Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Update naman po tayo sa unang batch ng mga OFW na nirepatriate mula sa Middle East dahil sa gulo sa pagitan ng Israel at Iran.
00:08Kausapin po natin si OWA Administrator P.Y. Kaunan. Magandang umaga at welcome po sa Balitang Halimam.
00:15Magandang umaga, Connie. Magandang umaga, Raffi. Magandang umaga sa lahat ng mga kininig.
00:20Makikamusta lamang po kami doon sa mga OFW na nakauwi na po kagabi. Kamusta na po sila?
00:2526 po ang nakauwi mula Israel at meron po silang kasamang tatlong galing Jordan, isang galing West Bank at isang galing Qatar.
00:37Yung 31 po ay yung iba po na ihatid na po natin sa mga bahay nila at nakasama na po nila ang kanilang mga pamilya kagabi pa lang.
00:46Yung iba naman po ay hinaos po muna natin sa hotel at on the way pa lang po sa kanilang mga pamilya.
00:54Okay. Ilan pa pong OFW ang inaasahan natin mapabalik dito sa ating bansa?
00:59At kung sa kasakali, meron na po ba tayong date kung kailan sila makakarating?
01:05Sa bansa ng Israel, meron po tayong susunod na batch. 50 po sila.
01:10At after po noon, meron na pong nagpalista around 23 as we are talking right now po.
01:17So, yung 50 po, dapat po darating sila ng either June 26 or 27 pero nagkaroon lang po ng pagsasara ng airspace kaya nag-a-adjust lang po sa schedule.
01:30So, in the next coming days may update po tayo kung kailan darating yung batch 2 na 50 po natin kagbabayang OFWs mula Israel.
01:38Nagkaroon din po, Ma'am Connie, ng anunsyo ang ating Department of Foreign Affairs, si Yusek Ed De Vega.
01:47Patungkol naman po sa mga kababayan natin, nagaling naman ang Iran.
01:51Meron po yung 8, scheduled po sila in the next coming days na bumalik.
01:57At apang verification po dito sa OWA, 7 po sa 8 ay OFWs.
02:01I see. May mga nakausap din po tayo na nagsasabi na nagkakaroon sila ng pagdadalawang isip, although nagpalista initially po sa inyo.
02:11Ano ho ba ang estado ngayon ng mga nagdalawang isip na bumalik dito sa ating bansa?
02:17At sila ho ba ay nagpalista ng muli?
02:21Sa bansang Israel po, 340 po ang ating pong natanggap na request for repatriation.
02:27For context po, meron po tayong 30,000 plus OFW sa Israel at nakatanggap po ang ating embahada sa Tel Aviv, pati po ang BMW at OWA ng 340 na mga tawag at request.
02:44Inisa-isa po natin, Ma'am Connie, yung 340 at doon po natin nakuha yung 26 na unang batch, 50 na susunod at ito pong 23 na susunod pa doon sa 50.
02:56So kung makikita nyo po, medyo nasa wala pa pong isang daan out of the 340 yung pong confirm na gusto po nila magparipatriate.
03:08Okay. At automatic ho ba na maibibigay agad yung tulong ng gobyerno? O may mga screening pa ba silang kailangan pagdaanan?
03:16Ginawa na po natin yung screening before pa sila dumating.
03:19Okay. Binibigay po natin yung cash and reintegration assistance pagdating po nila dito sa Maynila, sa airport po mismo natin inaabot.
03:28Opo. Para agad-agad po magamit po nila ito. Ito po ay para sa mga kababayan natin na apektuhan nitong nangyayaring gulo between Israel and yung Iran.
03:41Same amount din po, Ma'am Connie, ang binigay natin doon sa mga kababayan po natin umuwi starting last year from Lebanon.
03:49Dahil nga rin po doon sa kaguluhan na nangyayaring po.
03:51Paano naman ho yung mga OFW na papaalis pa lamang sana? May maitutulong din po ba sa kanila?
03:57Well, sa mayun po, alert level 3 ang itinaas ng ating Department of Foreign Affairs.
04:04Ang ibig sabihin nun nito ay pagdating sa Iran at sa Israel, yung ating po mga returning workers or balikmang gagawa,
04:11hindi na po pinakayagang umalis.
04:13Opo, umalis.
04:15So, yun naman pong mga kababayan natin sa ibang mga lugar in the Middle East.
04:22Naglabas po ang Department of Migrant Workers ng Aruncio at Abiso sa mga Philippine Recruitment Agencies
04:28na siguraduhin na magkakaroon muna ng mga flights kasi marami yung cancellation.
04:36Ma'am Connie na nangyayari ngayon at nasa stranded po yung ating mga kababayan
04:40sa mga airports katulad ng Dubai at ng Doha.
04:45So, yung pong tulong na ibinibigay natin, tuloy-tuloy lang naman po.
04:49May iba po na nag-aantay na lang na magkaroon ng opening doon sa mga bansang ito
04:57para makapunta sila or makabalik.
04:59Yung iba naman po ay umapasok doon sa ating mga government to government hiring programs
05:05sa iba-ibang lugar at may iba rin naman po na nag-a-apply din sa mga licensed recruitment
05:10agencies po natin dito sa Pilipinas.
05:13Paano po yung proseso kapag yung mga nagpapasundo po sa inyo ay undocumented?
05:19Same din ho ba yung mga beneficyo din ho makukuha nila?
05:24Hindi ho tayo nagbabago ng trato.
05:27Basta po OFW, whether documented or undocumented.
05:32Ngunit nagkakaroon din lang ng konting challenge kasi po, kunwari po,
05:37yung ating pong mga kababayan sa Iran, yung iba po sa kanila sa record po
05:42ng Department of Migrant Workers at ng OWA ay dapat po nasa ibang lugar sila
05:47katulad ng Dubai or ng Abu Dhabi or Doha.
05:51Pero they end up being in Iran.
05:55So, nahihirapan lang po tayo sa monitoring.
05:57Kaya we encourage, nakikiusap po tayo sa ating mga kababayan
06:01na makipag-contact po sa amin at patuloy po kami sa pagbigay
06:07ng ating contact email address, pati po yung ating national hotline na 1348
06:13at bukas po ang ating mga Facebook accounts at social media accounts
06:18ng BMW at ng OWA.
06:21At nasa likod po nito yung ating 24-7 na call center dito sa OWA.
06:26Marami pong salamat sa inyong oras na ibinahagi sa Balitang Halimam.
06:30Yan po naman si OWA Administrator PY, Kaunan.

Recommended