- 4 days ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong June 18, 2025
- Ilang lugar sa Metro Manila, nakaranas ng ulan sa magdamag
- DOTr: Rutang España-Quezon Avenue, pinag-aaralang lagyan ng bus rapid transit system | Ilang commuter, pabor sa paglalagay ng busway system sa rutang España-Quezon Avenue | Ilang motorista, nangangambang mas lalala ang traffic kapag nabawasan ang lane para sa mga pribadong sasakyan | Pangamba ng ilang tricycle driver, baka mawalan sila ng malulusutan kapag nagkaroon ng busway sa España-Quezon Avenue
- Atty. Fortun at Atty. Narvasa na naging bahagi ng defense team ni Ex-Pres. Estrada, mga abogado rin ni VP Sara Duterte sa impeachment trial | Dating OVP Spokesperson Atty. Poa, kasama rin sa defense team ni VP Duterte | Sen. Pimentel: Dapat huwag nang magsampa ng kaso sa Korte Suprema kaugnay sa impeachment para hindi ma-delay ang trial | Prosecution Spokesperson Atty. Bucoy: Nagkaroon ng grave abuse of discretion sa utos na ibalik ang articles of impeachment sa Kamara | Pagpapa-inhibit sa ilang senator-judge, pinag-uusapan ng House Prosecution panel | Senator-judge Hontiveros: Ebidensiya ang titingnan ko sa impeachment trial | Sen. Pimentel: Pabor kay VP Duterte kung may mag-i-inhibit na senator-judge
- Sen. Dela Rosa, nag-share ng A.I.-generated video na tumutuligsa sa impeachment vs. VPSD; sinabing mag-focus sa mensahe nito | VP Duterte: Walang problema sa pag-share ng A.I. videos na sumusuporta sa akin, basta hindi ito gagawing negosyo | Malacañang: Nakakawala ng tiwala kung galing mismo sa mataas na gov't official ang disinformation at fake news
- Libreng sakay sa Roro Program sa Amandayehan Port, simula na ngayong araw
- Dept. of Agriculture: P20/kilo na bigas, ibinebenta na rin sa Siquijor | Dept. of Agriculture: P20/kilo na bigas, target ding ibenta sa ilang bahagi ng Mindanao simula sa Hulyo
- Mga reklamo laban sa PrimeWater, iniimbestigahan ng LWUA | LWUA, may mekanismo para bantayan at parusahan ang mga water concessionaire na 'di tumutupad sa patakaran
- Philippine Navy: Panlilinlang ang pahayag ng China na sinabayan ng navy nila ang maritime patrol ng Pilipinas at Japan sa WPS
- 12 kawani ng city hall, nagpabilisan sa pag-ubos ng isang mangkok ng lomi
- Michelle Dee, Mika Salamanca, at Bianca Umali, napanood na sa ikalawang episode ng "Encantadia Chronicles: Sang'gre"
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
- Ilang lugar sa Metro Manila, nakaranas ng ulan sa magdamag
- DOTr: Rutang España-Quezon Avenue, pinag-aaralang lagyan ng bus rapid transit system | Ilang commuter, pabor sa paglalagay ng busway system sa rutang España-Quezon Avenue | Ilang motorista, nangangambang mas lalala ang traffic kapag nabawasan ang lane para sa mga pribadong sasakyan | Pangamba ng ilang tricycle driver, baka mawalan sila ng malulusutan kapag nagkaroon ng busway sa España-Quezon Avenue
- Atty. Fortun at Atty. Narvasa na naging bahagi ng defense team ni Ex-Pres. Estrada, mga abogado rin ni VP Sara Duterte sa impeachment trial | Dating OVP Spokesperson Atty. Poa, kasama rin sa defense team ni VP Duterte | Sen. Pimentel: Dapat huwag nang magsampa ng kaso sa Korte Suprema kaugnay sa impeachment para hindi ma-delay ang trial | Prosecution Spokesperson Atty. Bucoy: Nagkaroon ng grave abuse of discretion sa utos na ibalik ang articles of impeachment sa Kamara | Pagpapa-inhibit sa ilang senator-judge, pinag-uusapan ng House Prosecution panel | Senator-judge Hontiveros: Ebidensiya ang titingnan ko sa impeachment trial | Sen. Pimentel: Pabor kay VP Duterte kung may mag-i-inhibit na senator-judge
- Sen. Dela Rosa, nag-share ng A.I.-generated video na tumutuligsa sa impeachment vs. VPSD; sinabing mag-focus sa mensahe nito | VP Duterte: Walang problema sa pag-share ng A.I. videos na sumusuporta sa akin, basta hindi ito gagawing negosyo | Malacañang: Nakakawala ng tiwala kung galing mismo sa mataas na gov't official ang disinformation at fake news
- Libreng sakay sa Roro Program sa Amandayehan Port, simula na ngayong araw
- Dept. of Agriculture: P20/kilo na bigas, ibinebenta na rin sa Siquijor | Dept. of Agriculture: P20/kilo na bigas, target ding ibenta sa ilang bahagi ng Mindanao simula sa Hulyo
- Mga reklamo laban sa PrimeWater, iniimbestigahan ng LWUA | LWUA, may mekanismo para bantayan at parusahan ang mga water concessionaire na 'di tumutupad sa patakaran
- Philippine Navy: Panlilinlang ang pahayag ng China na sinabayan ng navy nila ang maritime patrol ng Pilipinas at Japan sa WPS
- 12 kawani ng city hall, nagpabilisan sa pag-ubos ng isang mangkok ng lomi
- Michelle Dee, Mika Salamanca, at Bianca Umali, napanood na sa ikalawang episode ng "Encantadia Chronicles: Sang'gre"
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
Category
📺
TVTranscript
00:00Good morning, good morning.
00:24Naging masungit ang panahon sa magdamag dito sa Maynila at naging alalay ang pagtakbo ng mga sasakyan dahil basa ang kalsada.
00:38Sa Tan Avenue, hindi man ganon. Karami ang mga sasakyan, mabagal ang usa dahil nag-iingat sila sa pagbibiyahe.
00:46Pareho ang sitwasyon sa Roas Boulevard papuntang Luneta.
00:49Mas malalaki ang mga sasakyan bumabagtas dito tulad ng mga truck.
00:52Hindi malakas ang buhos ng ulan pero tuloy-tuloy ang patak nito hanggang sa Quiapo area.
00:57Pasaan dolas 4 ng madaling araw, nagsimula ng dumami ang mga jeep dahil sa pagbiyahe ng mga papasok sa trabaho at paaralan.
01:03Wala namang naranasang malalim na baha, particular sa Espanya, na laging binabantayan tuwing malakas ang ulan.
01:09Nakaranas din ng malakas na ulan sa ilang bahagi ng Quezon City kaninang madaling araw.
01:13Halos mag-zero visibility sa bahagi ng Quezon Avenue.
01:16Ganyan din ang sitwasyon sa northbound at southbound lanes ng EDSA.
01:19Ayon sa pag-asa, easter lease ang nagdala ng ulan sa ilang lugar sa NCR.
01:25Kasalukuyan, nandito tayo sa Espanya at pasimula na rin ang rush hour.
01:29Though hindi traffic, ay dumarami na rin ang mga sasakyan.
01:33Dahil ito nga ay oras na rin para sa mga pagpasok ng mga mag-aaral at pati yung pagpasok sa trabaho.
01:38Itong unang balita, malalari ito sa Maynila.
01:40Bama lagre para sa GMA Integrated News.
01:42Plano ng gobyerno na maglagay na rin ang busway system sa rutang Espanya-Quezon Avenue.
01:49Pabor kaya riyan ng mga commuter at motorista.
01:52Live na lang sa Quezon City.
01:53May unang balita si EJ Gomez.
01:55EJ.
01:56Iga, narito tayo ngayon sa Welcome Rotonda na boundary ng Maynila at Quezon City.
02:07At pinag-aaralan nga ng pamahalaan na lagyan ng busway system ang kahabaan nito tulad ng sa EDSA.
02:14Inalam natin ang masasabi ng mga kapuso nating commuter at motorista sa panokalang iyan.
02:20Pinag-aaralan ngayon ng Department of Transportation o DOTR ang pusibling paglalagay ng bus rapid transit o busway model tulad ng sa EDSA
02:33sa iba pang malalaking kalsada sa Metro Manila gaya sa Quezon Avenue sa Quezon City at Espanya Boulevard sa Maynila.
02:40Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, layo ng pamahalaan na magkaroon ng maayos na sistema ang mga bus para sa mga commuter,
02:49lalo na sa mga estudyante sa mga naturang lugar.
02:52Pabor dyan ang delivery truck driver na si Limuel na dalawang oras bumabiyahe araw-araw mula sa Montalban, Rizal,
02:58papasok sa kanyang trabaho sa Quezon City.
03:01Di naro siya mahihirapan sumakay kung may busway.
03:04Okay lang po sa mga commuter namin para mas mabilis at hindi sagabal yung mga bus sa kalsada.
03:11Masyado bukas yung traffic kapag ano eh, lalo na sa aming commuter at sagabal kami sa kalsada.
03:18Ayos lang din daw para sa commuter at delivery rider na si John Wayne ang planong busway sa Espanya Boulevard at Quezon Avenue.
03:25Yun nga lang, baka raw mas lalong tumindi ang traffic kung mababawasan ng lane para sa mga private vehicle.
03:31Okay naman po para may magandang daanan ng busway.
03:35Para hindi siya hassle pagka magko-commute kasi marami pong jeep, gano'n.
03:41Hassle po pero kung sa rider po, hassle.
03:44Hassle po kasi makainan ng isang linya.
03:47Pagka rusher kasi ma'am, ang daming nagsisiwiwi yan kaya mata-traffic.
03:52Sabi naman ni Alberto at mga kasama niyang tricycle drivers na nakapilan sa Welcome Rotonda,
03:56baka mawalan sila ng daanang malulusutan kapag nagkaroon ng busway.
04:01Pabor naman po kasi para sa kagaganda rin ng lugar yan eh.
04:06Ang problema, yung tricycle kung po pwede pa kami makalusot.
04:11Kasi yun lang naman ang way namin yung U-turn dyan eh.
04:14May ginagawa na raw feasibility study ang DOTR sa panukalang Espanya-Quezon Avenue busway system
04:20na inaasahang matatapos sa susunod na taon.
04:23Igaan na ayod pa kay Transportation Secretary Vince Dizon,
04:32kapag nagkaroon na ng Espanya-Quezon Avenue busway system,
04:36pamahalaan muna raw ang mag-ooperate nito bago i-privatize ang operations at maintenance ng programa.
04:44Live situational lang tayo dito sa traffic sa lugar na ito, dito sa Welcome Rotonda.
04:48Kung mapapansin ninyo, medyo hindi pa traffic dito sa may rotonda.
04:53Paminsan-minsan lang yung traffic dahil yung mga sasakyan na galing dun sa mga inner roads,
04:58medyo nagkakaroon lang ng build-up.
05:01Pero pagkadiretsyo doon sa may Espanya, sa may bandang gitna,
05:05medyo makikita ninyo mabagal na paunti-unti yung takbo ng mga sasakyan.
05:10Igaan yan ang latest mula rito sa Quezon City.
05:13E.J. Gomez, para sa GMA Integrated News.
05:25Pag-ahayin daw ng mga motion at manifestation sa mga susunod na araw
05:29ang House Prosecutors sa Impeachment Trial ni Vice President Sara Duterte.
05:34Ipinakilala na rin ang mga miembro ng defense team.
05:38May unang balita si Tina Panganiban Perez.
05:43Noong 2000 hanggang 2001, sa impeachment trial ni Nooy Pangulong Joseph Estrada,
05:50isa sa mga tumayong abogado niya, si Atty. Siegfried Fortun.
05:54Mahigit dalawang dekada pagkatapos niyan,
05:57muling haharap sa impeachment court si Fortun bilang abogado naman ni Vice President Sara Duterte.
06:02Pangungunahan niya ang mga abogado mula sa Fortun, Narvaza, and Salazar Law Firm na tatayong defense team ng BICE batay sa entry of appearance sa impeachment court.
06:13Ilang high-profile case ang hinawakan ni Fortun, gaya ng Maguindanao Massacre at kuratong baleleng case.
06:20Kasama rin sa defense team ang co-founder ng law firm na si Atty. Gregorio Narvaza II,
06:27anak ni dating Supreme Court Chief Justice Andres Narvaza,
06:31na bahagi rin ang defense counsel noon sa impeachment trial ni ERA.
06:34Kabilang din sa defense team ni Vice President Duterte, si Atty. Michael Powa, dating tagapagsalita ng OVP.
06:43Sa ngayon, di pa malinaw kung kailan magsisimula ang impeachment trial dahil sa pagpapabalik ng Articles of Impeachment sa Kamara.
06:51Ayon kay Senate Minority Leader Coco Pimentel, na isa sa mga bumoto kontra rito,
06:57nagdudulot lang ang utos na mga kwestiyong legal.
06:59Pero kung siya raw ang tatanungin, dapat huwag na magkaso sa Korte Suprema,
07:04na para ba itong consultant, nahihintayin pa kung ano ang opinion nito.
07:09Ano ma-achieve noon? Ano lang? Baka bumalik pa sa step 1.
07:15Hindi natin alam. So huwag na, pabayaan na lang yan.
07:18Tapos by July 29, 30, 31, August 1, pwede na mag-trial yan.
07:28Kasi ang incoming Senate, hindi nila pwedeng gamitin ngayon ang excuse na meron pa silang rin-rush na mga priority laws.
07:40Kasi ano pa yan eh? Filing pa lang yan.
07:43Ayon sa bagong talagang tagapagsalita ng House Prosecution Panel na si Atty. Antonio O. Di Bukoy,
07:50may tuturing na grave abuse of discretion ang ginawa ng Senado.
07:54Ako po ay sumasang-ayon sa sinabi ni Chief Justice Renato Puno.
08:01Sapagkat ang mga naging actuation and ruling ni Senate President Chis Escudero
08:12as the presiding officer of the impeachment court,
08:17ay wala ho sa saligang batas yan.
08:18Kagaya po ng pag-remand, ang limitasyon ay ang ating saligang batas
08:23at ang kanilang sariling impeachment rules.
08:28Hindi po pwedeng, porque you are sui generis, pwede mong gawin ang lahat ng gusto mo.
08:35Kinukunan pa namin ang pahayag si Escudero.
08:37Ayon sa tagapagsalita ng House Prosecution Panel,
08:41sa mga susunod na araw ay maghahayin ang mga prosecutor
08:44sa Senate Impeachment Court na mga motion at manifestation.
08:48Tiniyak niyang hindi ito magiging sanhinang delay sa impeachment proceedings.
08:54Ilan na rin ang pumuna sa unay pagkiling ng ilang Sen. judges sa vice.
08:59Ihingin ba ng prosecution panel na mag-inhibit ang mga ito mula sa impeachment trial?
09:04Pinag-uusapan po yan. Subalit, kung ito ay magiging dahilan para maantala,
09:12siguro isang tabi na lang yan.
09:15Anyway, ipilalahad ang ebidensya, ipapakita sa mga hukom,
09:22makikita ng publiko, nasa sa kanila yan.
09:26Kung kahit na malakas ang ebidensya, mag-aacquit pa rin sila,
09:29sino nguhusga? Ang bayan.
09:30Nauna ng sinabi ni Vice President Sara na bigyan ng benefit of the doubt
09:35ang mga Sen. judge na gagawin nila ng tama ang kanilang trabaho.
09:40Kung may mag-inhibit man, Anya, dapat kasama lahat ng pabor,
09:44pati kontra sa kanya.
09:45Special mention nga si Sen. Risa Ontiveros.
09:49Kung gano'n ang ating basihan sa inhibisyon,
09:54ay dapat din natin ipainhibit ang mga Senators na meron ding bias against Sara Duterte,
10:02tulad na lang ni Sen. Risa Ontiveros.
10:06Tugon dyan ni Sen. Ontiveros.
10:08Ebidensya ang titignan niya bilang Sen. Judge.
10:11Nung nanumpa kami bilang Sen. Judge,
10:14naging tungkuli namin sa Senado na suriin at bumoto
10:18ayon sa bigat ng ebidensya,
10:21kakampiman o kritiko ng pangalawang Pangulo.
10:24Sinusunod ko po ang tungkuli na iyan
10:27at inaasahan ko rin ito sa ibang Senador.
10:30Sabi ni Pimentel, magiging paborable pa kay Vice President Duterte
10:35kung may mag-inhibit na Sen. Judge.
10:38Kailangan kasi ng two-thirds o labing-anim na Senador
10:41na magsabing guilty ang bise bago siya makonvict.
10:44Binibilang natin dito yung sinasabi yung salitang guilty.
10:48Yun po ang bibilangin.
10:50Hindi binibilang yung nagsabing not guilty.
10:53Hindi importante yun.
10:54Ito ang unang balita.
10:56Tina Panganiban Perez para sa GMA Integrated News.
11:01Wala raw nakikita masama si Vice President Sara Duterte
11:04sa pag-share ni Sen. Ronald Bato de la Rosa
11:08na isang AI-generated video na bumabati ko sa impeachment.
11:12Ang malakanyang naman sinabing nakakawala ng tiwala
11:15kung mismo taga-gobyerno ang nagpapakalat ng disinformation online.
11:20May unang balita si Rafi Tima.
11:26Umanin ang samotsaring reaksyon
11:27ng i-repost ni Sen. Bato de la Rosa
11:29sa kanyang personal na Facebook page
11:31ang AI-generated video na ito
11:33na nagpapakita ng dalawang estudyanteng tutol
11:35sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.
11:38Sabi ng Senador sa pag-share niya ng video,
11:40buti para o mga bata,
11:41nakakaintindi sa mga pangyayari,
11:43sabay-banat na dapat makinig
11:45ang mga yelo o dilawan at mga komunista.
11:47It is obviously politically motivated.
11:49They want justice,
11:50but their justice is selective.
11:52Noong nakarang linggo,
11:54si Sen. de la Rosa
11:55ang nagsusulong ng pagpapalismi
11:56sa impeachment complaint
11:57sa Senate Impeachment Court
11:59laban sa Vice Presidente.
12:01Ayon sa isang eksperto,
12:02bagamat maganda ang pagkakagawa sa AI video,
12:04halatang deepfake ito.
12:05Kung iso-zoom din sa logo ng uniforme ng estudyante,
12:23gibberish o wala itong ibig sabihin.
12:25Tila wala rin maintindihan
12:26sa mga nakasulat sa mga karatula sa paligid.
12:29Pero dahil pagaling pa ng pagaling ang AI,
12:31sa huli,
12:32sa mensahe pa rin daw mabubuko
12:33kung deepfake ang isang video o hindi.
12:36Mabilis rin itinaman ng mga netizen
12:38na AI-generated ang video
12:39at hindi ito totoo.
12:41Pero sa isang hiwalay na post,
12:43sinabi ni de la Rosa
12:43na wala siyang pakialam kung AI ito.
12:46Ang mahalagaan niya,
12:47ang mismong mensahe.
12:48At kahit flag na bilang false information
12:50ng kanyang nirepost,
12:51patuloy itong ipinagtanggol ng Senador
12:53sa comment section ng kanyang post.
12:55Maaaring delikado umano
12:56ang ganitong reaksyon ng Senador
12:58ayon sa isang AI expert.
12:59The proper thing to do would be to own up,
13:01pero ang dating parang nag-double down pe.
13:04It doesn't matter kung AI or hindi.
13:08The important is the message.
13:09So talagang dinobol down pa niya
13:10na ito talaga yung message na gusto niya.
13:13So I feel that that can be dangerous
13:16just if people are not critical about the message.
13:20Sinubukan namin kunan ng payag ang Senador
13:23pero ayon sa kanyang staff,
13:24ayaw muna niyang magbigay ng panayam.
13:27Ang vice-presidente,
13:28ipinagtanggol ang kanyang kaalyado.
13:29Wala naman problema siguro
13:31sa pag-share ng AI video
13:36in support of sa akin
13:38basta hindi ginagawang negosyo.
13:40Kung baga,
13:41if I were a social media,
13:45I were a social media account owner
13:49and gagawa ako ng AI
13:50to support a certain personality,
13:54walang problema dun
13:55kasi hindi ko naman siya ginagawang negosyo.
13:58Hindi ko naman binibenta
14:00sa mga tao yung produkto ko.
14:03Pero ang Malacanang sinabing
14:05nakakawala ng tiwala
14:06ang aksyon ni Senador De La Rosa.
14:09Ang pag-share
14:11ng mga katulad na ganyan,
14:13muli, disinformation, fake news,
14:15hindi po sana nanggagaling
14:17sa mga opisyal ng pamahalaan.
14:22Nakakaduda,
14:22mas nakakawala ng tiwala
14:25kung mismo sa matataas na opisyal
14:29nanggagaling ang mga
14:30disinformation at fake news.
14:33Aminado ang mga eksperto,
14:34darating ang panahon,
14:36hindi na natin malalaman
14:37kung AI generated
14:38ang isang video o litrato.
14:40Kaya mahalaga raw na-develop
14:41ang ating critical na pag-iisip.
14:43Dahil sa huli,
14:44nasa atin ang pagpapasya
14:45kung maniniwala tayo
14:46sa ating mga nakikita
14:48sa social media.
14:50Ito ang unang balita.
14:51Rafi Tima para sa
14:52GMA Integrated News.
14:54Simula na ngayong araw
14:56ang Libreng Sakay Saroro Program
14:57sa Amandayehan Port
15:00sa Basei Samar.
15:02Layon nito may pagpatuloy
15:03ang paghatid
15:04ng mga mahalagang produkto
15:05sa Samar at Leyte
15:06ayon sa Regional Interagency
15:08Coordinating Cell Task Force
15:10San Juanico.
15:11Sakop nito ang ruta
15:12mula Taklobang City sa Leyte
15:13papuntang Amandayehan Port
15:15sa Basei Samar at pabalik.
15:17Alternativo ito
15:18habang inaayo
15:19sa mga pinsala
15:20sa San Juanico Bridge.
15:23May mabibili na pong
15:2420 pesos na
15:25kada kilong bigas
15:26sa Siquijor.
15:27Ayon sa Department of Agriculture,
15:29mahigit 400 household
15:30ang makikinabang
15:31sa initial rollout
15:32ng programa
15:33sa probinsya.
15:34Magsisilbi raw modelo
15:35o testing ground
15:36ang Siquijor
15:37sa paghahatid ng
15:38murang bigas
15:39sa iba pang malalayong lugar
15:40at island provinces.
15:42Sa susunod na buwan naman,
15:43target na lihin ng DA
15:44ang nasabing rice program
15:46sa ilang bahagi
15:47ng Mindanao.
15:48Kabilang dyan
15:49ang Zamboanga del Norte,
15:50Basilan,
15:51Cotabato City,
15:52Tawi-Tawi,
15:53Maguindanao del Sur,
15:54Maguindanao del Norte,
15:56Davao Oriental
15:56at Sor Sogon.
16:00Naglitawan
16:01ang mga problema
16:02sa tubig
16:03ng mga consumers
16:03sa ilang lugar sa Luzon
16:04sa paggulong
16:05na investigasyon
16:06sa prime water.
16:07Ayon sa Local Water
16:08Utilities Administration,
16:10nakumpirma nila
16:11ang mga reklamo
16:12ng puntahan nila
16:13ang ilang probinsyang
16:14sinusuplaya ng prime water.
16:16Wala pang pahayag
16:16ang kumpanya.
16:17Narito ang aking unang balita.
16:22Maruming tubig,
16:24amoy o lasang kalawang,
16:26o malansa,
16:27at may pagkakataon pang
16:28wala talagang tubig.
16:30Kabilang ito
16:30sa mga problemang
16:31naglitawan,
16:32matapos pa imbestigahan
16:33ni Pangulong Bombong Marcos
16:35sa Local Water Utilities
16:36Administration o LUWA
16:37ang sanhinang kawalan
16:38ng tubig sa banyo
16:39ng ininspeksyong
16:41eskwelahan sa Bulacan.
16:42Isa sa kanilang
16:43iniimbestigahan
16:44ang water concessionaire
16:45na prime water.
16:46Ito sa revalidation
16:47of the initial
16:48investigation report
16:50natin
16:50na sinimula natin
16:51noong Mayo.
16:53So parang naulit lang.
16:54Well,
16:55the water concessionaire
16:56may is not doing enough
16:58to fix this issue.
16:59Kasi ang daming
17:00nagagalit
17:01because of the service.
17:03Nagpunta daw
17:04ang mga ingenyero
17:04ng LUWA
17:05sa Laguna,
17:06Quezon,
17:06Pampanga,
17:07Nueva Ecija,
17:08La Union,
17:09at Pangasinan
17:09para kumpirmahin
17:10ang mga reklamo.
17:11Pina-validate namin
17:12kasi meron naman
17:13kaming listahan
17:14na water districts
17:14na gustong kumalas.
17:16Pinapunta namin
17:17yung mga tao namin doon.
17:18Pina-certify namin
17:19sa LUWA engineers namin
17:21and representatives
17:21that this is actually happening.
17:24Pinatotohana namin
17:25yung mga reklamo
17:26ng residente.
17:27Isinasapinal na rao
17:28ng LUWA
17:29ang kanilang report
17:30na naglalaman
17:30ng kanilang mga natuklasan,
17:32pati mga rekomendasyon
17:33na nakatakda rao nilang
17:34isumite sa Pangulo
17:35ngayong linggo.
17:37Ang Prime Water
17:37may halos isandang
17:39joint venture agreements
17:40sa mga water districts
17:41sa buong bansa.
17:42Hinihinga na namin
17:43ng tugon dito
17:43ang Prime Water
17:44pero hindi pa sila
17:45nagbigay ng sagot
17:46kaugnay sa mga reklamong ito.
17:48Pero handa rao ito
17:49makipagdialogo.
17:50Nagsumite na rin daw sila
17:51ng catch-up plan
17:52sa LUWA
17:53para tugon na
17:54ng mga problema.
17:55Basically,
17:55the catch-up plan
17:56consists of
17:58engineering works
17:59and water supply.
18:01Yun ang number one nila.
18:03So,
18:03yung time frame nyan
18:04iba-iba
18:04depending sa
18:05engineering difficulty
18:07ng per-water district.
18:08Ayon sa LUWA
18:09hindi rin daw agaran
18:10ng mga solusyong ito
18:11kaya hinahanapan pa rin daw nila
18:13ng solusyon
18:14ng problema
18:14ng mga consumer.
18:15Nauna na rin sinabi
18:16ng Prime Water
18:17na naiintindihan nila
18:18ang kahalagahan
18:19na di napuputol
18:20na supply ng tubig
18:21lalo na sa mga eskwelahan.
18:23Nananatili rin daw silang
18:24nakatoon
18:25sa pagbibigay
18:25ng mga asahang
18:26servisyo sa tubig
18:27at seryoso rin daw
18:28nilang tinutugunan
18:29ang lahat ng reklamo
18:30o issue kaugnay nito.
18:32Sa Sanos
18:33Del Monte Bulacan
18:34napaagaraw
18:34ang pagputol
18:35sa kontrata
18:35ng Prime Water
18:36pero may legalidad
18:37pa itong kinakaharap
18:38dahil 25 taon
18:40ang kontrata
18:41ang pinirmahan.
18:42May mekanismo
18:43na raw ngayon
18:44ang LUWA
18:44para bantayan
18:45at parusahan
18:46ang mga water
18:46concessionaire
18:47na hindi tumutupad
18:48sa mga patakaran.
18:49Ito ang unang balita.
19:06Mariz Umali
19:07para sa GMA Integrated News.
19:09Tinawag na panlilinla
19:12ng Philippine Navy
19:12ang pahayag ng China
19:14na sinabayan daw
19:15ng kanilang Navy
19:15ang Joint Patrol
19:17ng Philippine Navy
19:18at Japanese Maritime
19:19Self-Defense Force
19:20sa West Philippine Sea.
19:22Giyit ng Philippine Navy
19:23walang nakialam
19:24o humarang
19:25sa pagkapatrolyan
19:26nitong Sabado.
19:27Bumuntot lang daw
19:28ang Shanghai Class Frigate
19:30ng China
19:31sa mga barko
19:32ng Pilipinas at Japan.
19:34Habang nasa Sabina Shoal
19:35at Bajo de Masinlok daw,
19:37ang mga dati ng karaniwang
19:38dami ng Chinese Coast Guard
19:40vessel.
19:41The Philippine Navy
19:43did not monitor
19:44any coordinated
19:46air and maritime patrols
19:48in our maritime zones.
19:50Reports like this
19:51are mere attempts
19:52at misinformation,
19:54disinformation,
19:55and malinformation
19:56to shape the internal
19:58and domestic narrative
20:00of the Chinese Communist Party's
20:03illegal claims
20:04in our maritime domain.
20:05Sakto sa maulang panahon
20:10ang isang pa-contest
20:11sa Lipa Batangas.
20:13Eh, nabumuro na!
20:17Yan ang Lomming Eating Contest.
20:206 na lalaki
20:20at 6 na babaeng empleyado
20:22ng City Hall
20:22ang sumabak sa Extra Yummy Challenge.
20:25Simple lang naman
20:26ang mechanics.
20:27Pataubihin
20:28ang isang mangkok
20:28ng mainit,
20:29Kompletos Ricados
20:30at OG
20:31na Lomming Batangas
20:33ang pinakamabilis matapos
20:34ang itinanghal na
20:35Lomming King and Queen.
20:37Ang aktividad
20:38ay bahagi ng pagdiriwang
20:39ng 78th anniversary
20:40ng Cityhood
20:42ng Lipa Batangas.
20:44Esta secto,
20:47kanya-kanyang paghahanda
20:48na ang mga karakter
20:49sa Encantadia Chronicles
20:51Sangre
20:51para sa isang digmaan
20:52sa hinaharap.
20:54Nasagot din kagabi
20:55kung bakit mapupunta
20:56sa mundo
20:56ng mga tao
20:57ang karakter
20:58ni Sanya Lopez
20:59na si Danaya.
21:00Ihanda ang aking tagapagmana?
21:06Hindi ba't inihanda ko
21:07na nga si Gaya?
21:09Sundin niyo
21:10ang aking utos!
21:13Wala ni isa sa inyo
21:14ang may karapatan
21:16mga tuwiran sa akin!
21:20Ipinakilala na si
21:21Hara Cassandra
21:22ng Lireo Play
21:23by Michelle D.
21:24Nais ni Cassandra
21:25na magtungo
21:25ang pamilya ni Danaya
21:27sa mundo
21:27ng mga tao.
21:28Lingid sa kaalaman nila
21:29nagkausap na
21:31si Cassandra
21:31at Bat Halumang Cassiopeia
21:33played by Solen Youssef
21:35tungkol sa kapalaran
21:36ng anak ni Danaya.
21:37Ang anak niyang si Gaya
21:38played by Cassie Lavarias
21:40ay maagang masasawi.
21:43Nakita ni Cassiopeia
21:44na ang ikalawang anak
21:45ni Danaya na si Tera
21:46played by Bianca Umali.
21:48Siya raw ang susunod
21:49na tagapagligtas
21:50ng Encantadia
21:50at mga ngalaga
21:52ng brilyante ng lupa.
21:54O yan!
21:54Nagsasanay na rin
21:55ang mga taga Minove
21:57sa paungunan na ni
21:59Kera Mitena
22:00played by Rian Ramos.
22:02Ni-reveal din sa episode
22:03na PBB Celebrity Colab
22:05Housemate Mika Salamangka
22:06ay si Angka
22:08ang alagang kuwago
22:11ni Kera Mitena.
22:12Samantalang ang pilot episode
22:14ng Sangre
22:15last Monday
22:15ay mahigit
22:162.5 million views
22:18na sa YouTube.
22:20Subaybayan na ang Sangre
22:21tuwing 8pm
22:22pagkatapos
22:23ang 24 oras
22:25sa GMA Prime.
22:26Paganda ng paganda!
22:28Kapuso,
22:29huwag magpapahuli
22:30sa latest news and updates.
22:32Mag-iuna ka sa malita
22:33at mag-subscribe
22:34sa YouTube channel
22:34ng GMA Integrated News.
22:36chau,
22:40huwag agarda
22:42ka sa malita
22:42hanggan
22:43hiya
22:43kwa ma
22:45Mitarbeiter
22:45ka ma
22:46kwa ma
22:47hred
22:47za
22:48am
22:50huwag magpapahuli
22:51hred
22:52kwa ma
22:54hred
22:55kwa ma
22:55par
22:56ma
22:56hred
22:57kwa ma
22:57hred
Recommended
29:04
|
Up next
52:50
44:16
48:32
55:05
1:03:52
19:47
54:52
46:07
52:06