- 6/6/2025
Narito ang mga nangungunang balita ngayong June 6, 2025
- (6 am Jhomer) Mga Muslim, nagtipon sa Quirino Grandstand para sa Eid'l Adha o Feast of Sacrifice ngayong araw
- (7 am RTV Zen) “Balik-Eskuwela: Gabay sa pamimili ng school supplies,” ipinatupad ng DTI VI | Tip mula sa DTI: Maagang bumili ng school supplies; suriin kung may marking o non-toxic ang bibilhin
- MMDA: Peke ang listahan ng mga lugar kung saan may NCAP cameras na kumakalat online
- PNP-HPG, magtatalaga ng mga tauhan sa mga lugar na walang NCAP cameras
- State of Calamity, idineklara sa Siquijor dahil sa problema sa supply ng kuryente
- Ika-6 na batch ng mga ebidensiya laban kay FPRRD, isinumite na ng Office of the Prosecutor ng ICC sa defense team
- Open letter ng UP College of Law Faculty sa Senado kaugnay sa impeachment ni VP Sara Duterte: "Let the truth unfold" | Tingin ni Sen. Imee Marcos: Ayaw ring matuloy ng ilang nasa administrasyon ang impeachment trial ni VP Duterte | 1987 Constitution framer Atty. Monsod: Hindi puwedeng ibasura ang impeachment case vs. VP Duterte sa plenaryo lang ng Senado | Sen. JV Ejercito sa impeachment trial ni VP Duterte: "We are duty-bound to go through it"
- Not guilty plea, inihain ng Manila RTC Branch 12 para kay dating Rep. Arnie Teves para sa kasong illegal possession of firearms and explosives
- NCAA Season 100 Men's Volleyball semifinals, mapapanood na ngayong araw
- PH Olympian Carlos Yulo, panalo ng bronze medal sa 2025 AGU Artistic Gymnastics Senior Asian Championships
- 2025 Miss World Asia Krishnah Gravidez, balik-bansa na matapos ang Miss World pageant | 2025 Miss World Asia Krishnah Gravidez, gustong palakasin ang kaniyang advocacy sa pagtulong sa kabataan | Miss World Asia Krishnah Gravidez, thankful sa suporta ni 2013 Miss World Megan Young
- Pangmalakasang shows, mapapanood na ngayong June sa GMA Network
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
- (6 am Jhomer) Mga Muslim, nagtipon sa Quirino Grandstand para sa Eid'l Adha o Feast of Sacrifice ngayong araw
- (7 am RTV Zen) “Balik-Eskuwela: Gabay sa pamimili ng school supplies,” ipinatupad ng DTI VI | Tip mula sa DTI: Maagang bumili ng school supplies; suriin kung may marking o non-toxic ang bibilhin
- MMDA: Peke ang listahan ng mga lugar kung saan may NCAP cameras na kumakalat online
- PNP-HPG, magtatalaga ng mga tauhan sa mga lugar na walang NCAP cameras
- State of Calamity, idineklara sa Siquijor dahil sa problema sa supply ng kuryente
- Ika-6 na batch ng mga ebidensiya laban kay FPRRD, isinumite na ng Office of the Prosecutor ng ICC sa defense team
- Open letter ng UP College of Law Faculty sa Senado kaugnay sa impeachment ni VP Sara Duterte: "Let the truth unfold" | Tingin ni Sen. Imee Marcos: Ayaw ring matuloy ng ilang nasa administrasyon ang impeachment trial ni VP Duterte | 1987 Constitution framer Atty. Monsod: Hindi puwedeng ibasura ang impeachment case vs. VP Duterte sa plenaryo lang ng Senado | Sen. JV Ejercito sa impeachment trial ni VP Duterte: "We are duty-bound to go through it"
- Not guilty plea, inihain ng Manila RTC Branch 12 para kay dating Rep. Arnie Teves para sa kasong illegal possession of firearms and explosives
- NCAA Season 100 Men's Volleyball semifinals, mapapanood na ngayong araw
- PH Olympian Carlos Yulo, panalo ng bronze medal sa 2025 AGU Artistic Gymnastics Senior Asian Championships
- 2025 Miss World Asia Krishnah Gravidez, balik-bansa na matapos ang Miss World pageant | 2025 Miss World Asia Krishnah Gravidez, gustong palakasin ang kaniyang advocacy sa pagtulong sa kabataan | Miss World Asia Krishnah Gravidez, thankful sa suporta ni 2013 Miss World Megan Young
- Pangmalakasang shows, mapapanood na ngayong June sa GMA Network
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
Category
📺
TVTranscript
00:00Jomer
00:30Igan, good morning. Narito ko sa Quirino Grandstand kung saan nagtipon-tipon ang mga kapatid nating Muslim ngayon para sa paggunita ng Idil Adha.
00:39Posibleng umabot sa mahigit 40,000 ng mga Muslim o magtutungo rito sa Grandstand base sa impormasyon mula sa organizer na si Sultan Suhaili Abangon.
00:48Karamihan sa kanila ay mula sa Metro Manila at sa mga karating lalawigan.
00:52Ang ilan, madilim pa lang ay nagtungo na rito at nagsimula na magdasal ng kanilang obligatory prayers.
00:57Pagpasok pa lang dito, mayroon ng mga namimigay ng libreng tubig at dates. Gayun din ang kopya ng dasal.
01:04Sabi pa ng organizer, 6.30am magsisimula ang pagdarasal nila natatagal ng 5 hanggang sa 10 minuto.
01:11Pagkatapos ay magkakaroon ng kutba o sermon mula sa imam. Natatagal naman ang hanggang sa isang oras.
01:16Isa sa mga highlight na aktibidad ngayon ang tinatawag na kurbani o yung pagkatay ng baka na pagsasaluhan naman ang pamilya o ng komunidad pagkatapos ng sermon.
01:25Ang Idil Adha ay isa sa dalawang pinakamataas na pagdiriwang o pista ng pananampalatayang Islam.
01:31Ang darating dito, more or less 40,000 kasi punong-puno na ito.
01:40Yung last Idil Peter, punong-puno na po ito.
01:42Napakalaking blessing sa Allah, sa Panginoon, kung sino man ang kumatay ng baka dahil bawat balahibol,
01:54balahibol? Yung baka, sorry po, ay ikukubir ka ng, iprotect ka ng Allah sa apoy ng imperno.
02:06Igaan sa ngayon ay tuloy-tuloy pa rin ang pagdating ng mga kapatid nating Muslim dito sa Quirino Grandstand.
02:18Maganda naman ang panahon ngayon pero inaabisuhan pa rin ang mga magtutungo dito na magbaon ng payong bilang pananggala sa ulan at sa init ng araw.
02:26At yan ang unang balita mula dito sa Maynila.
02:28Ako po si Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
02:31Nagbabala ang Department of Trade and Industry sa mga negosyanteng mananamantala at magbibenta ng overpriced na school supplies.
02:44Tip naman ang ahensya sa mga mamimili bukod sa presyo, suriin din kung may markings o non-toxic ang bibilihing gamit sa eskwela.
02:52At live bula sa Iloilo City ng unang balita, si Zen Kilantang Sasa ng GMA Regional TV.
02:58Zen, good morning.
03:01Ivan, unti-unti nang dumadami ang mga namimili ng school supplies habang papalapit ang pagbukas ng klase.
03:09Kasabay nito, tinitiyak naman ang Department of Trade and Industry na hindi naniningil ng sobra ang ilang nagtitinda.
03:16Mas pinaiting pa ng Department of Trade and Industry 6 ang pagbabantay sa mga establishmento sa Western Visayas kung ipinapatupad ang balik eskwela gabay sa pamimili ng school supplies.
03:33Base sa price guide na ipinalabas ng ahensya, mabibili ng 15 hanggang 52 pesos ang notebooks habang 15 hanggang 48 pesos and 75 centavos naman ang pad papers.
03:44Umabot naman sa 11 pesos hanggang 24 pesos ang lapis, 3 pesos hanggang 33 pesos ang ballpen, 15 hanggang 69 pesos ang sharpeners, 4 pesos and 50 centavos hanggang 20 pesos ang erasers, at 12 hanggang 114 pesos ang crayola.
04:02These ambulance vendors are not exempted, of course, hindi na nabaligyan man sila. But what we do, kumimiyara, at ito na agos pa po returning, pwede nagsinan natin makover. But as to the trending of prices, we get the stores with permanent location.
04:20Sa 89 stores na minomonitor ng DTI 6, wala pang may nakitang nag-overpriced. Oras daw na may i-report na lumalabag, maghahain ng show cost order ang DTI.
04:30Quality is not commensurate to the price. It would be considered as factors for Deceptive Sales Act. So the Consumer Act would apply.
04:39Sa downtown area, nagko-comply naman ang mga establishmento sa ipinapatupad na SRP sa school supplies.
04:45May aran na si DTI na pricing, kapalo kami, pero mostly sa amon niya notebook, kag-adar school supplies, daw bilo kami sa ilang pricing.
04:54Paalala ng DTI sa mga magulang, maagang bumili ng school supplies at dapat suriin kung may markings o non-toxic ang cryolat erasers na bibilhin.
05:04Ivan, may mga namimili na rin ang mga uniforme. 100 pesos pataas ang presyo ng blouse na pang babae.
05:15Ang palda, nasa 250 pesos. Ang pantalon na panglalaki, nasa 100 pesos pataas ang presyo. Ivan?
05:23Maraming salamat, Zen Kilantang Sasa ng GMA Regional TV.
05:27Sa agit na ng pagpapatupad ng No Contact Operation Policy o NCAP, wala raw inilalabas ang MMDA na listahan ng mga lugar kung saan may NCAP cameras.
05:39Pekay ang listahan na kumakalat online ayon sa MMDA. Dito sa rated UB, red flag yan.
05:46Ang listahan kasi ay hindi mismo galing sa MMDA, kundi nakapost lang sa isang Facebook group.
05:51Paalala ng MMDA, may NCAP cameraman o wala, sumunod pa rin sa batas trapiko.
06:01Pagtatalaga ng mga tauhan ang PNP Highway Patrol Group sa mga lugar na hindi hagip ng No Contact Operation Policy o NCAP cameras ng MMDA.
06:10Layan daw nito ang mapabilis ang dali ng trapiko sa mga kalsada at mahuli ang mga lalabag sa batas trapiko.
06:16Tututukan din daw nila ang mga motoristang nagtatakip ng kanilang plaka.
06:21Sa Metro Manila, humigit kumulang sandaang tauhan ng PNP-HPG ang nakadeploy para sa pinaiting na police visibility.
06:32Nagdeklara ng State of Calamity sa Siquijor dahil sa problema sa supply ng kuryente.
06:37Hayan sa provincial government ng Siquijor, abot na sa isang buwan ang malawakang problema sa supply ng kuryente sa isla
06:43dahil sa pagkasira ng ilang unit ng Siquijor Island Power Corporation.
06:47Kulang daw ang mga generator ng power provider.
06:51Makatutulong ang deklarasyon para makabili ng dagdag na generators.
06:55Mula May 13, nagpapatupadoan ng rotational brownout na dalawa hanggang tatlong oras.
07:01Sa ilang lugar, umabot pa raw sa labing walong oras ang brownout.
07:05Bukod sa maraming residente, epektado na rin ito ang mga tanggapan ng lokal na pamahalaan at mga negosyo.
07:11Tagsubite ng ika-anim na batch na mga ebidensya ang Office of the Prosecutor ng International Criminal Court, ICC,
07:20laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa kaso niyang Crimes Against Humanity.
07:25Batay sa dokumentong may pechang June 3, noong May 23,
07:28nang ibigay ng prosecution sa defense team ni Duterte ang siyam na pong item ng ebidensya.
07:34Dati ito sa tatlong kategorya, dalawa rito ay mga ebidensya patungkol sa mga pagpatay na nangyari noong Barangay Clearance Operations
07:42habang presidente si Duterte.
07:45Ang ikatlo naman ay background information bilang contextual element.
07:49Naratili pa rin si Duterte sa kustodian ng ICC para harapin ng mga kasong may kaugnayan sa kanyang drug war
07:55mula 2011 hanggang 2019.
07:58Iginit ang isa sa mga bumalangkas sa 1987 Constitution na hindi pinapayagan sa saligang batas
08:13ang pagbasura ng impeachment case si Vice President Sara Duterte sa plenario ng Senado lang.
08:20May unang balita si Katrina Son.
08:22Sa open letter ng mga miyembro ng faculty ng UP College of Law,
08:30nababahala sila sa mga mungkahing ideklarang de facto dismissed
08:34ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
08:38Hindi raw suportado ng ebidensya at saligang batas
08:41ang mga hinadahilan kung bakit dapat i-dismiss ang impeachment.
08:45Panawagan nila hayaang lumantad ang katotohanan.
08:48Dapat ang nilang tuparin ng Senado ang tungkulin nito sa saligang batas
08:53na ituloy ng walang pagkaantala ang impeachment trial.
08:58Tingin ni Senadora Amy Marcos, maging ang ilang nasa administrasyon ayaw matuloy ang impeachment trial.
09:04Ang duda ko, hindi lamang ang sinasabi o tinatawag na mga kaduterte ang intresado sa pagdismiss.
09:13Ang pakiramdam ko, mismo ang administrasyon ay may mga grupo na nagsasabi na huwag nang ituloy at bakat mapahiya lang sa numero.
09:25Ang hinahanap ngayon ay yung remedyo, o sabi niyo nga, may solusyon, para walang mapapahiya sa situation.
09:34Ewan ko ha, yun lang ang pakiramdam ko.
09:38Ilang version na raw ng resolusyon para ibasura ang impeachment case ang nakita ni Senadora Marcos,
09:44hindi lang ang kay Senador Bato de la Rosa.
09:47Yung linabas sa media, parang ikatuna yata yun.
09:50Tapos mula nun, meron pa akong nakitang iba. Dalawa pa yata.
09:53Pero ayon kay dating Comelec Chairman Christian Monsoud, isa sa mga bumalangkas ng 1987 Constitution,
10:00di pinapayagan sa saligang batas ang pagbasura ng impeachment case sa plenario lang ng Senado.
10:17At kahit parao may mga senador na nagsasabing di pwedeng tumawid sa 20th Congress ang impeachment.
10:22Kung talagang i-dismiss ng Senado ang impeachment sa plenario, pwede raw itong idulog sa Korte Suprema.
10:28Diit naman ni Senador J.V. Ejercito, walang hakbang para pigilan ng impeachment trial.
10:51We are duty-bound, as I mentioned, to go through it. So, matutuloy yan.
10:55Hindi naman yan, hindi naman, I don't think there's an attempt to derail or to stop.
11:01Itong unang balita, Katrina Son, para sa GMA Integrated News.
11:07Nag-hahin ng not guilty plea ang Manila Regional Trial Court para kay dating Negros Oriental 3rd District Representative Arnie Tevez
11:16para sa kasong illegal possession of firearms and explosives.
11:20Korte ang nag-hahin ng plea dahil iginiti Tevez ang karapatan niyang manahimik at hindi sumagot.
11:26Ang kaso ay kauguin sa mga armas at pampasabog na nakuha ng mga otoridad sa bahay ni Tevez
11:30sa Bayawan City, Negros Oriental noong March 10, 2023.
11:35Sabi noon ng DILG, walang mga dokumento ang mga nakumpiskang armas.
11:41Itinanggihan ni Tevez sa isang Facebook video at iginit na itinanim lang ang mga armas sa kanyang bahay.
11:48Sa July 29, naasa magsisimulang pagliliti sa naturang kaso.
11:52Naharap din si Tevez sa iba-ribang kasong pagpatay, pati terrorist financing,
11:57na dati na niyang itinanggihan.
12:00Thank you, thank you, thank you.
12:02Thank you, thank you.
12:03Thank you, sir.
12:03Thank you, sir.
12:03Thank you, sir.
12:04Thank you, sir.
12:04Thank you, sir.
12:05Thank you, sir.
12:13Nakakapuso ang ngayong araw na mapapanood ang semifinals ng NCAA Season 100 Men's Volleyball.
12:19Mamayang alas 12 po ng tanghali.
12:21Unang magtatapat ang Letran Knights at ang Benioed Blazers.
12:24Alas dos e medya ng hapon naman,
12:27ang laban sa pagitan ng Arellano Chiefs at ng Mapua Cardinals.
12:30Ang mananalo sa dalawang laro, maghaharap sa finals sa linggo, June 8.
12:34Mapapanood po ang semifinals ngayong araw sa Heart of Asia.
12:38Panalo ng bronze medal si Pinoy Olympian Carlos Yulo sa 2025 AGU,
12:51Artistic Gymnastic Senior Asian Championship sa South Korea.
12:56Sa senior men's individual all around,
12:57nakakuha si Yulan total score na 83.632.
13:01Pareho namang pambato ng Japan na nakakuha ng gold at silver medals.
13:05Alright, after her successful stint sa Miss World,
13:21mainit na sinalubong sa kanyang pagbabalik sa bansa si 2025 Miss World Asia Krishna Gravides.
13:28Yes, bukod sa mga sumuporta sa kanya,
13:31may special thank you rin siya kay Miss World 2013 Megan Young.
13:36May unang balita si Bea Pinla.
13:38Taas noong iwinagayway ni 2025 Miss World Asia Krishna Gravides ang watawat ng Pilipinas,
13:50kasabay ng mainit na pagsalubong sa kanya ng mga taga-suporta pag uwi niya.
13:54I am just really happy to see everyone here,
13:57to be back home and to share this victory to the entire Philippines.
14:01This is not only for me but for all of you.
14:04And I would like to maximize this for,
14:07to strengthen and broaden my charity organization,
14:10Color the World with Kindness and all the meaningful causes that I am championing for.
14:14Kasama sa mga sumalubong kay Krishna,
14:17ang kanyang ina na si Jel na naging emosyonal,
14:20na halos isang buwan daw hindi nakita ang anak.
14:22Good job na nailaban niyo ng Pilipinas.
14:26Super duper proud, as in super proud na mama.
14:29Mama is a huge part of it and I think she's the biggest reason why I am here.
14:34She'll be part of the tour ng Miss World.
14:37Of course, most of her projects are within Asia,
14:41but to promoting the advocacy of Miss World all over the world, kasama sila.
14:47Nagpasalamat din si Krishna kay Miss World 2013 Megan Young
14:51na todo supporta raw sa kanyang pageant journey,
14:54kahit na busy sa pagiging first-time mom.
14:57Every time na magme-message siya sa akin,
14:59she assured me na I am always here to support you.
15:03She's been a light all throughout this journey.
15:06Congratulations as well to her.
15:07I believe she will be the coolest mom ever.
15:10Ito ang unang balita.
15:12Bea Pinlak para sa GMA Integrated News.
15:15Nothing but the grandest pa rin para sa 75th anniversary ng GMA Network.
15:21Kaya ngayon June, pang malakasang shows ang mapapanood sa Kapuso Network.
15:28Starting this Sunday, isa laban sa lahat na sa The Clash 2025.
15:33Sa June 16 naman, ang world premiere ng susunod na kabanata ng Encantadia Chronicles Sangre.
15:40Streaming din ang Beauty Empire sa View starting June 16.
15:44At mapapanood dito sa GMA sa July 7.
15:48Tatlong serya naman ang magpipremiere sa June 23.
15:51Yan ang My Father's Wife sa Afternoon Prime.
15:55K-drama na The Lovely Runner sa hapon.
15:58At tambalang denje ng Sanggang Dikit for Real sa gabi.
16:01Sa June 28 naman, makikihahataw na tayo sa reality dance competition na Stars on the Floor.
16:08At sa June 30, ang seryeng Akusana.
16:11Wow! Exciting show!
16:14Kapuso, maauna ka sa mga balita.
16:16Panaorin ang unang balita sa unang hirit at iba pang award-winning newscast
16:20sa youtube.com slash GMA News.
16:22I-click lang ang subscribe button.
16:24Sa mga kapuso o naman abroad, maaari kami masubaybayang sa GMA Pinoy TV
16:28at www.gmanews.tv
16:31Muzika
16:32Masiu
16:42E-chat
Recommended
15:33
|
Up next