Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/2/2025
Paramihan ng maaarestong drug suspect! ‘Yan ang unang direktiba sa pulisya ng bagong PNP chief na si Gen. Nicolas Torre III sa kampanya kontra-droga ng administrasyong Marcos. Nang matanong sa isyu ng paglabag sa karapatang pantao, ang sagot ni Torre: iba ang kaniyang gagawin.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Paramihan ng maarestong drug suspect.
00:03Yan po ang unang direktiba sa polisya ng bagong PNP chief na si General Nicolás Tore III
00:09sa kampanya kontra droga ng Administrasyong Marcos.
00:14Nang matanong sa issue ng paglabag sa karapatang pantao,
00:17ang sagot ni Tore, iba ang kanyang gagawin.
00:21Nakatutok si June Veneration.
00:25Sa pagpasa ng liderato mula kay General Romel Francisco Marbil,
00:30papunta kay General Nicolás Tore III na buo ang bagong kabanata sa kasaysayan ng PNP.
00:36Ang pag-upo ni Tore, ang kauna-unahang pagkakataon na isang graduate ng Philippine National Police Academy
00:42ang mamumuno sa 231,000 na mga polis, hindi tulad dati na puro mga taga-Philippine Military Academy.
00:50Hamong ko sa iyo, panatilihing mong malinis at marangal ang hanay ng ating mga kapulusan.
00:55Bilisan ang investigasyon sa mga kaso laban sa mga polis na lumabag sa batas.
01:00Kasama sa mga pangunahing tututukan ni Tore ang kampanya kontra droga.
01:04Ang direktiba ni Tore sa mga polis, paramihan ang maaresto.
01:08Kasama sa metrics natin ang number of arrests.
01:11Paramihan.
01:11Sige, paramihan.
01:13Those are the things that primarily will be the metrics of performance of individual policemen.
01:20Batatandaang nung investigasyon ng House Squad Committee tungkol sa gyera kontra droga ng Administrasyong Duterte.
01:26Ibinunyag ng ilang opisyal ng polis siya na may kailangan silang maabot na quota ng mga aarestuhin drug suspect.
01:33Kaya tanong kay Tore, baka mauwi na naman sa paglabag sa karapatang pantao kapag nagparamihan ang aresto?
01:39Ang sabi ni Tore, ibahin rao ang kanyang gagawin.
01:43Tandaan natin, yung mga tao na inaresto mo, hindi mo binaril, hindi mo pinatay. Buhay yan!
01:47Sabi ni PNP Chief Nicholas Tore III, meron naman mga opisina gaya ng Internal Affairs Service ng PNP
01:53na pwedeng lapitan ng mga naaresto kung sa tingin nila ay nalabag ang kanilang mga karapatan.
02:00Paramihan naman ang mapapanalong kaso ang sukatan ng performance ng mga abogado ng legal service.
02:05Bago maging PNP Chief, si Tore ang nagpatubad ng pag-aresto kay dating Pangulong Duterte
02:13para mapaharap sa International Criminal Court.
02:17Kaya tanong sa kanya kung nakahanda rin ba ang polis siya sakaling maglabas ng Warrant of Arrest ng ICC
02:22o International Criminal Court laban kay dating PNP Chief at Senador Bato de la Rosa
02:27na siyang unang nagpatubad ng Oplan Tukhang ng Administrasyong Duterte.
02:32We'll just cross the bridge when we're there. But obviously, we are also making contingencies.
02:39Patuloy naman ang makikipag-coordinate ng PNP sa Interpol bilang isa sa mga paraan para mapabalik sa bansa.
02:45Ang dating Duterte Presidential Spokesperson na si Attorney Harry Roque na nasa Netherlands.
02:52Dalawang kapo akusado ng ni Roque sa kasong Qualified Human Trafficking ang naaresto ng PNP CIDG.
02:57Abogado naman si Harry Roque. Harapin niya. Kasi ito yun na yung kaso na hindi mo na pwedeng dalhin sa kalsada o para ni Rally.
03:07Sa ilalim ng kanyang pamumuno, wala ro padri-padrino o kong probosyo ng pag-uusapan, sabi ni Torre.
03:13Ang career growth ng polis ay nakabase sa kanilang performance.
03:18Tulad na lamang ng pagsunod sa patakara ni Torre na three-minute response time ng mga polis sa mga pangunahing urban areas sa buong bansa.
03:25I would like to tell my people, give your best. Because kung hindi nyo kayang gawin, may papalit sa inyo na magsusubok din na gawin ang mission.
03:34So everybody should be in their toes.
03:36Para sa GMA Integrated News, June Venerasyon Nakatutok, 24 Horas.

Recommended