Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Narito ang mga nangungunang balita ngayong July 2, 2025


- Panukalang gawing 3 taon ang kolehiyo, inihain sa Senado |Ilang college student at magulang, iba-iba ang opinyon sa panukalang gawing 3 taon ang kolehiyo


- Mais bilang alternatibo sa bigas, isinusulong ng Dept. of Agriculture; posibleng makatulong mapababa ang presyo ng bigas | Ilang nagtitinda ng mais umaasang gaganda ang kanilang bentahan kasunod ng pagsusulong na gawin itong alternatibo sa bigas


- Honeylet Avanceña: Bahay ni FPRRD, ibinebenta sa highest bidder | Rep. Paolo Duterte: Hindi pumayag si FPRRD na ibenta ang kaniyang bahay


- Rep. Chel Diokno: Posibleng patibong ang hinihinging certification ng Senado sa Kamara na gusto pang ituloy ng 20th Congress ang impeachment vs. VP Duterte | Giit ng ilang kongresista, dapat magkaroon ng impeachment trial vs. VP Duterte | Sen. Gatchalian: Dapat magpresenta muna ng ebidensiya sa impeachment trial vs. VP Duterte bago magpasya ang mga senator-judge sa anumang mosyon


- OCTA Research Group: Mas maraming Pinoy ang pabor na muling sumali ang Pilipinas sa International Criminal Court | Malacañang: PBBM, nakikinig sa sentimyento ng publiko kung dapat ba muling sumali ang Pilipinas sa International Criminal Court


- Dating Sen. Francis Tolentino, pinagbawalang tumuntong sa Mainland China, Hong Kong at Macau | Dating Sen. Tolentino sa sanction ng China: "It's a badge of honor"


- Babaeng mahilig sa kulay purple, ginawang violet lahat ng kaniyang handa sa birthday


- Anjo Pertierra at Eunice Jorge, engaged na


- Kera Mitena, naagaw ang apat na brilyante at nasakop ang Encantadia; Cassiopeia, ikinulong sa isang kristal


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:00.
00:06.
00:08.
00:12.
00:14.
00:18.
00:20.
00:22.
00:24.
00:26.
00:28.
00:32Ivan, good morning. Iba-iba yung opinion ng mga nakausap ko ng mga magulang maging estudyante dito po yan sa University Belt sa Lungsod ng Maynila.
00:38Kaugnay dun sa panukalang batas na inihain sa Senado na gawing tatlong taon na lamang yung college education.
00:48Ang apat na taong ginugugos sa kolehyo ng mga estudyante na is ng isang panukalang batas sa Senado na gawin na lang na tatlong taon.
00:55Inihain ni Sen. Wien Gatchalian ang 3-Year College Education Act na layon daw maiwasan ang pag-uulit ng courses at makapagfocus sa mga estudyante sa kanilang specialization.
01:06Dapat din daw prioridad ang pagduturo ng soft skills sa senior high school.
01:10Pagpasok ng bata sa kolehyo, ang kanyang pag-aaralan ay yung kanyang major na, diretsyon na siya dun sa major.
01:18Yung mga general education subjects, ibababa sa senior high school.
01:24Itong practice na ito ay ginagawa sa maraming bansa, especially sa Commonwealth countries like the United Kingdom, Canada, Australia.
01:34Ang third-year nursing college student na si Dennis, pabor sa panukalang batas.
01:39May mga general education subjects kami ngayong college na parang paulit-ulit na lang siya, na dapat na takil naman na dapat nung high school.
01:46Parang inulit na lang siya.
01:49Para naman sa grade 11 student na si Rigi,
01:51Hindi po ako pabor doon kasi po syempre may mga basic needs po tayo sa mga college po ngayon po.
01:58Mayihirapan po tayo if papaiksiin natin yung mga 4 years, 5 years na mga courses po.
02:04Kasi po may mga matututunan po tayo doon na for sure magagamit po natin sa mga real life situation po.
02:10Kung ang magulang na si Manuel ang tatanungin na may isang anak na nag-aaral pa sa elementary,
02:15makakatulong daw kapag naisa batas ito.
02:18Sa akin po, pabor po.
02:20Kasi?
02:20Kasi mabilis makatapos mag-aaral, tapos makapaghanap agad ang trabaho.
02:27Tingin naman ang isa pang magulang na si Lorenzo, dapat tanggalin na lang senior high school sa halip na paigsiin ng kolehyo.
02:33Sa ngayon, second-year college student ng kanyang panganay na anak, habang magsisenyor high school ang bunso.
02:38Dapat, ibalik na lang po si dati. Yung dating nung araw, mas maganda pa yun sa ngayon.
02:46Kasi ngayon, parang napakahirap siya sa taas ng bilihin.
02:50Tapos yung mga sahod, di naman gano'ng ano.
02:55Sa matala, Ivan, layon din daw na panukalang batas na mabigyan na mas mahabang panahon yung mga estudyante para sa kanilang internship at advanced specialization.
03:09Yan na unang balita. Mala rito sa Maynila.
03:10Ako po si James Agustin para sa Gemma Integrated News.
03:14Maasang nilang nagtitinda ng mais na posibleng mas kumanda ang kanilang bentang ngayong sinusulong ng Department of Agriculture,
03:20ang mais bilang alternatibo sa bigas.
03:24Kagdanyan, planong bumili ng kagawaran ng mga puti at dilaw na mais sa 2026.
03:29Live mula sa Marikina.
03:30Sa unang balita, si EJ Gomez.
03:33EJ.
03:38Igan, pabor ang maraming kapusag na kausap natin.
03:41Ukol sa isinusulong ng Department of Agriculture na gawing alternatibo sa bigas,
03:47ang corn rice. Bukod daw sa mas makakatipid, marami rin daw ang health benefits ng mais.
03:57Plano ng Department of Agriculture na bumili ng mais sa susunod na taon para gawing alternatibo sa bigas.
04:04500 milyong piso hanggang 1 bilyong piso ang hiniling na budget ng DA para sa programa sa 2026.
04:10Ayon kay Agriculture Secretary Chulaurel Jr., puti at dilaw na mais ang planong bilhin ng kagawaran na gagawing corn grits.
04:18Naniniwala rin daw ang DA na posibleng mapababa nito ang demand sa bigas na pwedeng magresulta sa pagbaba ng presyo ng bigas.
04:25Okay raw para sa ilang mamimili ang mais bilang alternatibo sa bigas.
04:29Sa akin okay po kasi, malilit pa lang kami talaga. Kumakaan din kami, bigas din yan eh.
04:34Medyo mahal nga kasi ngayon ang bigas eh. Mas masarap ang mais eh.
04:38Mas matamis-tamis ang mais kasi sa bigas ng mais. Mas mas sustansya rin. Mas makakaiwas din tayo sa i-blood gan.
04:46Umaasa naman ang ilang nagtitinda ng mais na makakabuti sa kanilang kita ang planong ito ng DA.
04:52Ang bentahan daw kasi ngayon mataas at matumal.
04:55Minsan, ano, okay naman yung benta. Minsan, ano, medyo talo. Kasi may katumalan po.
05:03Matas na po yan. Bentaan po. Kasi malilin po yung kuha namin sa biyayera.
05:11Unti lang po kasi harvest ngayon daw.
05:13Igan, ayon pa sa DA, ang bibilihing mais, no, ay plano raw i-embark ng ahensya sa 134 na warehouses ng National Food Authority.
05:30Kasama yan ng 20 pesos na kada kilong bigas.
05:35At yan, ang unang balita mula dito sa Marikina City.
05:39EJ Gomez, para sa GMA, Integrated News.
05:42Magkaiba ang sinabi ng mga kaanak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kung ibebenta ba o hindi ang kanyang bahay sa Davao City.
05:50Kumalat online itong Sabado ang larawan ang bahay ni Duterte na may nakapaskil na house and lot for sale.
05:56Sa mensaya sa GMA, Integrated News, kinumpirma ng common law wife ni Duterte na si Honeylat Avancenia na ibebenta nga ang bahay.
06:05Itong linggo, wala na ang for sale na tarpaulin.
06:09Hindi na rin makontakt ang number sa tarpaulin nang subukan itong tawagan ng GMA Regional TV.
06:15Sa pagbisita ni Davao City First District Representative Paolo Duterte sa International Criminal Court Detention Center sa The Hague, Netherlands,
06:22sinabi niyang hindi raw pumayag ang kanyang ama na ibebenta ang bahay.
06:27May plano naman daw si na Congressman Duterte kung saan tutuloy ang kanilang ama sakaling makauwi siya sa Pilipinas at naibenta ang bahay.
06:35Sinisikap ng GMA, Integrated News, nakunin ang pahayag ni Avancenia Kaugnay sa pahayag ni Congressman Duterte.
06:42Ang naturang bahay ang madalas ipasilip sa publiko noon para ipakita ang pamumuhay ng dating Pangulo.
07:12Pusibling trap o patibong daw ang hinihingi ng Senado sa Kamara ng Certification na gusto nitong ituloy ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ng 20th Congress.
07:31Giyit ni Akbayan Partylist Representative Chell Jokno, may malinaw na indikasyon naman na gusto nituloy ng Kamara ng Impeachment kahit walang certification.
07:39May unang balita si Tina Panganiban Perez.
07:42Naniniwala si Akbayan Representative Chell Jokno na dapat mag-ingat sa pagtugon sa hinihingi ng Senate Impeachment Court
07:52na sertifikasyon sa Kamara na interesado pa rin itong isulong ang impeachment proceedings ngayong 20th Congress.
08:00Sabi ni Jokno na inaasahang magiging bahagi ng prosecution team, baka raw ito isang trap o patibong.
08:07Yung narasak ang bagay na kailangan pag-aralan ng mabuti kasi baka naman maaari maging trap nga yan.
08:14Kaginawa ng House yan ay sasabihin naman nila, oh, eh, may violate na kayo ng one-year ban.
08:21If the 20th Congress will designate prosecutors to the panel, I think that is already a very clear indication that they want to proceed with the case.
08:32Nanindigan si Jokno na dapat magkaroon ng impeachment trial.
08:36Yan din ang sabi ni Akobicol Partidist Representative Alfredo Garbin.
08:41I haven't heard of dismissal and the Constitution does not speak of dismissal.
08:47Kung pagbabawal ang motion to dismissal?
08:49Yes, because the Constitution speaks of hearing and trial, di ba?
08:55And then reception of evidence.
08:58Tingin naman ni Sen. Sherwin Gatchalian, i-invoke ng defense team ang pagpapadismiss ng impeachment case ng BICE.
09:05Oras na mangyari ito, posible raw pagpotohan niya ng mga senator judge.
09:10Makikita naman natin doon sa reply ni VP Sara na in-invoke nila yung constitutionality ng Articles of Impeachment.
09:24So yung reply na yun, I am very sure, i-invoke ulit yun ng mga defense lawyers.
09:32At possible yan na magkaroon ng botohan.
09:35Possible yan. Kasi i-invoke nila yan eh.
09:37So kung merong tumutol or merong sumang-ayon among the senator judges, possible yan.
09:47Pero nanindigan si Gatchalian na dapat maipresenta muna ang mga ebedensya sa impeachment trial
09:52bago magbotohan ang mga senator judge sa anumang masyon.
09:56Ito ang unang balita. Tina Panganiban Perez para sa GMA Integrated News.
10:02Ang sabi ng Malacanang, nakikinig ang Pangulo sa sentimiento ng publiko kung na isa dapat bang sumali muli
10:09ang Pilipinas sa International Criminal Court o ICC.
10:13Sa tugon ng masa-survey ng Okta Research Group, 57% ng mga Pinoy ang pabor sa muling pagsali ng bansa sa ICC.
10:20May 1,200 respondents yan at may margin of error na plus or minus 3%.
10:24Ginawa ang non-commissioned survey noong April 20 hanggang 24 mahigit isang buwan matapos maaresto at ikulong
10:31si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC sa The Hague, Netherlands para sa kasong crimes against humanity.
10:37March 2019, na kumalas ang Pilipinas Rome Statute na nagtatag sa ICC.
10:42Sa ngayon po ay hindi pa po muli, hindi pa po natin napag-uusapan yan, hindi pa po nababanggit ng Pangulo.
10:52Pero yung ganito mga sentimiento po ng ating mga kababayan ay dinidinig naman po ng ating Pangulo.
10:58So tignan na lang po natin sa mga susunod na araw kung ano po ang magiging saloobi ng Pangulo sa pag-rejoin sa ICC.
11:05Hindi raw natitinag si dating Senador Francis Tolentino sa pagbabawal ng China sa kanya na makapasok sa kanilang bansa,
11:14maging sa Hong Kong at Macau.
11:16Ayan sa ating Department of Foreign Affairs, baga man may karapatan ng China na magpatupad ng sanksyon,
11:21baka may epekto raw ito sa bilateral relations ng Pilipinas at China.
11:25Narito ang aking unang balita.
11:29Isang araw lang matapos ang termino sa Senado ni Francis Tolentino.
11:33Agad naglabas ang anunsyon Chinese Foreign Ministry.
11:36Bawal tumuntong ang dating Senador sa Chinese Mainland, sa Hong Kong at Macau.
11:41Sanksyon o parusaraw ito ng China kay Tolentino sa anilay egregius
11:45o napakasamang inasal nito pagdating sa mga isyong may kinalaman sa China.
11:49Si Tolentino ang pangunahing sponsor at isa sa mga mayakda ng naisa batas ng Philippine Maritime Zones Act
11:54at Archipelagic Sea Lanes Act sa Senado
11:56na nagdeklera na soberania at jurisdiksyon sa internal waters, territorial sea at archipelagic waters sa bansa.
12:03Mga batas na maring pinalaga ng China.
12:05At ilang linggo lang bago matapos ang kanyang termino,
12:08naibunyag sa pinangunahan niyang Senate Investigation,
12:11ang pang-ESP o munan ng China sa bansa.
12:14Dagdag ng China Foreign Ministry,
12:15meron daw talagang pagbabayaran sa pananakit sa interes ng China.
12:20Hindi naman natitinag si Tolentino sa mga ipinatao na sanctions ng China,
12:23kapalit ng kanyara o paglaban para sa karapatan, dignidad at soberania ng sambayan ng Pilipino sa West Philippine Sea.
12:30Tama lang naman po siguro yung ginawa natin,
12:32hindi lang bilang isang senador noong panahon yun,
12:35hindi bilang isang Pilipino.
12:37It's a badge of honor.
12:39Karangal lang po pong ipagtanggol ang karapatan ng Pilipinas,
12:43karangal lang po pong ipagtanggol ang interest ng mga Pilipino.
12:47Patuloy daw niya ipaglalaban ang kung anong nararapat para sa bayan
12:50at titindig sa panig ng Philippine Navy, Philippine Coast Guard
12:54at ng mga mangis ng Pilipinong umaasa sa karagatan para sa kanilang kabuhayan.
12:59Kahit bilang isang ordinaryong mamamayan,
13:02gagawin ko po yung ginawa ko na ipaglaban ang interes ng Pilipinas
13:06at panindigan ang para sa Pilipino.
13:09Kung ano man yung kaparusahang dinawad ng isang malaking bansa sa akin,
13:13ay hindi po masusukil yung aking paninindigan
13:17na ipaglaban ang interes ng ating pagsa.
13:22Ayon sa DFA, bagamat may karapatan ng China
13:24na magpatupad ng ganito mga sanksyon,
13:26ay malinaw na hindi ito nakakatulong sa pagbuo ng tiwala
13:29at pagpapabuti ng bilateral relations sa Pilipinas at China.
13:34Ito ang unang balita.
13:35Ivan Merina para sa GMA Integrated News.
13:38Kay nagigiliwan online ng isang babaeng over sa pagiging Ube Color Lover,
13:44meet Marilyn aka Madam Violet.
13:49Ang patunay, right in front of your eye.
13:52Bula sa kanyang hair color, sa kanyang kwarto at mga gamit,
13:56ayan, kitang kita, purple overload.
13:59Kaya nang iselebrate ang kanyang 59th birthday,
14:03pulaan nyo ano ang motif.
14:04Purple syempre.
14:06Wala sa party decors at suot na mga bisita.
14:09Pati ang mga handang pagkain.
14:11Abay, hindi nakaligtas sa Ube Madness.
14:13Ang kanin, adobo at pansit.
14:16Syempre, kulay violet dahil sa food color.
14:19Hindi man daw usual kung titignan.
14:21Enjoy naman ang mga bisita sa Pinagsaluhan.
14:23Hi! Wedding bells are ringing!
14:35Engaged na si Unang Hirit Parkada,
14:37Angelo Pretiera,
14:38at Eunice Jorge ng bandang Grace Note.
14:41Yun!
14:42This is a symbol of my commitment and my love for you.
14:47Nag-share si Eunice ang video online ng proposal ni Anjo.
14:58Speechless noong una si Eunice,
15:00at saka nag-yes kay Anjo.
15:02Nangyari ang proposal ni Anjo sa mismo birthday ni Eunice.
15:05Si Anjo ang nag-post naman ng picture nila together as a newly engaged couple.
15:10Bumuhos ang greetings para sa couple.
15:12Ohhhh!
15:12Yay!
15:15My gosh!
15:18Kagulat!
15:19Umiyak! Ngayon pala umiyak si Ano.
15:21Hindi siya umiiyak.
15:22Hindi, meron siyang ano, may anong tawag doon yung may ano, nag-break up.
15:25Oh, hikbi na po.
15:26Pero pigil na pigil siya.
15:28Ano yan?
15:29Nag-umapaw ang emosyon.
15:30Oo, ganun yun eh.
15:31Congrats, guys!
15:33What a commitment.
15:35Pogi daw yung nasa siya.
15:38Maris!
15:42Abisala, mga Encantadix!
15:53Nakubuo na ang brilyante checklist ni Kera Mitena.
15:57Rian Ramos, matapos siyang sumakses sa pangagaw ng brilyante ng apoy.
16:02Inagaw!
16:02Ang natinig ka sa akin, brilyante ng apoy!
16:04Ang hirap kalaban ni Rian Ramos sa internes.
16:13Matapos maagaw ni Mitena ang brilyante ng apoy kay Pirena Glyza de Castro,
16:18sugatan na tumakas si Pirena patungo sa mundo ng mga tao.
16:21Nang muling magkita, kinulong naman ni Mitena si Kassio Pea played by Solana Yusuf sa isang kristal.
16:27Sa pangdapat abangan sa sangre ang batang terra sa mundo ng mga tao.
16:32So, subaybayan ng Encantadia Chronicles Sangre sa GMA Prime, 8pm pagkatapos ng 24 oras.
16:39Oo, huwag kayong magalit kay Rian ha! Acting lang po yan ha!
16:42Kasi what up!
16:43Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
16:47Mag-iuna ka sa malita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.
16:51Kasi what up!

Recommended