan sa collaborative effort ng production team at cast members.
21:43Fulfilling din daw kay Ruru na siya mismo ang gumagawa ng kanyang stunts.
21:49Sabi naman ni Martin Del Rosario na mortal enemy ni Ruru sa series.
21:56Satisfying ang ending na dapat abangan sa lolong.
21:59Ano naman kaya ang magiging ending ng love story ni na lolong at Elsie played by Shaira Diaz?
22:06Abangan mamaya ang grand finale ng lolong, pangil ng Maynila pagkatapos po ng 24 horas.
22:12Abangan!
22:13Congrats, congrats!
22:15Congrats, congrats!
22:15Shaira, lolong, congrats!
22:42Shaira, lolong, congrats!

Recommended