Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
24 Oras: (Part 3) Maynila, isinailalim sa state of health emergency dahil sa mga 'di nakokolektang basura; Bagong LPA, nabuo sa loob ng PAR at posibleng magpapaulan ng ilang araw; Hontiveros: panumpain na bilang impeachment judges ang 12 senador na nanalo nitong Eleksyon2025; Literal na pagka-"fall" ng isang fan sa gitna ng performance ni Paul Salas, nag-viral, atbp.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Problemado ang isang senior citizen dahil kahit buhay pa, patay na umano siya sa record ng Philippine Statistics Authority o PSA.
00:11Ang proseso ng pagpapatalan ng kamatayan ng isang tao, gaano nga ba kadali?
00:16Inimbestigahan niya ng inyong kapuso action man.
00:24Nitong hunyo nakababahalang sumbong ang natanggap ng inyong kapuso action man.
00:28Buhay pa pero pinatay na rao sa papel ang senior citizen na si Evangeline noong 26 anyos pa lang siya.
00:35Sa death certificate nasawi umano si Evangeline noong 1983 dahil sa sakit na bronchitis.
00:40Kaya hindi niya makuha ngayon ang inaasakang retirement pension mula sa isang agensya ng gobyerno.
00:45Mamadoob ko tsaka talagang umaan sa dibdib ko na ba't ginanon nga ako.
00:52Gaano nga ba kadali kumuha ng death certificate?
00:54Para mapalabas records ng PSA, napatay na ang isang tao.
00:59Ang mga namamatay sa hospital na kung saan ang nagpiprepare ng death certificate is the hospital doctors or the admin officers.
01:10Kailangan dumaan po yan sa municipal health officer ng munisipalidad.
01:15Pag na-validate ni municipal health officer po yan, ay diretso na po yan sa local CV registrar.
01:20Sana ay tala sa death certificate ni Evangeline na namatay umano sa bahay o maituturing na community death.
01:25Kailangan lang din dumaan ulit sa municipal health officer po yan para po sila yung mag-prepare ng death certificate.
01:32So doon, ititiklang nila kung not attended or attended yung death ng health officer or not.
01:39Based dito sa death certificate po ni Ma'am Evangeline, nakikita natin na complete yung details niya.
01:45Pagaman limitado ang manpower ng municipal health office at ng local civil registrar para mabusisi ang detalye ng mga dokumentong na ipapasa sa kanila.
01:55Tiniyak ng PSA, nakasama sa proseso ang verifikasyon.
01:58Pero nakapagtataka, lumabas sa record ng PSA na naikasal pa si Evangeline isang dekada mula ng masawi umano siya.
02:05Parang imposible na namatay siya ng 1983 and then ikinasal siya ng 1993.
02:10Para maitama ang record ni Evangeline.
02:12Pwede kasi mo natin itong ipakansel.
02:14Having the evidences like yung married certificate niya and personalize herself na nag-i-exist siya.
02:22Kailangan lang niyang kumuha ng isang abogado para i-file yung petisyon sa court for the cancellation of the registration noong death certificate.
02:29Para at least once and for all, malinaw na hindi pa siya patay.
02:33Naliwanagan na sa ngayon si Evangeline at inaayos na ang mga dokumento para sa iyahaing petisyon.
02:38Tututukan namin ang sumbong na ito.
02:43Para po sa inyong mga sumbong, pwedeng mag-message sa Kapuso Action Man Facebook page o magtungo sa GMA Action Center.
02:49Sa GMA Network Drive Corner sa Maravino, Diliman, Castle City.
02:52Dahil sa alamang reklamo, pang-aabuso o katiwalian, tiyak, may katapat na aksyon sa inyong Kapuso Action Man.
02:58Nanawagan si Senadora Risa Jontiveros na panumpain na rin bilang Senator Judges
03:13ang mga senador na nanalo sa eleksyon 2025 na ngayong araw ang simula ng termino.
03:20Ilan sa kanila tutol sa dismissal ng Articles of Impeachment ng hindi nalilitis.
03:26Nakatutog si Maav Gonzales.
03:32Pagpatak ng alas 12 a 1 ng tanghali kanina, nagsimula na ang termino ng labindalawang senador na nanalo sa eleksyon 2025.
03:40Kaya si Sen. Risa Jontiveros may panawagan kay Sen. President at Impeachment Court Presiding Officer Chief Escudero.
03:46Anytime 12 o 1 p.m. onwards of today, pwede na at sana ipanumpa na ni presiding officer yung labindalawa pang bagong mga senador.
03:57Sa labindalawang newly elected Senators, lima ang re-elected.
04:01Sinapia Cayetano, Bato de la Rosa, Bonggo, Lito Lapid at Amy Marcos.
04:06Apat naman ang returning o mga dating senador na nagbabalik Senado.
04:10Sinabam Aquino, Ping Lakson, Kiko Panglinan at Tito Soto.
04:14Habang tatlo ang mga bagong salta sa Senado, si Narodante Marculeta, Erwin Tulfo at Camille Villar.
04:21Sabi niyo, Jontiveros, in session pa rin ang impeachment court at hindi pwedeng basta lang i-dismiss
04:26ang kinakaharap na articles of impeachment ni Vice President Sara Duterte nang hindi dumaraan sa paglilitis.
04:33Di tulad ng sinasabi ng iba, the impeachment trial is alive and ongoing.
04:39Due process requires it.
04:41Hindi naman pwedeng mayroon lang motion to dismiss pagbobotohan na namin, dismiss, in effect, acquit.
04:51Gayun din, hindi naman pwedeng, hindi pa kami nagkokondukta ng trial, boboto na kami, convict.
04:58So, hindi yan patas.
05:00Whether sa prosecution, whether sa impeached official, higit sa lahat sa ating publiko.
05:06Sabi rin ni Sen. Joel Villanueva, tututulan niya kung may magmosyon na i-dismiss agad ng korte ang articles of impeachment.
05:12I don't know if it is still vague to some individuals, yung provision ng Constitution, yung initiation, exclusive sa House, trial, exclusive sa Senate.
05:28For me, parang napaka-clear rin.
05:30We need to have a trial.
05:33Gusto rin makita muna ng bagong senador na si Erwin Tulfo ang mga ebidensya kaya kailangang umabot sa trial.
05:39Pero sabi niya,
05:40I'll be the first one to say, kung within, after a few days, wala naman laman, why don't we just dismiss this?
05:47Pero kung may laman naman, then let's fight.
05:50It will take six months, Sen. Erwin Tulfo, then let's go for it.
05:54Sabi rin ni Sen. Tito Soto, dapat bigyan ng pagkakataon ng prosekusyon at ang visa na ipresenta ang kanika nilang argumento.
06:02Sabay banggit sa hinaharap ng Senate leadership.
06:04I expect that the impeachment court will be called by July 29.
06:09Kung kung sino man yung Senate president, hindi ba pwedeng inter-dribble yun?
06:13Hindi ba pwedeng baray-babaay-balay yun?
06:16Hindi pwede because it's what the Constitution says.
06:21We have to follow the Constitution.
06:23At kahit pa hindi sumunod ang kamera sa ikalawang utos ng impeachment court na dapat ideklara ng 20th Congress na desidido pa silang ituloy ang impeachment.
06:32Wala na rin kami na wala na magkaroon yung schedule para kumusapan na ang pangkakataon at nakonbinin yung impeachment court.
06:40Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Oras.
06:45Sa unang araw ng kanyang pagbabalik City Hall, isinailalim ni Manila Mayor Isco Moreno sa State of Health Emergency ang lungsod dahil sa lumalalang problema sa basura.
06:58Bumitaw na rin sa kontrata.
06:59Ang dalawang nangongolekta ng mga ito dahil sa umunoy utang sa kanila ng City Hall na abot sa halos 400 milyong piso.
07:07Nakatutok si Mark Salazar.
07:12Mula sa mga pangunahing kalsada gaya sa Tutuban hanggang sa mga secondary road ng Moriones,
07:19umaalingasaw ang problema ng Maynila na kabisera paman din ang Pilipinas.
07:25Kaya ang pag-aayos sa basura ang first order of business nang nagbabalik Manila City Hall na si Mayor Isco Moreno.
07:32I opted to declare and request the City Council tomorrow, first session day, to declare the state of emergency, health emergency of the entire city of Manila.
07:52Ang tansya ni Mayor, mahigit 4,000 metric tons ng basura ang naiwang nakatiwangwang dahil paudlot-udlot kumano ang koleksyon ng basura.
08:01Mabaho talaga, perwisyo. Taon o na yung mga dumadaan, mga kaya.
08:05At sing natambak yan, yan, punong-punong lahat yan. Lahat ng mga pedestrian lane na yun, napuno ng basura yan.
08:12Sumulat na kay Mayor Isco ang dalawang hauling contractors ng Maynila, ang Fileco at Metro Waste,
08:18para buluntaryong i-terminate ang kanilang servisyo.
08:22Hindi na raw nila kayang tustusan dahil umabot na sa halos 400 milyon pesos ang utang ng City Hall sa kanila mula lang nitong Enero.
08:31Pumatong na ito sa halos kalahating bilyong utang naman ng City Hall sa Lionel na unang bumitaw din sa kontrata.
08:38Because of financial mismanagement, from 561 milyon, today as we speak, 950 milyon na ang bayarin sa basura.
08:55Almost 400 milyon na hindi rin biniyaran ang Metro Waste at Fileco.
09:04Pero Lionel din ang pinakiusapan ni Mayor Isco na magbalik hakot ng basura kahit wala pa silang bagong kontrata.
09:13Tumalima naman ang Lionel at nangulekta ng libre simula kaninang alas dos ng hapon.
09:17Nung mabalitaan ng mga taga Esquinita Madrid extension na naandito na yung maghahakot ng basura,
09:24naglabasan sila kuya na ipunan na po kayo ng basura.
09:27Oo, napunan na, ipunan na.
09:29E ngayon, kinukuha na ngayon.
09:31Sa loob ng Manila North Cemetery, pinakamalinaw ang banta ng basura sa kalusugan.
09:48Kahit maliit ang komunidad dito, aabot daw talaga ng ganyan ang basura kung walang nangungulekta.
09:54Misan-misan ito, may banta na po ang DPS, kaya lang pili lang yung mga kinukunang lugar.
10:00Sa kanyang press conference, tinanong si Mayor Isco kung pananagutin niya ba ang pinalitang mayor sa problemang ito sa basura.
10:07We will dedicate our time, 2% of it, going after to those who are liable, administratively and criminally.
10:1990% of our time, we will dedicate it to the people of Manila by serving them.
10:28May hindi nabayaran.
10:29When you acquire services and products at hindi mo binayaran, ang tawag dyan is tapa.
10:34Sinusubok pa namin kunin ang panig ni dating Mayor Hany Lacuna.
10:38Para sa GME Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
10:44Makakapuso, maging alerto dahil posibling magtuloy-tuloy ang mga pagulan sa halos buong linggo.
10:54May low pressure area ngayon sa labdang Philippine Area of Responsibility.
10:58Huli ang namataan 920 kilometers silangan ng Central Zone.
11:02Ayon sa pag-asa, may medium na tsansa itong maging bagyo sa labdang susunod na 24 oras.
11:07Nakaka-apekto ang truck o yung extension ng LPA sa ilang bahagi ng bansa kasabay ng patuloy na pag-iral ng habagat.
11:15Base sa datos ng Metro Weather, makararanas ng pagulan ang halos buong luson, pati ang malaking bahagi ng Visayas at Mindanao lalo na sa hapon.
11:22May heavy to intense rains na posibling magpapaka o magdulot ng landslide.
11:27Sa three-day outlook ng pag-asa, magpapatuloy ang makulimlim na panahon at mataas na tsansa ng ulan sa Metro Manila hanggang Weves.
11:33Sa Baguio City, maaliwalas bukas at sa Merkules, maliban sa localized thunderstorms.
11:38Sa Webes, posibling tumasang tsansa ng ulan.
11:41Pwede rin ulanin ang Metro Cebu sa mga susunod na araw habang may posibling thunderstorms naman sa Metro Davao.
11:48Bukod sa LPA sa silangan ngayon ng Luzon, may iba pang sama ng panahon na posibling mabuo sa paligid na Pilipinas.
11:54Ang isa ay sa hilagang silangan ngayong linggo.
11:56Sa silangan naman sa susunod na linggo at posibli ang pumasok sa para.
12:00Antabayanan ng updates dahil pwede pang magkaroon ng pagbabago sa mga susunod na araw.
12:07Mas maraming Pilipino ang nagsabing pabor sila na muling sumali ang Pilipinas sa International Criminal Court o ICC
12:16matapos itong pumalas noong 2019 batay sa resulta ng survey ng Okta Research.
12:22Sa kanilang tugon ng masa survey, 57% ang nagsabing pabor silang bumalik ang Pilipinas bilang miyembro ng ICC,
12:3237% tutol at 6% ang undecided.
12:37Ayon sa Okta Research, non-commissioned ang survey na ginawa mula April 20 hanggang 24
12:43at may 1,200 na Pilipinong edad, 18 pataas na respondents.
12:49Pero niyang plus-minus 3% na error margin at 95% na confidence level.
12:56Wala pang komento kag-unay dyan ang Malacanang?
12:59Esta secto mga kapuso, dahil mapapunod na mamaya ang mga bagong sangre na lumalaban sa digmaang dulot ng pagsakop ni Kere Medena sa Encantaria.
13:14Challenging pero worth it ang shoot mula Encha na hanggang fight scenes para kay Isabel Ortega na gumanap na Hara Armea.
13:21May chika si Aubrey Carampel.
13:23Nagsimula na ang pananakop ni Kera Medena sa Encantaria.
13:30Kasama ang kanyang Miniave Army, nilusog nila ang mga karian.
13:35Unang pinaslang ni Medena si Hara Cassandra ng Lireyo.
13:39Hindi mapapasayo ang Lireyo.
13:43Salingan kakamali.
13:45Sapagkat ang iyong pagkasawi ay simula pa lang ng aking mga balak upang makuha ang buong Encantaria.
13:58Nasawi na rin si Namira at Lira sa kamay ni Nazaur at Daron.
14:03At ang mash na ng Sapiro na si Muros.
14:05Si Sangre Alena na bihag na rin ni Mitena.
14:09Hanggang sa mundo ng mga tao.
14:11Si Teo napatay naman ni Olgana at di kinayang sagipin ng brilyante ni Sangre Danaya.
14:20Si Sangre Perena puno rin ng pagihinagbis dahil sa pagkawala ng mga mahal sa buhay.
14:26Hahanapin ko ang pumaslang sa aking anak at hadiya.
14:30Pagbabayarin ko sila!
14:32Ang sunod-sunod na Tanakresna o mga kamalasan, bahagi ng propesya ni Bat Halumang Kasyopeya.
14:40Pero bago yan, ipinakilala ang bagong hara ng Sapiro, si Armeya, ang anak ni Naalena at Ibaro na ginagampanan ni Isabel Ortega.
14:50Sabi ni Isabel, isang karangalan daw ang mapabilang sa mahiwagang mundo ng Encantaria.
14:56Nasusubaybayan ko na yung Encantaria.
14:57So just to be a part of this series is already such an honor.
15:02And ngayon na may special role ako dito, just makes me so happy.
15:07Pero pag-amin ni Isabel, nanibago raw siya dahil sa malalalim na salita at sa sariling alpabeto ng Encantaria na Enchan.
15:17Sobrang kompleks pala, Miss Aubrey, ng mundo.
15:19Like it's literally an alternate universe to the point na first day ko, as in like may mga times na I still forget yung mga nuances.
15:28May isa akong eksena na sabi ko, tulungan mo ako, please.
15:32So syempre nag-cut kami.
15:33Sabi ni Isabel, walang please sa Encantaria.
15:37Very challenging and rewarding at the same time daw ang pagganap niya as Armeya.
15:43Napasabak din siya sa fight scenes.
15:45More on refresher na lang sa sword fighting kasi sword po yung weapon ko dito sa sangre.
15:52So of course training din for the scenes that we have.
15:55So nagtitraining talaga kami a day before shooting para talagang mamaster na yung mga fight scenes na gagawin namin for the show.
16:04Mamayang gabi, magsisimula na ang digmaan.
16:07Para sa Encantaria! Para sa Encantaria!
16:10Sa sabak na rin sa pakikipaglaban ang mga bagong sangre.
16:17Ang matinding labanan, abangan mamaya sa Encantaria Chronicles Sangre pagkatapos ng 24 oras.
16:24Aubrey Carampel, updated showbiz happenings.
16:28Huli kam ang sunod-sunod na pagsemplang ng apat na motorsiklo sa Davao City.
16:34Sa kuha ng CCTV, magkakasunod na binabaybay ng 6 na motorsiklo ang kalsada sa bahagi ng Tugbok District kahapon.
16:42Nang umabot sa bahagi ng patawid na pedicab, iniwasan nito ng isang rider at doon na tila naging domino ang pagsemplang niya at mga kasunod na motorsiklo.
16:52Sumadsad ng ilang metro sa kalsada ang mga rider na kailan para magtamu sila ng mga gasgas sa ilang bahagi ng katawan.
16:58Kwento ng kagawad na may sakop sa lugar, magkakasama ang 6 na rider.
17:03Wala rin anyang ibang nadamay sa insidente.
17:04Pinagtibay ng Comelec N-Bank ang deklarasyong si Bienvenido Abante Jr. ang maupong representative ng Manila 6 District.
17:15Sa isang resolusyon, ibinasura ng Comelec N-Bank ang motion for reconsideration ni Luis Joey Chuaoy
17:22laban sa unang desisyon ng Comelec 2nd Division na ipawalang visa ang kanyang Certificate of Candidacy.
17:29Ayon sa N-Bank, hindi natural-born Filipino kundi naturalized Filipino citizen si Uoy kaya hindi siya kwalipikadong tumakbo.
17:39At dahil dito, si Abante na ikalawang nakakuha ng pinakamaraming boto ang maupo.
17:45Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, pwede pang humiling si Uoy ng temporary restraining order mula sa Korte Suprema.
17:52Dumulog na sa Korte Suprema ang kampo ni Uoy sa paniwalang natural-born Filipino siya.
17:59Kanina ay hindi naa niya tinanggap ang ihahain niyang panukala sa kamera dahil wala na umano sa listahan nito ng miyembro.
18:07Pero giit niya, naiproklama na siya at nakapanumpa na.
18:11Bukod sa bigas, iniutos na rin ni Pangulong Bongbong Marcos sa National Food Authority
18:18ang pagbili ng mais na posibleng simulan sa susunod na taon.
18:23Pero ayon sa isang grupo, eh hindi pa rin sapat ang dami ng binibili ng NFA
18:28na kinagamit lang tuwing may emergency.
18:31Nakatutok si Darlene Kai.
18:33Tanong ng mga magsasaka kay Pangulong Bongbong Marcos nang dumalaw siya sa Munoz, Nueva Ecija.
18:41Paano matutugunan ng pamahalaan ang mababang presyo ng pagbili sa ating mga produkto na agrikultura
18:51at mapababa ang gastos sa mga inputs ng pagsasaka?
18:58Sagot ng Pangulo, iniutos niya na rin ang pagbili ng National Food Authority
19:02ng mais mula sa mga magsasaka bukod pa sa palay.
19:05Rice and corn talaga yung NFA.
19:07Ang presyo na yan ay kailangan maganda ang hanap buhay ng ating mga farmer.
19:13Lahat ng mga inputs, lahat ng pati sa buying price,
19:17lahat yan ay pag-tipiyaki namin na sapat para naman yung ating mga farmer
19:23ay may hanap buhay naman at mapakain ng kanilang mga pamilya, mapag-aral ng kanilang mga anak.
19:30Ibig sabihin, hindi ang niya bibilhin ang mais at palay sa presyong ikalulugin ng mga magsasaka
19:35kahit pa magbura ito sa mga pamilihan.
19:38Hindi magbabago ang buying price ng palay ng NFA.
19:42Hindi namin ibababa ang buying price.
19:44Hindi lang naman sa ang support na ibibigay natin,
19:47hindi lamang dun sa palay buying, kung hindi, sa iba't-ibang inputs.
19:52Kasama sa mandato ng NFA ang pagbili ng palay mula sa mga magsasaka
19:56para may buffer stock ang pamahalaan na maaaring gamitin sa emergency situations
20:01kabilang ang food emergencies kung ideklara ito.
20:04Ang pag-asa ay maisama na rin ang mais sa mandatong yan.
20:07Sa ngayon, mas mahal ang bilhin ng NFA sa palay kumpara sa umiiral na farm gate price
20:13na ayon sa Philippine Statistics Authority ay pababa mula Enero
20:17at mas mababa rin kumpara sa parehong panahon noong 2024.
20:20Kung mais ang pag-uusapan naman,
20:24mas mahal ang farm gate price itong unang bahagi ng taon
20:26kumpara sa huling quarter ng 2024.
20:29Pero tingin ng Sinag o sa mga industriya na agrikultura,
20:32hindi sapat ang dami ng binibili ng NFA na buffer lang kung may emergency.
20:36Hindi makakatulong to support our farmers yung binibili ng NFA dahil wala pang 2%.
20:46Ibig sabihin, yung 98% ng harvest or this cropping season up to December,
20:54hindi makakatulong yung NFA.
20:56So kung isa sa ano pa yung corn, tapos ang budget e ganun pa rin, wala rin puwenda.
21:03Dapat daw dagdagan ang pondo ng NFA para makabili sila sa mas maraming magsasaka.
21:08Sa akin, mas maganda directly kung bumili ang farmer.
21:13Kung nagbenta ang farmers ng 10 pesos,
21:17for example, magbigay na lang ng incentive na 5 piso.
21:20Kaysa yung NFA is buying at 24 pesos,
21:24pero limited na tao lang ang pabibigyan.
21:27Sabi naman ng NFA, posibleng sa susunod na taon pa simulan ng pilot implementation
21:31ang pagbili rin nila ng mais na ikakasamuna sa mga piling lugar.
21:36Mula sa Nueva Ecija para sa GMA Integrated News,
21:39Darlene Cai, nakatutok 24 oras.
21:46Literal na na-fall ang isang fan sa gitna ng performance ni Sparkle Star Paul Sala sa Palawan.
21:51Wala siyang kaalam-alam na ang kinuha niyang silya ang uupuan pala ng isang fan.
21:57Ang special message niya rito sa chika ni Aubrey Carampel.
22:01Masayang sinalubong ng isang fan si Sparkle Star Paul Sala sa gitna ng kanyang performance
22:10sa isang event sa Brooks Point, Palawan.
22:13Pagkatapos magpa-picture, bumalik ang fan sa upuan.
22:17Pero bigla na lang siyang natumba.
22:20Dahil ang upuan, kinuha pala ni Paul.
22:24Tuloy naman sa pagpe-perform si Paul na tinuntungan pa ang monoblock
22:28at tila walang kaalam-alam sa nangyari.
22:31Viral ngayon ang performance na yan online.
22:34Paliwanag ni Paul, madalas niyang gawin ang act kapag nagpe-perform.
22:38Alam na mga napuntahan ko ng provinces yan
22:41at lumalapit ako sa tao tapos umaangat ako sa monoblock
22:44para nagbibigay kasi ako eh ng jacket ko, ng mga necklace na suot ko.
22:49Nagulat na lang daw siya nang may nagtag na sa kanya sa mga videos
22:52na bigla na lang daw nag-viral.
22:54Hindi ko alam na upuan niya yun kasi nga tumayo siya.
22:57Eh naka ano pa ako nun, naka ear monitors.
22:59So wala talaga ako naramdaman anything.
23:02Nakausap namin ang babae sa viral video na si Katrina Lopez.
23:06At ang nangyari, ipinost niya pa sa kanyang Facebook page
23:09na Kaibig Mini Vlogs.
23:11Unexpected na pangyayari po yun.
23:13Ay nanuko na lang po na maging positive ang lahat po nun no
23:17na salamat din kay Sir Paul kasi napasaya niya po siyempre kami.
23:22Kaya pakiusap niya at ni Paul, itigil na ang negative comments.
23:27Una-una mo daw, sorry, sorry, sorry.
23:29Hindi ko napansin talaga.
23:31Kaya mga kapuso at nakotigil na yung pangbabash din sa aming dalawa.
23:35Good vibes na lang.
23:36At for sure ma'am, sana eh napasaya naman at makabalik naman ako dyan
23:40para makabawi naman ako sa kyo.
23:42Lesson learned daw ang once in a lifetime moment para kay Paul
23:45na kinatawaan pang binansaga ng ilang netizen na si Pafol Salas.
23:52Pagtatala ko na upuan the next show para wala ng casualties,
23:56wala ng maapektuhan.
23:58Aubrey Carampel, updated showbiz happenings.
24:0223 anyos na lalaking angkas ng motor na nanghablot ng cellphone
24:06na aresto sa tulong ng truck ng bumbero.
24:08Kung paano, alamin sa pagtutok ni Bea Pinlak.
24:15Tinatahak ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection
24:18ng Tayuman Street sa barangay 353, Santa Cruz, Maynila
24:22nang makita nilang dalawang lalaking ito na sakay ng motorsiklo.
24:26Ang angkas ng motor, biglang hinablot ang cellphone
24:29ng isang pasahero ng tricycle na nasa tabing kalsada.
24:32Hinabol po nung biktima yung nanghablot po ng cellphone niya.
24:38Nahilan niya po yung likod niya.
24:40Bigla pong nalaglag po yung taot sa, yung humablot po.
24:46Na-autobalance po kasi siya, nahablot po siya nung, ano po, nung biktima.
24:51Ayon sa pulisya, nakatulong ang BFP sa pagkaka-aresto sa lalaking ng hablot ng cellphone.
24:57Nung time na po na nahablot na po nung suspect yung cellphone po nung biktima natin,
25:03papadaan din po yung fire truck ng BFP natin.
25:06So ang nangyari po, hinarang nila yung motor na sinasakyan po nung suspect natin.
25:12Nasugatan pa ang suspect nang sumabit daw ito sa fire truck habang tumatakbo.
25:17Ang kasabot niyang nagmamaneho ng motor, nakatakas.
25:20May sumigaw po kasi na may snatcher, may snatcher.
25:24Kasalukuyan pong nandun po yung pulis natin na nagpa-patrolya,
25:27agad pong na-respond yan yung tao pong nangailangan ng tulong.
25:30Agad na-aresto ang 23-anyos na suspect na tumangay sa cellphone.
25:34Ayon sa pulisya, humigit kumulang 10,000 piso ang tinatayang halaga nito.
25:40Aminado ang aristadong suspect sa pagnanakaw.
25:44Nagkakawalan po yun kasi sa herap ng buhay.
25:47Kapos po sa pera, first time lang po yun.
25:49Dati na raw siyang nakulong dahil naman sa illegal possession of firearms.
25:53Reklamong robbery ang isinampalaban sa suspect na nakakulong sa Santa Cruz Police Station.
25:59Patuloy na tinutugis ang kasabot niya.
26:01Para sa GMA Integrated News, Bea Pinlock nakatutok 24 oras.
26:06Mabilis na chikayan tayo para updated sa Sherby's Happenings.
26:15Malam may husband's lover ang kinaaliwang post ni Joros Gamboa sa kanyang IG.
26:20Ang magka-holding hands na mag-asawang Jeneline Mercado at Dennis Trillo,
26:24abay, may third wheel.
26:26Kuha yan si Milan Italy kung saan kinunaan ang ilang eksena para sa GMA Prime Series na sanggang dikit for real.
26:32Meanwhile, Ikit and Matthew spotted na very, very sweet sa kanilang beach photos.
26:41Ibinahagi ni Herlene Budol ang photo nila ni Kevin Dasom matapos ang finale ng kanilang JMA Up to the Moon Prime Series na binibining marikit.
26:49Gaya ng caption ni Herlene,
26:50Hit it ang fans, bakit hindi tatuhanin?
26:52The stars aligned and the dance floor sizzled sa world premiere ng Stars on the Floor nitong weekend.
27:02Intense ang performance ng bawat duo,
27:04pero ang umangat,
27:06si Natay Ashley at J.M. Reverre na itinanghal bilang top dance star duo.
27:11At yan ang mga buhay naman akong chika this Monday night.
27:18Abangan bukas ang ulat tungkol sa 75th anniversary celebration ng GMA Network.
27:23Ako po si Ia Arellano, Ms. Mel, Ms. Vicky, Emil.
27:27Thank you, Ia.
27:28Salamat, Ia.
27:29Thanks, Ia.
27:30Bago po kami tuloy ang magtapos na kunais po namin magpasalamat sa Box Office Entertainment Awards 2025 sa inyong pagkinala sa 24 oras bilang popular TV program sa news and public affairs category.
27:45Umaasa po, umaasa po kayo na tuloy-tuloy ang aming paglilingkod sa bayan sa pamagitan ng paghatid ng pinakamalaki at pinakakomprehensibong mga balita.
27:58Maraming salamat po.
27:59Thank you po.
28:00At yan ang mga balita ngayong lunes.
28:02Ako po si Mel Tianco.
28:03Ako naman po si Vicky Morales para sa mas malaking misyon.
28:06Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
28:08Ako po si Emil Sumangio.
28:10Mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.
28:14Nakatuto kami 24 oras.

Recommended