Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/11/2025
24 Oras: (Part 3) Isang taong state of calamity, idineklara ni PBBM sa Eastern Visayas dahil sa epekto ng gagawing pagsasaayos sa San Juanico Bridge; utos ng Senado na ibalik ang articles of impeachment, magulo ayon sa prosekusyon kaya 'di muna tinanggap; mga gaganap na tagapangalaga ng mga brilyante sa "Sang'gre", ibinahagi ang vulnerable side, atbp.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Idineklara ni Pangulong Bongbong Marcos ang isang taong State of Calamity sa Eastern Visayas
00:05dahil po sa efekto ng gagawing pagsasayo sa San Juanico Bridge.
00:09Sa susunod na linggo nasi simula ng retrofitting pero ngayon pa lamang,
00:13hirap na ang ilang truck na hindi muna pinaparaan sa tulay.
00:17Nakatutok si Mariz Umali.
00:21Ang napakahabang pila ng mga truck na ito papasok sa Mandayahan Port,
00:26sa Basay Samar para makasakay sa Roro Vessel,
00:28ang sumalubong kay Pangulong Bongbong Marcos sa pagbisita niya sa Pantalan kanina.
00:33Karamihan daw sa kanila, tatlo hanggang apat na araw nang naghihintay ng masasakyang Roro.
00:38Malaking abala po ito, hindi lang po sa amin.
00:40Pati yung mga itong mga produkto ng mga binatid ng mga galing mindan.
00:44Pati yung galing takloban papuntang Samar, inaabot din ng siyam-syam bago makatawid.
00:49Mga pura rin na truck pa doon sa kabila.
00:53Nulugay po sa biyahe. Dapat sa gabi may biyahe.
00:55Matapos makausap ang mga truck driver, tinignan din ang Pangulo ang kalagayan ng itinatayong landing area sa Pantalan
01:02na pwede raw paradahan ng dagdag ng mga Roro Vessel na magsasakay ng mas maraming mga truck.
01:07Siyempre naririnig namin lahat ng mga problema na nangyari dito sa pagsara o sa paglimit ng traffic dito sa San Juanico Bridge.
01:16Itong rampang ito, dodoblihin natin, lalagay pa tayo doon ng isa pa para double, mga 500 trucks a day.
01:24Tapos mag-ampisa na tayo ng night navigation.
01:27Ang Amandayahan Port ang nagsisilbing ngayong alternatibong ruta para sa malalaking truck na hindi muna pinapayagang makadaan sa San Juanico Bridge.
01:35Matapos ipatupad ng DPWH ang partial closure habang nirehabilitate ang tulay, kasunod ng pagkakadiskubre ng seryosong pinsala rito.
01:43Pero ito yung ilalim, kalawang na lahat. Hindi namin akalain na ganito kasama.
01:49Sentro ng komersyo rito sa Eastern Visayas ang Takloban kaya malaking dagok daw sa kanila ekonomiya ang partial closure ng 53 taon ng San Juanico Bridge na yan.
02:00Na siya nagdurugtong sa late at summer. Kaya pangako ng mga kinauukulan, mamadaliin nila ang pagkukumpuni rito.
02:08Sa susunod na linggo na raw, sisimula ng retrofitting sa tulay.
02:11It will be a gradual process. Depends on the traffic. But ano, kaya-kaya in one year?
02:19Kaya Mr. President.
02:21Habang isinasagawa ito, isinailalim ni Pangulong Bombong Marcos sa isang taong State of Calamity, ang Eastern Visayas na efektibo mula June 5.
02:29Bago nito, ay nagtungo rin si Pangulong Marcos sa Siquijor, anim na araw matapos maindeklara ng Siquijor Provincial Government na under State of Calamity ang buong probinsya dahil naman sa energy crisis.
02:39Nagsunod-sunod due to may mga request na ipamove muna yung mga maintenance, election, mga pesta. So nagsunod-sunod. Apat na yung tatlo na yung nag-maintenance, may nag-fail pa.
02:54Bilang agarang solusyon, ayon sa Pangulo, isang generator ang ipinadala galing sa Palawan na pwedeng mag-supply ng 2 megawatts.
03:01Kaya inaasahan na mag-nonormalize na ang supply ng kuryente sa lalawigan sa katapusan ng linggong ito o sa susunod na linggo.
03:08Mula rito sa Takloban, Leyte para sa GMA Integrated News, Mariz Umali Nakatutok, 24 Oras.
03:14Mga Kapuso sa Linggo, ipagdiriwang natin ang araw ng mga magigiting, masisipag at mapagmahal na ama.
03:25Kaya para sa Father's Day, may maagang regalo ang GMA Kapuso Foundation sa mga tatay sa Don Salvador Benedicto sa Negros Occidental.
03:35Pagtatanim ng pinya, ang isa sa mga pinagkakakita ni Jasper na taga Don Salvador Benedicto, Negros Occidental.
03:49Dahil maliit lang ang taniman, hanggang 7,000 piso lang ang kanyang kita kada taon.
03:56May panahon ding hindi singtamis ng pinya ang kanyang kita.
04:00Kaya si Jasper, nag-aalaga rin ng baboy para mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak.
04:08May lima po akong anak at ang tatlo po dito ay nakapagtapos na.
04:12Sa ngayon, mayroon pa akong dalawang anak na pinagsisikapan na makapagtapos sa kanilang pag-aaral.
04:19Saludo ang GMA Kapuso Foundation sa kasipagan at katatagan ng mga amang tulad ni Jasper.
04:27Kaya ngayong darating na Father's Day at bilang pakikiisa rin sa Prostate Cancer Awareness Month,
04:35nagsagawa tayo ng libreng prostate-specific antigen test, urinalysis at consultation sa isang daang kalalakihan sa Don Salvador Benedicto.
04:47Katuwang din natin dyan ang The Doctors' Hospital Incorporated.
04:51Males 40 years old and above should have their prostate screens for early detection so that the survival of prostate cancer patients are improved.
05:03This screening should be done yearly.
05:08Nagbigay din tayo ng pagkain at hygiene kits.
05:10Nagpapasalamat po ako sa GMA Kapuso Foundation sa programang Prostate Cancer Awareness.
05:18Dahil dito, kaming mga tatay nakapagpa-check-up ng libre.
05:23Sa mga nais makiisang sa aming mga projects, maaari po kayo magdeposito sa aming mga bank account
05:29o magpadala sa Semua na Luulier.
05:32Pwede ring online via GCash, Shopee, Lazada at Globe Rewards.
05:35Nagugulo ka naman ang prosekusyon ng Kamara sa utos ng Senado sa baygit na labag sa konstitusyon ang pagbabalik pa sa kanila ng Articles of Impeachment.
05:47Kinwestiyon din nila ang utos ng Senado na humingi ng resolusyon mula sa 20th Congress na hindi pa nagsisimula ang termino.
05:55Nakatutok si Jonathan Andal.
05:56Hindi muna tatanggapin ang House Prosecution Panel ang ibabalik ng Senado na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
06:08I would defer receiving the articles of impeachment from the Senate, including whatever orders they will be transmitting to us.
06:21This is not disobedience. Definitely, ang gusto lang po natin mangyari is to seek guidance.
06:31Naguguluhan kasi ang House Prosecution Panel sa utos ng impeachment court.
06:35Dalawa ang gusto ng impeachment court mula sa Kamara.
06:37Una, maglabas ng certification na nagsasabing walang nilabag sa saligang batas ang kanilang impeachment complaint, lalo na ang one-year bar rule.
06:46About the certification, we maintain our position. Sumunod po kami fully and strictly to the requirements of the Constitution.
07:00We did not violate the one-year prohibition rule.
07:06Pangalawa, linawin ng papasok na Kamara ng 20th Congress kung interesado pa itong ituloy ang impeachment complaint.
07:14It is impossible to be complied with because first of all, 20th Congress doesn't exist yet.
07:27Tayo po ay nasa ikalabing siyam na kongreso pa lamang.
07:33Dahil dyan, tingin ng ilang House Prosecutors sinasadya ng Senado na i-delay ang impeachment proceedings.
07:39So if it's impossible to comply with such an order, how can we move forward?
07:45Kaya sinasabi namin na parang dapat it should be baliwala lang yung order na yun kasi it's impossible to do as of the time.
07:54Naguguluhan pa rin kami at hindi namin maintindihan kung bakit ibabalik po ito sa amin. Ano po ang gagawin namin.
08:04Sabi ng mga prosecutor, magpapadala sila ng mosyon sa Senado para sa clarification.
08:09Once the response has been received, then again we will decide po.
08:15Naniniwala naman si House Prosecutor Manila Rep. Joel Chua na labag sa konstitusyon ng pagbalik ng Senado ng Articles of Impeachment sa Kamara.
08:23Kinwestiyon din niya ang mga senator-judge na tila raw nag-aabugado para sa BSE.
08:28Wala naman po sa mandato ng mga senador ang mag-file at mag-desisyon sa ganitong klaseng mga motion.
08:37In fact, ito po ay gawain dapat ng defense. Parang lumalabas po dito sila na rin ang nag-aabugado sa ating vice-presidente.
08:47Sina-incoming representatives Leila Delima at Shell Jokno na inaasahang magiging miyembro rin ng prosekusyon, kinundina ang desisyon ng impeachment court.
08:55Harap-harapan na tayong niloloko.
08:58Kakaibang korte ito. Korte ng kababalaghan.
09:02Ang pagre-remand ng Senado ng Articles of Impeachment sa House of Representatives ay isang pag-aabando na ng ating saligang batas.
09:12Karinang umaga, nagdaos ng prayer service sa Batasan Pambansa.
09:16Bit-bit ng prosekusyon at tila offering ang kopya ng Articles of Impeachment at binasbasan.
09:22Kanina nagpunta sa Kamara ang Senate Sergeant at Arms na si Roberto Ancan.
09:25Naghintay siya sa labas ng Office of the House Secretary General pero tumanggi siyang sabihin kung ano ang kanyang pakay.
09:31Sa ngayon, hindi raw muna pupunta ng Senado ang House Prosecution Panel.
09:35Wala rin daw direktiba sa kanila, si Speaker Martin Romualdez tungkol sa utos ng impeachment court.
09:40Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal nakatutok, 24 oras.
09:50Magandang gabi mga kapuso.
09:52Ako po ang inyong Kuya Kim na magbibigay sa inyo ng trivia sa likod ng mga trending na balita.
09:56Sa kagayan, isang kakaibang stingray o pagi ang aksidente na huli ng mga manging isda.
10:01Anong pagi kaya ito?
10:02Si Victor hindi daw i-vlog ang mga yamang dagat na nauhuli sa kanilang bayan sa Kalayan, Cagayan.
10:13Isa raw sa palagi niya nakikita rito, mga pagi.
10:15Pero ang pagi ito, first time niyang nakainkwentro.
10:19At ang kakaibang raw sa pagi ito.
10:24Mostly cool like the day yung water. May batik siyang ito.
10:28Dito niya napagtanto ng nahuli ng mga manging isda isa pa ng Round Ribbon Tail Rail.
10:33Ang Tenuri Mayeni o Round Ribbon Tail Rail.
10:36Kilala din sa tawag na Black Spotted Rail.
10:38Ang katawan nito ay may mga batik-batik na kulay gray.
10:41Pwedeng blackish or brown sa dorsal part.
10:44Kulay puti naman sa ventral side dito.
10:47Ito ay maaaring humaba ng 3.3 meters.
10:50O kaya lumapad ng around 1.8 meters.
10:53And yung pinakabalalaki dito, tumitimbang ng 150 kilograms.
10:57Ayon sa IUCN, o International Union for Conservation of Nature,
11:00ang mga Round Ribbon Tail Rail, vulnerable o nangangalib ng maubos.
11:03Talagang declining ang population niya.
11:05Kaya lang dito sa atin sa Pilipinas, hindi pa po siya doon nakasama sa Philippine Red List natin.
11:11We work out pa natin ito na maisama, considering nga po na pababa ng pababa na ang kanyang populasyon.
11:17Paglilino naman ni Victor, ang Round Ribbon Tail Rail na kanyang nabidyohan.
11:22Bycatch daw, oksidente lang na nahuli ng mga manging isda.
11:24Yung fishing boat is long line fishing sila.
11:27Ang hinuhuri talaga nila is mga isda.
11:29Pero kasi itong mga pagi, ano yung intentional silang nauhuli doon sa long line fishing.
11:35Hindi na binali kasi patay na siya eh.
11:36For consumption na siya.
11:38Pero may paalala mga eksperto sa pagkain ng pagi nito.
11:41Technically, mwede siyang kainin.
11:43Ngunit ito ay nagbabayo accumulate ng mga heavy metals at ipapang marine toxins.
11:48Maaring mag-develop ng strong ammonia odor na hindi kaaya-aya o kaya delikado pag kumain ng sobra.
11:55E alam niyo ba kung gaano kalaki at kung saan nahuli ang isa sa pinakabalaking pagi sa buong mundo?
12:00Noong 2022, nahuli sa Mekong River sa Cambodia ang isang babaeng Eurogymnus polylepis o Giant Freshwater Stigray.
12:15Sabigat itong nasa tinatayang 300 kilos at habang 3.98 meters.
12:20Hindi lang daw itong isa sa pinakabalaking pagi, kundi isa na rin marahil sa pinakabalaking freshwater fish specimen na napag-aralan ng mga eksperto.
12:29Sabantala, para malaman ng trivia sa likod ng viral na balita, ipost o i-comment lang,
12:33Hashtag Kuya Kim, ano na?
12:35Laging tandaan, kimportante ang may alam.
12:38Ako po si Kuya Kim, at sagot ko kayo 24 horas.
12:42Hindi tinanggap ng GMA Network ang alok na bayad sa utang ng Television and Production Exponents o Tape Incorporated
12:51sa nangyaring mediation para sa kasong estafa laban sa tape.
12:55P37.9 million pesos ang sinisingil ng GMA Network sa mga may-ari ng Tape Incorporated
13:03para sa airtime fees na hindi ni-remit ng tape sa GMA.
13:08Pero kulang ang handang ibayad ng tape sa ngayon dahil tapos na ang pagkakataon para magkasundo.
13:15Muling iraraffle ang kaso sa isa pang piskal na siyang magsasagawa ng preliminary investigation.
13:22Mga kapuso, humanda ng manginig sa lamig at takot dahil paparating na ang isa sa pinakamatitinding makakalaban ng mga bagong sangre.
13:37Handa na kaya siyang kaharapin ng new generation sangre na naging emosyonal sa kanilang pagsalang sa GMA Integrated News Interviews.
13:46Kung paanong binago ng Encantadia Chronicle Sangre ang kanilang mga buhay, itchichikan ni Nelson Canlas.
13:56Mga sangre, esta sa'yo.
14:00Nag-avisala sa GMA Integrated News Interviews ang apat na bagong tagapangalaga ng brilyante sa inaabangang Encantadia Chronicle Sangre.
14:15Si Bianca Umali nagaganap bilang terra ang tagapangalaga ng brilyante ng lupa.
14:21Si Faith Na Silva bilang clamara na ang kapangyarihan ay galing sa brilyante ng apoy.
14:26Si Kelvin Miranda bilang Adamus ang prinsipeng magiging alipin at nangangalaga sa brilyante ng tubig.
14:35At si Angel Guardian nagaganap bilang deya ang taga-miniabe na may hawak ng brilyante ng hangin.
14:42Fierce at walang inuurungan.
14:45Pero kung gaano sila katapang sa serye, ipinakita nila ang kanilang vulnerable side sa aming interview.
14:51October 2023 ang unang interview ng apat para i-announce ang kanilang partisipasyon sa mega-series.
14:59Hindi raw nila inasahan kung gaano katindi ang kanilang kailangang ibigay para ma-meet ang demands ng kanilang karakter.
15:06Pero dahil sa Encantadia Chronicle Sangre, something shifted sa kanilang mga pagkatao.
15:13Tulad ni Kelvin na hindi na halos makilala ang sarili sa laki raw ng ipinagbago niya.
15:18Nung nag-dub kami ng ilang scenes na kailangan i-dub, grabe na narinig ko yung boses ko iba.
15:27Nakita ko yung the way ako kumilos, magbigay ng emosyon sa eksena.
15:32Sabi ko, wala, ibang-iba talaga.
15:35So parang nabataan ako sa sarili ko dun.
15:37Ang gusto ko sabihin sa kanya,
15:39Maraming salamat dahil ipinagpatuloy mo yung paniniwala mo sa sarili mo.
15:45Kasi kung hindi, malamang wala ka sa kinuupo, ano kinalalagyan mo ngayon.
15:51And salamat sa tiwala.
15:57Nagpapasalamat naman si Angel na hindi siya sumuko.
16:01Hindi raw kasi niya maipaliwanag dati kung bakit niya kailangan mag-artista.
16:05Pero dumating daw ang Running Man Philippines na naging paghahanda pala para gampanan niya ang itinuturing niyang pinakamalaking role na ginampanan niya.
16:16At sagot kung bakit siya inilagay sa industriya.
16:19Gaya ng sabi mo, you see na, we all mature.
16:24And may papasalamat ako kasi yun yung nabit-bit ko from Encantadia.
16:30All the learnings, the wisdom, mas lalo kong minahal yung craft ko.
16:34Kasi even that time, hindi ko pa rin talaga alam kung anong ginagawa ko sa buhay ko.
16:39Kung bakit ako nandito.
16:41Hindi ko po talaga pinangarap ng sobra mag-artista.
16:44Ilang beses ko sinubukang umalis.
16:46Pero lagi akong hihila pabalik.
16:50And ito, sobrang laking, sobrang laking harang na neto.
16:54This is actually a sagot na to.
16:58Ito na yung sagot and hindi ko na kailangan mag-doubt.
17:01And kung may sasabihin ako sa sarili ko, two years ago,
17:06siguro na magtiwala ka sa sarili mo the way na nagtitiwala sa iyo yung mga tao.
17:11Isang pamilya na raw ang nabuo nila dahil sa serye.
17:14At para kay Faith, ito raw ang bumuo sa kanyang pagkatao.
17:19Tulad nila, may question mark din sa akin eh.
17:23Na bakit sa akin siya ibinigay?
17:27Such a big responsibility.
17:29Dahil natuto ako na to connect with other people.
17:33Probably from baggages ng past na natatakot.
17:42Lagi akong may fear na tatanggapin ba nila ako?
17:45Iba din pala yung tapang na ibinibigay ng pag-ask ng help from the people around you.
17:53And yung tulong na naibigay sa akin ng mga co-sangres ko,
17:59alam ko na hindi ko magagawa ng...
18:04Or yung journey na to, hindi siya magiging dikit na dikit sa kanila if I didn't ask help from them.
18:11At from fearless to facing her fears,
18:14Bianca gained maturity dahil sa mga pinagdaanan niya sa serye.
18:18The growth that I have attained is that I embraced fear.
18:28This time I embraced fear, I faced it.
18:32And I think this is where I'm coming from right now.
18:35Mas maganda pala ng may konti kang fear.
18:39Opo kuya eh.
18:39All my life, I did understand na marami akong kinakatakutan
18:44and that I had no choice but to be brave.
18:47Because I didn't have any fallback.
18:49I didn't have anyone to catch me when I fell.
18:53But then now, I understood the strength in that.
18:59I let myself fall.
19:01And then I brought myself back up.
19:04Pero strength for me,
19:06ang kaya kong harapin ng kahit na anong kinakatakutan ko
19:09dahil alam ko na yun ang lakas ko.
19:11Sa lunes, mapapanood na natin ang Encantadia Chronicles Sangre sa GMA Prime.
19:19Nelson Canlas updated sa Shubis Happenings.
19:23And that's my chica this Wednesday night.
19:28Sa ngala ni Ia Aralyano, ako po si Ara San Agustin.
19:31Ms. Mel, Sir Emil.
19:35Salamat sa iyo, Ara.
19:36Thanks, Ara.
19:37At yan ang mga balita ngayong Merkoles.
19:39Ako po si Mel Tiyanco para sa mas malaking mission.
19:43Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
19:45Ako po si Emil Subangio.
19:46Mula sa GMA Integrated News,
19:49ang News Authority ng Pilipino.
19:51Nakatuto kami 24 oran.

Recommended