Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00At kaugnay nga po ng 50 pesos na pagtaas sa minimum wage sa Metro Manila,
00:05kausapin na po natin si National Wages and Productivity Commission Executive Director Maria Criselda C.
00:11Magandang umaga at welcome po sa Balitang Halid.
00:14Magandang umaga po sa inyo at sa inyong mga taga-subaybay.
00:18Opo, Ma'am Criselda, para po sa ilang labor groups, kulang at bariya lamang daw,
00:22itong 50 pesos na umento sa sahod para po sa minimum wage earner sa Metro Manila,
00:27ano po ang masasabi nyo dyan?
00:30At ginagalang po natin yun pong mga pananaw ng ating mga kasamahan sa hanay ng mga manggagawa
00:39at gayon din po ang pananaw ng ating mga kasamahan sa hanay ng mga employers.
00:45Ang pagdidesisyon po ng ating Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa NPR
00:51ay naaayon po doon sa kanilang mandato na kanila hong balansihin
00:58yung rights ng ating mga manggagawa na maprotektahan ang kanilang...
01:05Hello?
01:06Yes, go ahead, Ma'am.
01:07Ang kanilang sweldo from undue low pay at ang mga management naman ay magkaroon ng pagkakataon
01:14na magkaroon ng reasonable profit sa kanila pong pag-i-implement ng kanila pong negosyo.
01:22At kasama rin din po dito, yun pong concern ng ating government na every time that we have to issue a wage order,
01:32we have to make sure that it is consistent with the trust of the government
01:38to improve the economic condition of our country.
01:45Opo, at may mga negosyo bang posibleng hindi mapabilang o exempted na sa inaprobahang umento sa sahod?
01:52Nakalagay po sa ating batas na yung mga retail and service establishments
01:58regularly employing not more than 10 workers
02:01ay pwede pong mag-apply for exemption sa ating Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa NPR.
02:10Sila po ay merong hanggang, they have 75 days or hanggang September 15 para po mag-apply for exemption.
02:24I see. At ma'am, ano ang magiging pananagutan ng mga employer o kumpanya
02:29kung hindi nila mabigay itong 50 pesos wage increase?
02:33Nakalagay po sa ating batas na sila ay magkakaroon ng penalty
02:38na hindi po bababa sa 100,000.
02:42At meron din po silang civil and criminal liability under the law.
02:49Alright.
02:50Pag ganito pong siyempre may omento sa NCR,
02:54humihirit din yung mga taga-probinsya.
02:56Meron po ba tayong nakaambang naman na maaaring wage hike din sa kanila?
02:59Yes po. Tinataya po natin na between July and August of this year,
03:07yung regions na nasa Calabarzon, Region 3 or yung Central Luzon at Region 7
03:15ay susunod na rin po na mag-conduct ng kanilang public consultation at public hearing.
03:22I see. Okay. At tamungkahi po ng ilang mga kongresista na buwagin ang provincial or regional wage system
03:28at magtakda po ng isang minimum wage sa buong bansa.
03:32Posible ho ba ito?
03:34At kung sakasakali, kailan naman ho kaya pwede maging effective ito?
03:38Ito po ay nasa sa kamay ng ating mataas at mababang kapuluhan.
03:44Ang mandato po ng NWPC at RTWPB ay tinatawag po natin na Delegated Authority from the Congress.
03:53At ito po ay aming pinapatupad ng naayon po sa kanilang ipinasang batas noong 1989.
04:01So, kami po ay active na nagbibigay ng technical assistance at technical input sa kanila
04:09sa pagbabalangkas ng batas kung sakasakaling magkakaroon po sila ng ganitong decision.
04:15Marami pong salamat sa inyong update na ibinigay sa amin dito sa Balitang Halimam. Thank you!
04:21Salamat din po.
04:22Yan po naman si National Wages and Productivity Commission Executive Director Maria Criselle da C.
04:31Yan po naman si National Wages and Productivity Commission.

Recommended