Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Paulit-ulit na lang ang problema ng baha tuwing tagulan, kuminsan inaabot pa ng ilang araw bago humupa.
00:06Talakayin natin yan kasama si UP Resilience Institute Executive Director at Geologist Dr. Mahar Lagmay.
00:11Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
00:15Hello, good morning. Thank you for inviting.
00:17Opo, Dr. Lagmay, ano po ba yung pinakaugat talaga ng problema sa pagbabaha,
00:21lalo na po dito sa Metro Manila kung saan malaki na yung gastos sa mga flood control projects?
00:26Siyempre, unang-una dyan talagang yung ulan malakas, ano?
00:32Yung dating mga pagulan na minsan lamang nangyayari, kada isang daang taon, ay ngayon nagiging mas madalas na.
00:43So, yung mga pagulan na malalaki, na bihira dati, eh ngayon paulit-ulit natin na nakikita.
00:50At magiging baka mas malalap pa yan kapag magtuloy yung ating pagpapainit ng mundo,
00:58yung tinatawag na global warming, na siyang nagpapabago ng ating klima.
01:03At ang mga pre-predusyon ay mas lalala nga ang mga pagulan, yung mga bagyo lalakas,
01:10at syempre, kasabay nito yung pagbaha na ito mga nakikita natin.
01:15Mas madalas na, kasi katulad nung Undoy, once every 100 years yan, 80 years yan,
01:21nagkaroon tayo ng habagat 2012, habagat 2013, habagat 2014, habagat 2018,
01:27nagkaroon tayo ng Ulysses, last year nagkaroon ulit tayo ng habagat dahil sa karina.
01:33Yon, mas madalas natin nakikita itong mga malakas na pagulan.
01:37Opo.
01:38At yan, nakikita natin may mga manifestasyon.
01:42At bukod doon, syempre, pinalalala pa natin.
01:47Dahil ginawa na natin kongkreto, urban jungle na ang metromantila,
01:51masikip na rin, tatapon tayo ng katakot-takot na basura,
01:54hindi makadalo yung tubig, ina-aspaltohan natin,
01:58nilalagyan natin ng kalye yung mga sapa na doon yung tuyo,
02:02pero pag umulan, ay tumataba, nag-overflow.
02:06So, gusto nung dumaan nung sapa na yun, yung tubig,
02:11papunta sa kabilang parte ng kakalye.
02:13At hindi yun mapipigilan.
02:14At hindi yun mapipigilan.
02:17Malaki ang tubig.
02:18So, saan siya dadaan?
02:19Di siya ibabaw ng kalye.
02:20At ang dami-daming kasong ganyan sa metromantila.
02:23And of course, yung basura, nandyan pa.
02:26Yung mga engineering intervention po na ipinatutupad ng gobyerno,
02:29sinasabi nyo ba na hindi nakaka-cope dito sa nagbabagong klima natin ngayon?
02:34Naka-factoin ba talaga ito sa inyong pagkakaalam, sa kanilang disenyo?
02:38Meron ako naisulat 10 years ago, no?
02:42Ang yung master plan na nakita ko,
02:45na actually, naging usapin ito 10 years ago,
02:50parang yung tinututukan ay Marikina at San Juan River.
02:55Pero sa totoo lang, sanga-sanga ang mga ilog.
03:00Hindi lang naman Marikina at San Juan River, sa gilid niyan, ang may problema.
03:06Sanga-sanga yung mga sapa, yung mga river arteries, yung drainage network.
03:11Kapag yung mga maliliit na sapa na yun, yung mga creeks,
03:16ay nag-overflow, nagkakaroon din tayo ng mga problema.
03:21Pag dumaan ito sa kalye, street flooding naman.
03:24At yun, ang mga nakikita natin ngayon na lumalabas sa social media.
03:28Sa inyo pong pagkakalam, Dr. Lagmay,
03:30wala bang general plan na talaga na-factory lahat na ito?
03:33Sinasabi nyo, kahit yung mga maliliit na creek,
03:35kahit na yung mga creek na natabunan na, hindi o ba?
03:37Hindi o ba nakaplano ito?
03:38Kung baga, walang general plan talaga para pag-isahin
03:41at talagang pagsamahin yung flood control project sa buong Metro Manila.
03:44Yun ang nakita ko nung, actually sinulat ko, kakapost ko lang sa Facebook,
03:49nakita ko nga yung naisulat eh,
03:52yung tumbok kasi ay marikina, river, at saka San Juan River.
03:57E paano na lang yung mga ibang mga sanga-sanga na mga river arteries,
04:01yung mga maliliit na sapa.
04:03Kapag nag-overflow yan, meron din mga taong naapektuhan
04:08at marami din naapektohan.
04:10So, yun ang mga siguro dapat improve dun sa mga paggawa ng mga solusyon
04:16patungkol dito sa ating flood control na problem
04:21at saka mga problema sa pagbahan.
04:23Opo, in the meantime, talagang bahana po tayo.
04:25E kayo po sa UP, may flood hazard map po kayo eh,
04:27sa UP Resilience Institute.
04:29Ito yung Nationwide Operational Assessment of Hazards.
04:32Very briefly, paano po kayo nakarating sa datos
04:34para malaman yung hazard level sa isang lugar?
04:37Bali, nag-invest ang gobyerno ng tinatawag na NOAA program.
04:43Merong mga 21, 22 projects dyan.
04:47Kasama dyan yung pagpapalipad ng satellite,
04:50yung diwata-1,
04:52kasama dyan yung mga satellite dish,
04:54kasama dyan yung pagpapalipad ng aeroplano
04:57para makuha natin yung hugis ng kalupaan in high detail.
05:00Para kapag mag-simulate tayo ng baha,
05:03ay nakikita natin barangay level yung baha,
05:07street level yung baha.
05:09So nakalabas lahat yan dyan sa mga mapang tinitignan nyo ngayon.
05:14Nakalabas dyan sa inyong screen,
05:16NOAA.UP.EDU.PH.
05:20Magandang pinabasihan yan para makita kung saan yung mga lugar na mabababa,
05:25saan yung mga lugar na binabaha,
05:27nakatayong mga gusali, mga bahay,
05:31doon sa mga lugar na maaaring bahain,
05:34para sa ganung paraan mailikas natin yung mga tao.
05:37Pero long term, long term, no?
05:39Yan ang isang basihan para planuhin yung komunidad.
05:43O, yan na nga po.
05:44Pag iniwas natin yung mga tao dyan sa mga maaaring bahain na yan,
05:48yung mga doon sa pula,
05:50ay kahit magkaroon ng baha,
05:52wala tayong disaster na pag-uusapan.
05:55Doctor, ito pa ba yung real-time na nagbibigay ng babalat situation
05:59sa isang particular na lugar?
06:02Yan pong mga mapa na yan ay hindi real-time.
06:05Prepared yan based doon sa ulan,
06:07sa historical record ng pag-asa.
06:09Tapos, stimulate natin,
06:11kumbaga pre-prepared yan.
06:13Kapag sinabing ngayon na ganito ang ulan,
06:16eh merong katumbas na mapa yun.
06:18At dahil nga malalakas yung mga ulan,
06:21ang mga katumbas na mapa ay katulad yan.
06:24At yan ang mga binapaha, hindi ba?
06:26In any case, meron naman pong datos pala na ganito.
06:30Nagagamit po ba ito ng mga LGUs sa kanilang pagpaplano?
06:33At so, pag-approve nila ng mga proyekto sa kanilang mga lokalidad?
06:38Ayon doon sa UN report,
06:4160% ng LGUs ang gumagamit ng NOA.
06:45Okay? Marami po.
06:46Pero kung gusto pa po nila ng mas malaki na tulong galing sa UPRI,
06:53meron pong mga mayor,
06:55meron mga gobernador na pumupunta sa amin
06:58at humihingi ng tulong.
07:00At tinutulungan po namin,
07:01ina-assist namin sila sa pag-craft
07:03ng kanilang mga local government plans,
07:07yung kanilang mga development plans,
07:10climate and disaster adaptation plans, etc.
07:17Marami pong mga plano yan.
07:19Tumutulong po kami sa mga LGUs
07:21kung sila ay gustong magpatulong.
07:23Ang mahalagang tandaan po,
07:25ito mga ganitong problema tulad ng pagbaha.
07:27Malawakan, mahabaan po yung solusyon dito.
07:30Talagang pagpaplano dapat yung ginagawa.
07:32Maraming salamat po.
07:33Sa oras ay binahagi nyo sa Balitang Hali.
07:36Maraming salamat din po.
07:37UP Resilience Institute Executive Director,
07:39Dr. Mahar Lagmay.

Recommended