Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5 days ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Kaugnay sa resulta ng survey, kausapin natin si Assistant to Counsel for the International Criminal Court, Attorney Cristina Conti.
00:07Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
00:09Magandang umaga, Rafi.
00:11Sa resulta nga po ng Okta Research Survey, majority rao ng Pilipino ay pabor na bumalik ang Pilipinas sa International Criminal Court.
00:17Ano pong reaksyon nyo rito?
00:19Supportado po namin yan, ang pagbabalik ng Pilipinas sa International Criminal Court at dagdag na kooperasyon sa Korte,
00:26kaya lalo na meron po tayong kasong nakabimbin dyan ngayon.
00:30Para po sa amin, ang tingin nga namin dito ay uhaw ang tao sa justisya.
00:37At tinitingnan nila ang isang International Court para magbigay ng justisya na maaaring hindi nila natagpuan sa Pilipinas
00:44o kaya hindi nila maabot dito.
00:45Gano po ba kaimportante na maging membro ng ICC?
00:49At paano po ba yung magiging proseso kung babalik ang Pilipinas sa ICC?
00:52Importante yung International Criminal Court sa pagpapanatili ng International Legal Order.
00:58At sa maraming bahagi ng politika natin, kinakailangan natin yan.
01:02Doon pa lang sa isyo ng West Philippine Sea,
01:05e dumulog tayo sa isang International Tribunal or Arbitral Tribunal para sabihin ano ba talaga ang tama.
01:12Lalo na kapag ang isyo ay sa pagitan ng dalawang estado.
01:16Itong isyo natin sa Pilipinas ay naging bahagi ng International Matters dahil ang crimes against humanity,
01:26kasalanan kahit saan man.
01:28At ito yung punto talaga na yung Pilipino at kahit saan man sa mundo ay pwedeng dumulog sa isang ganitong klaseng korte
01:35na makapagbibigay sa kanya ng servisyo.
01:37Ang proseso nito ay sa totoo simple pero komplikado din.
01:43Simple dahil kailangan lang pumirma ng Pilipinas dito sa treaty
01:47pero kailangan itong aprobahan ng two-thirds of the Senate same as with other treaty.
01:53Ito yung Senate concurrence.
01:54Saka kumbaga sasabihin o kumpleto na ayon sa aming batas
01:58ang pagsangayon both ng executive at ng legislative sa pagpasok sa treaty na ito.
02:03So simple, kasi pipirma tapos i-rehistro yung ganitong pagsali muli
02:09pero komplikado dahil may konting politika involved.
02:13Hindi na po siguro konti dahil kung ang depende sa composition ng Senado.
02:18Pero may epekto po ba yung pagbabalik ng Pilipinas sa ICC dito sa kaso na dating Pangulong Duterte
02:23knowing na isa ito sa mga arguments nila?
02:27Maaring magkaroon dahil, well una, tungkol dun sa jurisdictional challenge,
02:32wala. Nung umalis tayo ng ICCD, walang jurisdiction ang korte
02:38doon sa panahon na hindi tayo miyembro.
02:40Pero, at material yun dahil para sa amin, may naskip na three years
02:45ng termino ni Duterte, nasaklaw pa rin naman ng war on drugs.
02:49Kaya sa usapin ng mga biktima sa aking mga kliyente,
02:53e di may ilang ma... hindi maisasali doon sa tinatawag na victims of the case
02:57dahil hindi tayo member.
02:59Pero, forward looking tayo.
03:01The minute na maging membro tayo ng ICC, papasok na ulit yung usual obligations.
03:06Mag-cooperate sa investigation, tumulong sa arresto,
03:10kaya kung sakali may future warrants of arrest,
03:14e di compelled tayong i-enforce yan.
03:17And even dun sa detention.
03:19So, itong mainit na issue ng interim release ni Duterte,
03:25kung miyembro tayo, pwede tayong mag-volunteer to take him in.
03:29Of course, pwedeng mag-volunteer, pero hindi naman kaagad-agad ibig sabihin ay papayagan.
03:34Ano pong asahan natin sa kondisyon ni Pangulong Duterte sa ICC?
03:36Ngayong may mga bansang tumanggi doon sa interim release ng dating Pangulo.
03:40At magiging bahagi po ba ito na magiging desisyon ng ICC?
03:43Itong mga bansang nagsabi ay, tandaan natin, hindi pa sila nag-confirm or deny
03:54kung nagkaroon nga ba ng usapan at kung tumanggi nga ba sila.
03:59Kaya kami, we refrain from speculation as importante yung conditions.
04:04Paano ba siya dadalhin sa The Hague sa September, matutuloy ba yung trial?
04:09Yun yung importante sa amin.
04:11Pero palagay naman namin, pag-iingatan niya ng ICC sa loob
04:15at siguraduhin nila na matutuloy ang trial as scheduled sa September 23.
04:21At yan po ang abangan natin.
04:22Maraming salamat po sa oras na binahagi niyo sa Balitang Hali.
04:25Salamat, ingat.
04:26Si Atty. Christina Conti.

Recommended