Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong Sabado, June 28, 2025:


Ilang bahay sa Brgy. San Jose, Navotas, binaha dahil sa bumigay na dike


6.1 magnitude na lindol sa dagat, nagpayanig sa ilang bahagi ng Mindanao; walang banta ng tsunami


52-anyos na lalaking nagpapakilalang doktor, arestado


Panloloob sa bahay kung saan natangay ang isang relo, nahulicam; kapitbahay na suspek, arestado


VP Duterte, iginiit na 'di niya kailangang iulat sa publiko ang personal trip niya sa Australia, taliwas sa tingin ng Malacañang


Bawas-presyo sa petrolyo, asahan sa susunod na linggo


Lalaki, sugatan matapos barilin ng riding-in-tandem; inaalam pa ang motibo


Mga suspek sa panloloko sa notaryo gamit ang pangalan ng retiradong abogado, arestado


6 na OFW na nagpa-repatriate mula Iran, nakauwi na; nakatanggap ng tulong mula sa gobyerno


"24 Oras Podcast", no. 1 sa news category at no. 2 across all categories sa Apple Podcasts PHL


Electrical worker sa Amerika, lumambitin patiwarik nang masalpok ng 18-wheeler ang tinatayuang boom truck


Driver, patay nang mahulog ang minamanehong cement mixer sa bangin; pahinante, sugatan


Mga miyembro ng LGBTQIA+ community, muling kinulayan ang Pride March 2025 SA QC; protesta rin laban sa patuloy na diskriminasyon


Giant pineapple na sintayog ng 2-story bldg., tampok sa bayan ng Pudtol, Apayao; gawa sa halos 3,000 pinya


Chika in a Minute: Post-birthday celeb ni Shaira Diaz | Librong "Chavit, The Legend of the Philippines," inilunsad | Jillian Ward x Jay Park dance collab


"Sensor-based" traffic lights, ipinalit ng MMDA sa mga traffic light na may timer


Mahigit 300 miyembro ng LGBTQIA+ community, tumanggap ng diploma suot ang mga damit na batay sa kanilang gender identity


Mga tambak ng basura sa Maynila na hindi pa nakokolekta, inireklamo ng mga residente


Ilang cast ng "Mga Batang Riles," ipinakilalang bagong cast ng "Maka"


24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit  http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Darlene?
00:30Pia Ivan, hanggang bukong-bukong pa yung baha dito sa kinatatayuan kong bahagi ng Celestino Street pero kanina umabot daw hanggang lagpas leeg yan.
00:38Talagang mabilis daw tumaas yung level ng tubig kanina na labis ikinagulat ng mga residente rito.
00:48Naghiyawan ang mga taga San Andres Street sa barangay San Jose Navotas nang biglang rumagasa ang tubig sa kanilang lugar.
00:56Hindi umulan pero biglaro bumigay ang DK River Wall dito.
00:59Bandang alas 11.30 ng umaga kanina at agad na pinasok ng tubig ang mga bahay.
01:05Isang aso ang stranded sa gitna ng baha.
01:08Ayon sa use cooper na si Rodora Oliveros na sagip naman ang aso pero wala raw na isalbang mga gamit ang ilang kapitbahay.
01:15Pati ang nakaburol na patay roon inilikas.
01:19Ang taas ng tubig na nagpalubog din sa Celestino Street hanggang leeg ng residenteng si Dens.
01:29Si Rika napaiyak na lang sa sinapit ng kanyang mga gamit.
01:34Wala pang limang minuto abot hanggang leeg na agad ang baha sa kanilang bahay.
01:38Lahat ng kanilang gamit pati ang kanyang mga paninda nasira.
01:42Mabuti na lang at ligtas ang kanyang apat na anak dahil naayakyat niya sa second floor ng kanilang bahay.
01:48Labis din ikinagulat inarsiso ang nangyari.
01:51Abot daw hanggang kanyang bibigang tubig sa loob ng kanilang bahay.
01:56Nabigla as in, umiyak na lang po habang yakap-iakap po yung platuhan namin para hindi lang matumba.
02:03Nasa barangay ako, tumatakbo ako, baka ako matihing pa ako dahil hingal na hingal ako.
02:08Nung makita ko, pasok na tubig.
02:11Di, ang nakalutang na lang yung rep ko.
02:14Napasugod tuloy dito ang ilang fire volunteers galing Kaloocan para tumulong mag-rescue ng mga residente.
02:25Bumigat ang traffic tulad dito sa M. Naval Street.
02:29Agad ding nagsagawa ng rescue operations ang Navotas LGU.
02:33Ayon sa Navotas CDRMO, abot sa isan daang individual ang inilikas kanina mula sa kanilang mga bahay papunta sa Navotas Elementary School.
02:42Sakto rin daw na umabot ng dalawang metro ang high tide sa ilog ganinang tanghali.
02:46Hindi pa rin daw kasi naayos ang bahagi ng navigational gate na nasira noong nakaraang buwan.
02:55Parang may nagchat po sa amin sa page po na kailangan po nila ng tulong.
03:00Kaya nandito po kami para po, nagsama-sama po kayo mga fire volunteers.
03:04Natural na occurrences kasi ma'am, ating ilog ito ma'am eh.
03:08Yard na po ito kung saan dinadala po yung mga barko o lansya na for repair.
03:14Kaya po maaaring dahil na rin po sa katagalan ng parahon ay nasira kasi nakatuntong lang po siya sa lupa.
03:20Kung ang diki po natin ay nakatuntong sa lupa, kung lumalambot po kasi yun dahil sa nabababal sa tubig.
03:27Pia Ivan, unti-unti nang humuhupa yung baha rito sa ilang bahagi ng Navotas nga na apektado nitong pagkasira ng diki.
03:39Sa katunayan, mula kaninang tanghali ay malaki na yung diperensya.
03:43Patuloy yung rescue operations pa rin ang Navotas LGU para doon sa mga hihingi ng saklolo.
03:48Nilagyan na rin daw nila ng sandbags, yung tabing ilog para mapigilan yung pagpasok ng tubig.
03:53At pinag-aaralan na rin daw ng kanilang engineers yung mga pwede nilang gawing solusyon para maayos na nga itong diking na sira.
03:59Yan ang latest mula rito sa Navotas. Balik sa inyo, Pia Ivan.
04:03Itatanong ko sana, Darlene, yung nabanggit mo, ano kaya ang posibleng gawin dahil hindi naman maayos ng overnight yung dike na yan.
04:10Sa habang inaayos yung dike, ano kaya yung pansamantalang solusyon para hindi maulit yan?
04:14Lalo't nangyari yan na hindi umuulan.
04:16E paano, tag-ulan pa naman ngayon, paano kung nagkabagyo o nagkahabaga?
04:23Yun nga, Ivan. Sa ngayon, ang pansamantalang solusyon na ginagawa ng Navotas LGU ay yung binanggit nila na paglalagay nitong sandbags doon sa area o bahagi ng dike na nasira.
04:35Unti-unti naman ang humuhupa yung tubig dito.
04:38Pero meron pa rin ilang residente na posibleng manatili doon sa kanilang mga kaanak mula sa mga karating na lugar o sa mga evacuation centers.
04:47Yan daw muna yung pansamantalang magagawa habang inaalam pa kung paano yung magiging permanente at pangmatagalang solusyon sa nasirang dike, Ivan.
04:56Darlene Kay, maraming salamat.
05:00Isang lindol na may magnitude na 6.1 ang nagpayanig sa ilang bahagi ng Mindanao.
05:06Hulikam sa iba't ibang lugar doon ang epekto ng pagyanig at ang takot ng mga residente.
05:12Nakatutok si Katrina Son.
05:13Dila nagsayaw ang mga ilaw sa panaderyang ito sa Malita Davao Occidental dahil sa lindol kaninang umaga.
05:26Ang ilang gamit, umalog din.
05:34Naramdaman ang pagyanig hanggang Takurong City sa Sultan Kudarat.
05:37Maging saglan sa Rangani, kung saan mabilis na napalabas ng bahay ang pamilyang ito.
05:50Sa South Cotabato, kitang naalog ang mga paninda sa isang sari-sari store.
05:56Naramdaman daw ang pagyanigroon ng ilang minuto.
05:59Sa Ampatuan, Maguindanao del Sur, tila dinuyan rin ng lindol ang mga residente.
06:11Hanggang sa Davao City, nagdulot ng takot ang lindol.
06:15Sa ilang gusali, nagsilabasa ng mga empleyado.
06:22Gayun din ang mga nakatira sa kondo units.
06:24Isang tulay naman ang pansamantalang di madaraanan sa baragay Matina, crossing Davao City.
06:30Isinira muna ito matapos makitaan ng crack na dulot ng lindol.
06:34Pinaalerto ng Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office ang volunteer groups.
06:40Maging ang mga response clusters at ang publiko.
06:43Ang isang gusali sa General Santos City, nagkaroon pa ng bitak.
06:49Nawalan din ang kuryente sa ilang bahagi dahil sa nasunog na kable ng kuryente dahil sa pagyanig.
06:55Naupula na ito ng mga bombero.
06:586.1 magnitude ang lakas ng lindol sa Mindanao na yumanig pasado alas 7 kaninang umaga.
07:04Sa dagat ang epicenter nito.
07:0685 kilometers mula sa timog silangan ng Sarangani Island, Davao Occidental, sa lalim na 79 kilometers.
07:13Ang pinakamatas natin na intensity na naitala or naibigay sa amin as observe or paano nila naramdaman na intensity 5 sa may glan and malungon sa Rangani, sa may pantukan Davao de Oro and even sa ilang municipality ng Davao Occidental sa may Sarangani Island po.
07:32Wala naman itong banta ng tsunami pero ilang aftershocks na ang naitala ng FIVOX.
07:38Para sa GMA Integrated News, Katrina Son, nakatutok 24 oras.
07:46Arestado sa Cavite ang isang lalaking nagre-reseta sa mga pasyente at may apat na klinik pero isa palang peking doktor.
07:54Nakatutok si John Consulta, exclusive.
07:56Pagkakuha ng hudya at wala sa kanilang undercover, dumiretso na ang mga agents ng NBI Cavite North para kulin ang kanilang primary target sa isang medical clinic sa Dasmarinias Cavite nitong Huwebes.
08:10Yes, yes.
08:12Yes, yes.
08:12Yes, yes.
08:12Yes, yes.
08:12Yes, yes.
08:13Ginuhuli ka po namin for legal practice of medicine under the public health to be in true or the medical act.
08:22Arestado ang 52-anyos na lalaki na umunoy peking doktor.
08:27Ayon sa NBI, nakatanggap sila ng reklamo mula sa isang asosasyon ng mga doktor.
08:32Nang madiskubri nilang di tunay na doktor ang suspect.
08:35Meron siyang minimaintain na around 4 clinics, medical clinics, at siya ay tumatanggap ng mga pasyente, nag-i-issue ng prescription, humingi ng bayad para sa kanyang servisyo.
08:50Pati sa mga ospital nga, umaabot ang mga prescription nito na binibigay sa mga pasyente.
08:55Nag-sagawa ng verification from the PRC at napag-alaman natin na siya po ay hindi kasama sa listahan ng mga licensed physicians sa Pilipinas.
09:06Naarecover ng Mark Manning na binayad sa umunoy peking doktor habang kumpiskado naman ang ilang ebidensya tulad ng mga reseta at mga gamot.
09:13Kung ikaw po ay walang kokulang competence para sa trabahong ito, ay maaaring, tama nga, misdiagnose mo at makapag-prescribe ka ng maling gamot sa mga pasyente na imbis na bumuti, ay baka lalong mapasama.
09:29Sinisika pa namin makuha ang panig ng suspect na na-inquest na sa reklamang paglibag sa Philippine Medical Act.
09:36Sakaling mapatunayang nagkasala siya, posible siyang makulong ng hanggang limang taon.
09:41Para sa GMA Integrated News, John Consulta, nakatutok 24 aras.
09:48Hulikam sa kalookan ang panluloob sa isang bahay kung saan nadali ang isang mamahaling relo.
09:54At ang nanalising suspect, kapitbahay ng mga biktima.
10:00Nakatutok si Bea Pinlak.
10:05Malanin diyang galawan ng lalaking ito, nang pasukin at nakawan niya ang isang bahay sa Barangay 8 sa Kalookan,
10:12miyerkules ng madaling araw.
10:14Tinangay ng 28-anyos na suspect ang mga relong nakasilid sa maliit na kabinet sa itaas ng ref.
10:20Ayon sa pulisya, ang halaga ng ninakaw na relo, nasa 11,000 pesos.
10:26Yung biktim natin, may mabing pagkakatulog.
10:32Then, nagising na lang siya, may narinig siyang ingay sa kitchen nila.
10:38Then, nakita niya yung suspect habang kinukuha yung relo.
10:43Sa bintana raw ng kusina, dumaan ang suspect.
10:47Intak naman po daw yung pinto nila.
10:49Kung saan siya pumasok, dun din siya lumabas.
10:52Humingi naman ng tulong ang biktima sa barangay at pulisya.
10:56Napag-alaman na ang suspect, kapitbahay pala niya.
10:59Nag-sabi itong biktim natin na pan-interview rito sa opisina na kilalang kilala na yung kasikapitbahay talaga nila at talamang na magnanakaw talaga dun sa lugar nila.
11:09Nahuli sa follow-up operasyon ng pulisya ang suspect malapit sa kanyang bahay.
11:14Identified naman na talaga siya through CCTV.
11:17Suot-suot niya yung relo na ninakaw niya sa biktim natin.
11:21Aminado ang suspect sa ginawa niyang krimen.
11:23Para pangkain lang po namin, mam.
11:26Sising-sisi po ako. Sana mapatawad niyo po ako.
11:30Reklamong robbery ang isinampa laban sa suspect na nakapiit sa sangandaan police station.
11:36Para sa GMA Integrated News, Bea Pinlak, nakatutok 24 oras.
11:43Iginiit ni Vice President Sara Duterte na hindi niya kailangan niulat sa publiko ang detalya na kanyang pagpunta sa Australia para sa kanya isang personal na lakad doon.
11:52Kasunod yan ang saguta nila ng palasyo kung official o personal business ba ang pagpunta niya sa Australia at kung dapat ba itong indetalya sa publiko.
12:01Nauna nang sinabi ni VP Duterte na personal ang kanyang biyahe at magaman lumalabas siya ng bansa, ay nagtatrabaho pa rin daw siya bilang vice.
12:09Kaya tingin ng palasyo sa sinabi ni Duterte, magkakaroon nito ng ethical at accountability concern.
12:15Lalo't ginamit din daw kasi ng vice ang social media page ng OVP na bahagi ng gobyerno.
12:20Ay sa palasyo kung nagtrabaho raw ang vice, kailangan niyang iulat sa bayan ang kanyang ginawa sa Australia, ang resulta nito at kung sino ang kanyang mga kasama.
12:30Pero sa bagong tugon ng vice, nanindigan siyang personal ang kanyang lakad.
12:34Yan yung example ko sa inyo na bobo talaga.
12:40Diba?
12:41Hindi nga official business yung...
12:45Kasi...
12:45Kailangan ko pa ba mag-explain?
12:55Sige, kailangan ko mag-explain nito kasi ang kausap mo medyo mahina, diba?
13:00Kapag gumagamit ka ng pera ng gobyerno, official business yan, kailangan nung mag-report.
13:06Kapag personal siya at walang gamit ng pera ng gobyerno, hindi mo kailangan mag-report.
13:12Kailangan ko pa ba mag-report.
13:43Ayon sa Oil Industry Management Bureau, isa sa mga dahilan ng rollback ay ang anunsyo ni US President Donald Trump ng ceasefire sa pagitan ng Israel at Iran.
13:52Matatandaang dahil sa bakbakan ng Israel at Iran, nagkaroon ng big-time all-price hike na hinati sa dalawang bagsakan noong Martes at Webes.
14:01Sugatan ang isang lalaki sa Malate, Maynila ng habulin at barilin ang tumakas na riding in tandem.
14:09Ang nahulikam na insidente sa pagtutok.
14:11Di Dio Merapresto.
14:41Mabilis naman siyang nakatayo at nakapagtago ng papatakas ang riding in tandem.
14:46Bago ang insidente, makikita ang mga salari na napadaan sa lugar.
14:50Ilang saglit lang, nahagip ulit sila ng CCTV na nag-U-turn sa kalsada habang naglalakad ang big-time up papalapit sa lalaki na may angkas na bata.
14:59Ka-meet-up raw ito ng bigtima.
15:01Ang nabanggit ng isang kamag-anak na talo sa sabong tapos yung ka-meet-up niya po is babayaran niya lang naman po.
15:10Isinugod ang bigtima sa ospital ng lalaking ka-meet-up niya.
15:13Sabi ng barangay, hindi pa malinaw ang ugat ng krimen dahil walang record sa kanila ang bigtima na nagtatrabaho bilang delivery rider.
15:21Patuloy ang follow-up operation ng polisya sa mga sospek.
15:24Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok. 24 oras.
15:31Palala po sa publiko, tiyakin pong lehitimo ang kukuning notarial service.
15:36Sa kalokan po kasi bistado ang panluloko sa notaryo nang magsumbong ng isang abogado.
15:41Naretirado na.
15:43Nakatutok si John Consulta.
15:45Daang-daang lumapit ang tawuan ng DSEC Special Operations Unit ng Northern Police District sa target na establishmento sa Kalooka nitong Huwebes.
15:57Sa hudyat ng undercover, pumasok na ang mga polis kasama ang kanilang complainant na isang 82-anyos na abogado.
16:04Di umobra ang paliwanag ng mga tinarget ng entrapet operasyon.
16:21Sa kayong po, ina-arresto po namin kayo.
16:24Sa pagsasabwatan, hindi rapat lang po kayong manahinig at magsawalang ibo.
16:28Sumbong sa NPD ng nagreklamang abogado.
16:322022 pa siya tumigil sa pag-notaryo matapos ma-stroke.
16:36Pero laking gulat niya nang ipatawag siya sa korte para sa notaryong di naman niya ginawa.
16:42Ang ginagamit po ay yung mismong notary seal at pangalan ng ating complainant na isang abogado po.
16:51Yun po ay kanyang itinanggi, hindi po niya yung firma.
16:55Kaya yun po, ang ating mga suspect ay agad pong inaresto ng ating kapulisan.
17:01Ayon sa NPD, bawal at delikado ang piniging notaryo.
17:06Once po na nagamit yung mga pecking dokumento,
17:10malalaman po sa court na hindi po pala or due to technicalities,
17:14maaari pong mabaliwala yung kanilang mga reklamo.
17:17Kaya malaki po ang magiging epekto po nito.
17:21Wala pang pahayag ang mga suspect na na-inquest na kahapon at nakakulong na sa Northern Police District.
17:27Yung mga suspect po natin ay kakaharapin po yung mga kasong usurpation of authority
17:33o yung article 177 po ng revised penal code,
17:38stop other deceit, article 315 of the revised penal code,
17:42and falsification by private individual.
17:44Maaari po silang makulong ng 20 years imprisonment
17:49at may multa na hindi hihigit sa isang milyong piso po.
17:55Para sa GMA Integrated News, John Consulta, nakatutok 24 horas.
18:03Nakauwi na sa bansa ang anim na OFW na lumikas mula sa hidwaan ng Iran at Israel.
18:09Pagdating sa Naya sa Pase kanina,
18:10sumalubong sa mga nagparepatriate mula sa Iran ang mga opisyal ng gobyerno.
18:14Kabila sa mga umuwi ang limang OFW mula sa Iran
18:17at isang domestic worker sa Dubai na nagpunta sa Iran
18:20kasama ng kanyang amo bilang turista.
18:23Binigyan sila ng pinansyal na tulong ng gobyerno
18:25at binigyan din ang pagkain at serbisyong medikal.
18:29Dalawang Pilipino pa mula rin sa Iran
18:30ang nakatakdang dumating sa bansa ngayong gabi.
18:33Simula po ngayong araw, nasa podcast na rin ang 24 Horas Weekend.
18:40Gaya po ng flagship newscast ng GMA Integrated News na 24 Horas.
18:45Ang 24 Horas Podcast mula ng Ilunsan noong lunes,
18:49nanguna agad sa rankings at number one sa news category ng Apple Podcasts sa buong bansa.
18:56Number two naman ito across all categories.
18:59Grateful at proud ang GMA Integrated News
19:03sa overwhelming response ng mga Pilipinos sa 24 Horas Podcast.
19:08Ayon po kay Senior Vice President at Head ng GMA Integrated News,
19:12Regional TV at Synergy, Oliver Victor Amoroso.
19:15Mapapakinggan ang 24 Horas Podcast sa Spotify at Apple Podcast app
19:20para po manatili kayong informed on the go
19:23sa mga balita ng 24 Horas at 24 Horas Weekend.
19:29Binoopo ito ng GMA Integrated News Digital Strategy and Innovation Lab
19:34in collaboration with 24 Horas at GMA New Media Incorporated.
19:43Ang Paris na City of Lights, nagdilim po dahil sa thunderstorm.
19:48At sa Amerika naman, lumambitin patiwarik ang isang electrical worker
19:52na nag-aayos ng traffic lights.
19:54Ang mga balita abroad sa pagtutok ni Bernadette Reyes.
19:57Nag-aayos lang ng traffic lights sa gitna ng kalsada
20:03ang isang electrical worker sa Louisiana sa Amerika.
20:07Maya-maya isang 18-wheeler ang dumaan at bigla nitong nasalpok ang boom truck
20:11kung saan nakatayo ang trabahador.
20:13Lumambitin tuloy siya patiwarik.
20:16Agad namang rumisponde ang kanyang mga kasamahan para maibaba siya.
20:19Ayon sa local media, ligtas siya at hindi nasugatan
20:22dahil sa suot na safety harness.
20:28Pinadilim ng thunderstorm ang City of Lights.
20:31Animo'y binagyo ang Paris, France dahil sa lakas ng ulan at hangin.
20:35Ang Eiffel Tower, tila nabura dahil sa kapal na mga ulap
20:38at matinding buhos ng ulan.
20:40Saglit ding nasuspindi ang sesyon sa French Parliament.
20:43Ang ilang mambabatas, napatingala pa dahil may tumutulo raw mula sa Kisame.
20:51Agad namang naayos ang tagas nito.
20:53Bukod sa Paris, inalan din ang iba pang bahagi ng France.
20:57Ayon sa mga ulat, dalawa ang nasawi at mahigit sandaang libong bahay
21:01ang nawala ng kuryente.
21:05Isang oso ang namataan ng mga otoridad sa Altadena sa California.
21:09Sa gitna ng mala night walk nito, nakita ng mga otoridad
21:13na may kasama siyang isang hindi patukoy na hayop
21:16na Animo'y isang wolf o wild canine.
21:19Patay ang isang driver matapos mahulog sa bangin
21:22ang minamanehong concrete mixer sa Dipakulaw, Aurora.
21:26Base sa inisyal na imbisigasyon ng pulisya na wala ng prenong sasakyan,
21:30dead on the spot ang driver habang sugatan ng pahinante.
21:33Sinusubukan pangkuna na pahayag ang pamilya ng mga biktima.
21:40Muli yung kinulayan na mga miyembro ng LGBTQIA plus community
21:44ang Pride March ngayong taon sa Quezon City.
21:47Mahalaga raw para sa kanila na makaramdam ng safe space,
21:51pagkakapantay-pantay at inclusion
21:53na matagal na nilang ipinaglalaban lalo na ngayong Pride Month.
21:57At nakatutok live si Jamie.
22:00Jamie?
22:01Pia punong-puno ng kulay ang idinaraos na Love Laban 2025 Pride March and Festival
22:11dito nga sa UP Dileman dito sa Quezon City ngayong Sabado.
22:15Kahit sa gitna ng kainitan ng araw,
22:20hindi nagpapigil ang LGBTQ plus community para ipagdiwang ang Pride Month.
22:26Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang selebrasyon ngayong taon.
22:30Nagmarcha si Mayor Belmonte kasamang iba't ibang grupo ng LGBTQ plus community
22:36mula oblation palibot ng campus.
22:38Makulay ang parada mula sa suot ng mga lumahok hanggang sa mga track na pinalamutian.
22:44Ang selebrasyon ngayong taon ay inaasahan daw na mas malaki,
22:48mas ligtas at mas matapang.
22:50Nalayong ipagdiwang ang LGBTQ plus community.
22:54Isulong ang pagkakapantay-pantay at igiit ang agarang pagpasa ng SOGI Equality Bill.
23:00Ilan sa aktibidad sa selebrasyon ang Pride Expo, Pride March at Pride Night.
23:06Hindi lang daw ito isang selebrasyon.
23:08Nagsisilbi rin daw itong paraan upang bigyang lakas ang Filipino LGBTQIA plus community
23:14sa pamamagitan ng paglikha ng mga safe space para ipagdiwang ang kanilang pagkakakilaglan
23:19kung saan iginagalang ang kanilang mga kwento at kinikilala ang kanilang mga karapatan.
23:25Isa rin daw itong anyo ng protesta laban sa pang-aabuso at mga inhostisyang patuloy na kinakaharap ng komunidad.
23:31Para matiyak ang seguridad ng lahat ng dumalo sa selebrasyon,
23:35magkakatuwang sa pagbabantay sa kaayusan at kapayapaan sa lugar,
23:39ang Quezon City Police District, UP Police at ang Task Force Disiplina.
23:44The SOGI bill is a long-bend issue since then.
23:47So I believe that LGBTQ plus rights is also human rights.
23:53So past SOGI bill, past same-sex marriage.
23:56Very all black, very, you know, slim and all that.
24:00And one, two, three, happy pride!
24:02Ha!
24:02Happy Pride!
24:09Piyas sa mga oras na ito ay biglang bumuhos ang malakas na ulan dito nga sa UP Diliman
24:14pero hanggang mamaya raw ang makulay at masayang selebrasyon ng love laban dito nga sa UP Diliman.
24:21At yan ang latest mula rito balik sa inyo.
24:25Maraming salamat, Jamie Santos.
24:27Tiyak manlalaki ang inyong mga mata sa bidang piñas ng Puntol, Apayaw.
24:39Sing taas kasi ito ng gusali.
24:41Ito na ba ang largest piña sa bansa?
24:44Kuya Kim, anda!
24:45Ang mga laki fiesta sa taon ng piña festival sa Puntol sa Apayaw.
24:54All eyes sa piyang ito.
24:56Sino ba naman kasi ang hindi manlalaki ang mga mata sa laki nito?
24:59Sa taas nitong 32.81 feet, sintayog na ng isang giant piña ang isang two-story building.
25:05Ang giant piña ng Puntol, na isa raw marahil sa pinakamalaki sa bansa,
25:09gawa gamit ang mahigit 2,800 fresh pineapples.
25:12Inani ang mga ito mula sa iba't ibang taniman sa Puntol.
25:15It was actually just purposely for a one-town, one product.
25:20And then it evolved into something that could help us in economic recovery just after COVID.
25:28We are revitalizing the tourism industry.
25:30We use that and also of course to promote the products coming from our farmers.
25:38Ang piña o ananas kumosus ay isang tropical plant na indigenous sa South America.
25:44Dinala ito sa Pilipinas na mga Kastila noong late 16th century.
25:47Isa sa agaw pansin sa prutas na ito, ang tila napakarami nitong mata.
25:51Pero ano nga ba ang mga ito?
25:53Ang piña isang multiple fruit.
25:55Ibig sabihin, bunga na ito ng maraming maliliit na bulaklak na nagsama-sama.
25:58At ang sinasabing mata nito ay ang dating lokasyon ng individual na bulaklak.
26:03Ang piña meron ding corona na binubuo ng mga pahaba nitong dahon.
26:06Alam niyo ba na mula sa mga dahong ito, maaaring makagawa ng napakagandang tela?
26:11Ito ang piña cloth.
26:12Laging tandaan, kimportante ang may alam.
26:15Ito po si Kuya Kim, magsagot ko kayo, 24 hours.
26:23Quitsikaan time tayo mga kapuso.
26:25Nagsama-sama ang fans para sa post-birthday celebration ni Kapuso Morning Sunshine, Shira Diaz,
26:32na idinaaw sa Quezon City.
26:34Pasasalamat ito ni Shira sa walang sawa nilang suporta mula pa noong nag-uumpisa siya.
26:39Bakas ang kasiyahan sa aktres na napasayaw pa on the spot.
26:43Sa ngayon, tuloy-tuloy ang preps nila ng piyansay na si E.A. Guzman para sa kanilang kasal sa Agosto.
26:49Librong Chavit, The Legend of the Philippines, tampok si dating Ilocos Sur Governor Luis Chavit Singson inilunsad.
26:59Base ito sa interview sa kanya ng isang writer mula sa Poland.
27:02Nabuksan daw ang ideyang ito nang minsang mag-viral si Singson sa Poland
27:06noong nagpa-cash gun siya ng pera noong pandemic.
27:10Isasalin din daw ang libro sa limampung iba't ibang lengwahe.
27:14Samantala, confirmadong may nilulutong proyekto ang GMA Pictures
27:18kasama si Singson.
27:22Two Js in one frame.
27:24Nag-collab sa isang dance challenge si star of the new gen Jillian Ward
27:28at kay hip-hop artist na si Jay Park.
27:30Kumento pa ng rapper sa post ni Jillian,
27:33We Lit.
27:34Nasa bansa si Park ngayon para sa manilaleg ng kanyang world tour.
27:40Inalis po ng MNDA ang mga timers sa mga traffic light na nasa kanilang pamamahala.
27:45Sensor-based na raw ang mga ito para mamonitor
27:47kung anong linya sa kasada ang mas maraming sasakyan.
27:50Pero ang ilang motorista, tila na nito.
27:53Nakatutok si Von Aquino.
27:55Pansin niyo bang ang ilang traffic light na dating may counter kapag malapit ng mag-stop o mag-go?
28:04Wala nang nagka-countdown?
28:07Sabi ng MNDA, tinanggal na nila ang timer sa lahat ng 76 na traffic lights na nasa pamamahala nila.
28:13Hindi kasama ang mga traffic light na hawak ng mga local government unit.
28:18Ibig sabihin ang mga traffic light kagaya nito rito sa EDSA na wala ng timer ay sensor-based na
28:24kaya't natutukoy nito yung mga sasakyan na kailangan ng patawirin at kailangan ng pahintuin.
28:29I think yung warning na five blinks, past three seconds na yellow and then red
28:34is sufficient enough para makapag-adjust yung ating mga kababayan
28:38at malaman nila kung dapat na ba sila mag-slow down para hindi sila mag-beat ng red light.
28:45Bahagi raw ito ng adaptive signaling system na inumpisahan nila noon pang 2012
28:50at ngayon, 100% na nilang ipinatutupad.
28:54Ayon sa MMDA, nag-a-adjust ang kanilang traffic lights depende sa volume na mga sasakyan.
29:00Minimeasure niya, lalong-lalo na sa gabi, yung volume ng traffic.
29:05For example, lane A, wala nang dumadaan.
29:08Kahit na nakaprogram siya initially na one minute,
29:12ika-cut short niya yun to 30 seconds at inilipat niya doon sa mas nangangailangan dahil mes may volume.
29:21Ang ilang nakausap namin motorista, mas gusto pa rin ang traffic lights na may timer.
29:27Nakakaalangan yun kasi iniisip mo, green pa yun eh.
29:30Pagtingin mo, bigla magdidilaw na.
29:31Ano ginagawa niya na lang pag-disal?
29:34Alalay ka na lang.
29:35Ang rider na ito, nang huminto sa intersection,
29:38muntikraw masalpok ng taxi sa likod.
29:40Mabilis talaga yung count na ng yellow niya,
29:44tas biglang red ka agad, kaya bigla ako na best na.
29:46Nagmamadali rin yung taxi sa likod ko, todo pito,
29:51mas pinili ko pa rin po mag-stop.
29:53Ah, kasi yellow na?
29:54Kasi mamaya, biglang may dumiret siya sa kanan, eh, salp, mabangga pa.
30:01Kaya naman daw mag-adjust ng mga motorista, pero hindi nila.
30:05Ang mas maganda yung dilaw, mas matagal, kasi para mas makatigil ng tama yung mga sasakyan.
30:11Sabi ng MMDA, may sapat na panahon naman daw para mabigyan ng warning ang mga motorista.
30:16Para sa GMA Integrated News, Von Aquino nakatutok, 24 oras.
30:22Naging makulay ang pagdiriwang para sa pagtatapos sa paaralan
30:26ng mga member ng LGBTQIA plus community sa Quezon City ngayong Pride Month.
30:32Ang QCLGO kasi pinayagan silang tumanggap ng diploma
30:34habang suot ang mga damit na sumisimbolo ng kanilang gender identity.
30:40Nakatutok si Von Aquino.
30:41Nakagaon.
30:47Rainbow toga.
30:48Uniforme.
30:50O simpleng get-up lang.
30:51Lahat, welcome sa graduation rights ceremony ng Quezon City LGU
30:56para sa mga miyembro ng LGBTQIA plus.
31:00Nice daw na LGU na bigyan ng pagkakataon ng mga rainbow graduates
31:03na makapagmarcha habang ine-express ang kanilang sarili.
31:07Nung ako po ay graduate ng senior high school, I can still remember the nights when I cried so much.
31:16Kasi po, ayaw po akong payagan ng administration to wear the clothes that I want sa graduation ko.
31:24That was back when 2019.
31:26Hindi rin pa ako pinayagan na mag-makeup sa photoshoot.
31:32May mga pinagsabihan pa ng kung ayaw mo magpagupit, hindi ka makakasama.
31:38Kung hindi ka susunod sa uniforme, hindi ka makakatanggap ng diploma.
31:43Tanggapin natin ang kabuuan ng bawat estudyante.
31:47Hindi lang ang kanilang grado, kundi pati ang kanilang pagkataon.
31:51Kasi sa pangarap ng ating lipunan, malaya na tayo.
31:56Pero malayo pa yung lipunang iyon.
31:59Dumalaban tayo sa buhay dahil naniniwala tayong dapat tanggapin tayo ng ating pamilya,
32:05ng ating lipunan, lalo na ng ating eskwelahan.
32:09Tulad ng regular graduates, nakatanggap din sila ng diploma.
32:13Matapos magmarcha sa entablado,
32:15sabay-sabay nilang iwinigayway ang matawat ng LGBTQIA+.
32:19Sabi ng mga Rainbow graduate, malaking bagay sa kanila ang ganitong pagtitipon
32:24para malayang ipahayag ang kanila mga salubin at isulong ang pantay na karapatan para sa kanila.
32:31Sobrang saya ko po ngayon kasi na-experience ko po yung ganitong situation in my life
32:36na makakit ng stage na ganito po yung outfit ko.
32:40Papasalamat po kami sa Quezon City kasi tanggap po kami kung ano po yung,
32:45ano namin sa sarili namin at para may iwasan din po ang discrimination.
32:51In my own experience kasi pag nagahanap ka ng trambaho, kahit LGBT ka,
32:55as long as you have the skills, talagang pinaprioritize dito sa Quezon City.
33:00Para sa GMA Integrated News, Buon Aquino nakatutok, 24 oras.
33:07Patuloy pa rin problema sa ilang lugar sa lunson ng Maynila
33:09ang mga tambak na basura na hindi pa rin natatapos hakutin.
33:13Nakatutok si Bernadette Reyes.
33:18May mga tambak pa rin na basura sa bahagi ng R10 sa 1st District ng Maynila,
33:23pati sa barangay 129, Zone 11 na sakop din ng District 1.
33:27Maging sa bahaging ito ng Honorio Lopez Boulevard.
33:31Tambak din ang basura sa bahaging ito ng Abad Santos Avenue sa District 2 ng Lunsod.
33:36Nakangamoy din po ma'am sa loob pagka nakabukas yung pinto.
33:39May mga magkasakit kami sa loob, tinggi, nandumi.
33:43Mismo mga residente na ang tulong-tulong sa pagbabawas ng nakatambak na basura.
33:48Ang kaso, may mga dumarayo pa rao sa kanilang lugar para lang magtapon.
33:52Hindi namin po masabin kung tiga dun sa kabila, tiga dun sa kabila,
33:57hindi yung magtatambak.
33:58Pag may nakita po kasing nakatambak dun,
34:01dinadagdagan ang dinadagdagan na lang.
34:03Sinisika pa ng GMA Integrated News na makuha ang panig ng Department of Public Services o DPS ng Maynila.
34:10Pero nauna lang sinabi ng DPS na may problema sa koleksyon ng mga basura sa Lunsod
34:15dahil sa kakulangan ng disiplina at problema sa service provider.
34:19Ayon sa Metro Waste, ang kumpanyang nakatoka sa garbage collection sa Districts 1 at 2,
34:24sinisikap naman nilang kolektahin ng mga basura.
34:27Ang kaso,
34:28Naglipatan po yung leado namin, driver palero, sa bagong kontraktor po.
34:33So dati pong 300 plus yung tao namin, ngayong 50 plus na lang po.
34:39Kaya nagkakaroon ng konting debate.
34:41Pero rest assured na tinatapos po namin.
34:45Sakop naman ang kumpanyang Fileco ang paghahakot na basura sa District 4, 5 at 6 ng Maynila.
34:51Hindi sakop ng Fileco ang R10 sa District 1 na may mga tambak na basura.
34:56Sa isang sulat na ipinalala sa GMA Integrated News,
35:00sinabi ng Fileco na mula ng ma-award sa kanilang garbage collection contract noong January 2025,
35:0624 oras daw ang kanilang mga driver, tagapala at ground personnel sa pagtatrabaho
35:12para maghatid ng magandang serbisyo sa mga Manilenyo.
35:16Hindi raw sila kailanman nabigyan ng notice of violation ng Manila LGU.
35:21Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.
35:26Mula sa mga aksyong eksena, handa nang magpakiligang ilang cast ng mga batang riles
35:32bilang new students sa Saturday School Drama na Maka.
35:36Narito ang aking shikag.
35:37May tatlong transferies sa Maka na lalong magpapainit sa ating Saturday School Drama.
35:47From mga batang riles, Maka welcomes Rahil Birya and Anton Vinzon.
35:54Bukod sa drama at kaunting aksyon, magpapakilig din ang mga heartthrob sa ating mga Sabado.
35:59Ako, honestly, hindi ko in-expect.
36:03Sobra, ang grateful ako nandito ngayon.
36:05Lalo na nakasama ko to si Anton, tapos si Zephanie nandito, tapos si Sean.
36:09Tapos, andun sila Ashley lahat.
36:11Kasi new friends and newfound family.
36:13Kaya sobrang magpapasalamat ako sa Maka na tinanggap ko nila ako nung buong buong buong buong.
36:17Ang dalawang crushables, dadagdagan pa ng latest addition sa Sparkle Family.
36:42Si Campus Cuties 2025 grand winner, Mad Ramos.
36:46I feel so blessed, hindi ko rin talaga ito in-expect and kabaliktad naman nila.
36:52These are my new friends, hindi ko pa sila nakaka-work and this is my first taping show so I'm excited.
36:59Ang Maka Next Chapter ay mapapanood tuwing Sabado 4.45 ng hapon bago mag 24 oras weekend.
37:06At yan po ang mga balita ngayon Sabado para sa mas malaki misyon at mas malawa na paglilingkod sa bayan.
37:18Ako po si Pia Arcangels.
37:20Ako po si Ivan Mayrina mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.
37:25Nakatutok kami 24 oras.
37:28Ako po si Kota boys.

Recommended