Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/8/2025
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00At kaugnay po sa isinusulong sa Kamara at Senado na pagbabawal o paglimita sa online gambling,
00:06kausapin po natin si Pagcourt Chairman and CEO Alejandro Tenco.
00:10Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
00:13Hey, magandang umaga sa iyo, Connie.
00:17Yes, sir. Ano ba?
00:18Sa lahat ng nakikinig sa iyo yung programa.
00:21Opo. Ano ba ang masasabi ninyo dito sa isinusulong po sa Senado at Kamara
00:25na sabi nga yung iba, total ban ang online gambling. Iba, limitahan naman.
00:32Ako po, tulad ng aking sinasagot sa mga katanungan nitong mga nakaraang araw,
00:40ako po ay, ang pagkor po, ang hinihiling sana, ay magkaroon ng mahigpitang regulasyon.
00:50At, ah, yun po ang nakikita kong isang paraan,
00:57dahil sa paniniwalang mahirap pong, ah, i-ban totally ang online gaming sa pangkasalukuyan,
01:05dahil lang po sa, ang gamit lang po nito ay internet,
01:09or, ah, yan po ang paggamit sa pagsasagal ngayon online.
01:14Kaya, gusto kong ipaalam sa lahat na marami na po nitong mga nakaraang buwan na pag-aaral
01:22ang ginagawa ang pagkor, at, ah, magkakaroon po ng anunsyo kami sa mga susunod na linggo
01:29tungkol sa mga hakbang na aming, ah, pinag-aaralan at, ah, ipatutupad sa mga susunod na araw.
01:38Ah, ah, ah, kasi po ay merong magiging signing ng memorandum agreement with the Ad Standard Council
01:48sa darating na ikalabing-anim ng Hulyo, kung saan, ah, gusto namin ah, mahigpitan po itong mga
01:56outdoor advertising natin, gayon din po yung advertising natin sa primetime TV.
02:03Ah, ah, isa po kasing mapapansin mo siguro, Connie, eh, parang mga kabuti na kumalap na lang, ah, kulubsan
02:13itong mga billboard na ito.
02:16Sa pamamagitan ng Ad Standards Council, eh, naniniwala po ang pagkor na maririgulahan natin
02:24itong mga billboard na ito.
02:25At siguro sa mga susunod na linggo, ah, pag siguro ang kailangan lang ay ayokong pangunahan
02:33ng Ad Standards Council, pero ang maliwanag dito, bibigyan lang siguro ng punting panahon
02:39yung mga may billboard na yan na ibaba na ang kanilang mga billboard at maririgulahan na
02:47as to the size. Kasi, Connie, kung nakikita mo, kasing lalaki na ng mga building, eh.
02:51Oo nga po, gano'n nga po, ano. Pero sa ngayon ho ba, ilang online gambling operators
02:56ang legal na nag-operate po sa ilalim ng pagkor? At, ah, kumpara po sa mga iligal?
03:03Yung po ay napakagandang tanong. Sa ngayon po, halos kumulang po, pitumpo lang ang may lisensya.
03:12Ah, ang, ang talagang, paulit-ulit kong sinasabi sa lahat na nagtatanong sa akin,
03:20ang simisira sa online gaming industry ngayon, eh, yung maraming iligal na patuloy na
03:27nag-ooperate. At ang masakit nito, Connie, they are operating from outside the Philippines.
03:34Ayun na nga. Mga ilan po ito?
03:37At ang tina-target nila, ang tina-target nila, eh, mga, mga, ah, Pilipino customer, no?
03:45So, makikita mo, ang daming mga website ngayon na nakakalat, ah, tulad ng ilang na kinokopia
03:54yung mga pangalan ng mga IR natin at tinadagdagan ng mga numero lamang para pakita sa publiko,
04:01kunwari na sila yung kumakatawan doon sa malaking kasino na yon.
04:06Opo.
04:07Pero kung titig naman ilistahan natin, Connie, eh, walang lisensya yung nasabing, ah, mga kumpanyang yon.
04:14Okay. Kung 70 ang legal, ilan po ang iligal?
04:19Ang tingin ko po, nasa daan po ang iligal.
04:22Ah, ganun po karami, mas marami pa pala, no?
04:24Ganun po karami, yes.
04:25Ang masakit, Connie, ah, yan ang mga kumpanyang hindi nakapag-re-regulate ng tama.
04:33Yung mga reklamong pati kabataan ay naglalaro.
04:36Diyan naglalaro ang mga kabataang minor de edad.
04:39Aha.
04:40Alam nyo naman dito sa pagcourt, 21 years old and above ang regulasyon natin.
04:46Eh, yung mga nagpapasugal o nagpapasugal na hindi lisensyado, eh, tumatanggap yan, maski anong edad, para lang makapaglaro sa kanila.
04:57Walang verification.
04:58Pangalawa, correct.
05:00Pangalawa, Connie, marami kaming natatanggap araw-araw na sulat na reklamo kung saan sila'y hindi nababayaran, sila'y hindi binabalik ang deposito, sila'y nadadaya doon sa sugal.
05:15Eh, yan ang nagaganap sa pagkat walang ang regulasyon at walang lisensya.
05:20Apo.
05:20Sa pagcourt, pagka ikaw ay may license, may lisensya ka, ay dapat dumangka sa isang masusing pag-tetest ng iyong mga games para nang sa ganun mapakitang patas ang palaro.
05:36So, ikaw ay kailangang magbayad doon sa nanalo at ikaw ay dapat magbalik ng deposito ng mga player mo, anong oras man hingin ito ng player sa iyo.
05:51Okay. Sir, ito bang sinasabi kasi din na walang beneficyo maging ang gobyerno dahil wala rin namang nire-remit yung mga illegal na yan na gambling, ano?
05:59Pero sa legal po na online gambling, kaya doon win-away ng ating gobyerno o ng administrasyong Marcos,
06:08eh dahil malaki rin ho ang naiyaambag naman ng legal na online gambling. Magkano ho ba?
06:13Noong 2024 po, eh, himigit kumulang po sa limampung bilyong piso ang nalikom ng pagcourt na license fees.
06:26Doon po ay automatic po yun, 50% ay pupunta na kagad sa kaban ng ating National Treasury.
06:34At bukod po doon ay maraming sinusuportahan na ahensya ang pagcourt tulad ng Philippine Sports Commission,
06:43Dangerous Drug Board, yung PhilHealth sa pamamagitan ng Universal Care Act.
06:51Kami po ay nagsasubsidize ng PhilHealth.
06:56Tinitinan ko po nung makalawa ang nakontribute po ng online gaming alone, hindi po ng pagcourt.
07:04Sa PhilHealth, eh, meron pong kulang 6.5 billion pesos.
07:10Apa.
07:11So kung atin titinan, ma'am, sa 30,000 average, can you imagine ilang million yung ating natulungan
07:20sa pamamagitan ng license fees ng online gaming sa mga pasyente ng PhilHealth?
07:27Hmm, hmm, hmm, hmm, marami pa.
07:28Sana tayong mga pag-uusapan, itutuloy na lang natin siguro sa mga susunod na araw,
07:33ang iba pang mga tanong tungkol po dito, especially when it comes to yung adiksyon, ano,
07:38ng ating litunan sa gambling.
07:40Marami pong salamat, Pagcourt Chairman.
07:42Salamat pa marami, Ma'am Connie.
07:44Maraming salamat at maraming salamat din sa lahat na nakikinig sa iyong programa.
07:48Magandang hapon po.
07:50Yan po naman si Pagcourt Chairman Alejandro Tenko.

Recommended