Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Sa July 18 na mararamdaman ng mga minimum wage earners sa Metro Manila ang 50 pesos na umento sa sahod.
00:08Bagiging 658 at 695 pesos na ang arawang sahod.
00:14Depende kung saan ang sektor nagtatrabaho.
00:17Live mula sa Mandaluing City, may una balita si EJ Gomez. EJ.
00:21Igan, good news nga para sa mga minimum wage earners sa Metro Manila.
00:31May dagdag na 50 pesos na sahod na inaprubahan ng NCR Wage Board.
00:40Sabi ng mga nakausap na ating kapuso, dagdag budget na rin daw yun.
00:43Pasado alas 4 ng madaling araw, nadatnan namin nagpapalipas ng oras sa tabing kalsada si Tatay Eduardo.
00:55Bumabiyahe raw siya ng maaga mula Pasig patungon trabaho sa Mandaluyong para iwas traffic.
01:00Pagiging latero sa isang car company sa loob ng 15 taon, ang tumaguyod daw sa kanyang pamilya.
01:07Kaya tuwing may taas sahod, happy raw siya.
01:09Si Jessel na tindera sa isang bakery, natutuwa rin daw kapag may wage hike.
01:23May pinapaaral siyang kapatid sa kolehyo na binibigyan niya raw ng allowance kada linggo.
01:28Masaya naman po kasi may dagdag sahod po. Dagdag budget na rin po sa pagpambilin ng gamit ng kapatid ko kung gaaral po.
01:36I-nanunsyo ng Department of Labor and Employment o DOLE kahapon ang 50 pesos na dagdag sahod sa mahigit isang milyong minimum wage earners sa Metro Manila.
01:46Magiging 695 pesos na ang arawang sahod ng mga manggagawa sa non-agriculture sector.
01:52Papatak naman sa 658 pesos ang mga nasa agri-sector, service or retail establishments na 15 pababa ang empleyado at manufacturing na hindi aabot sa sampu ang tauhan.
02:03Ayon sa National Wages and Productivity Commission, katumbas yan ang buwan ng sahod na 18,216 pesos para sa mga non-agriculture workers,
02:13inclusive of mandatory benefits gaya ng 13th month pay, incentive leaves, SSS, PhilHealth at pag-ibig.
02:21Malaking bagay raw ang 50 pesos para sa magkaibigang Mark J. at John Mark na mga empleyado sa isang manukan.
02:27Mas okay po sa akin yun. Dahil po may baby na po kasi ako. Kaya sinusunan dyan akong kanda.
02:35Malaking bagay po yun kasi po. Lalo na po ngayon mahal na po yung bilihin. Tapos meron pa po akong pinagka-college ng kapatid.
02:43And for everyday use din po. At pamasahe din po.
02:50Nakatakdang ipatupad ang naturang wage increase sa darating na July 18.
02:54Igaan ayon sa Dole, ang 50 pesos na dagdag sahod, ang pinakamalaking salary increase na naibigay ng NCR Wage Board.
03:08Magkakaroon din daw ng monitoring at labor inspections para sa maayos na pagpapatupad nito ng mga kumpanya.
03:17At yan, ang unang balita wala rito sa Mandaluyong City.
03:22EJ Gomez, para sa GMA.
03:24Integrated News.
03:26Igan, mauna ka sa mga balita. Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.