Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inire-recommendan ang embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv na ibaba na sa Alert Level 2 ang Israel kasunod ng ceasefire sa pagitan nito at ng Iran.
00:10Si US President Donald Trump naman sinabing makikipag-usap daw ang Amerika sa Iran sa susunod na linggo.
00:17Saksi si JP Sirian.
00:23May pasok na uli ang mga kabataang ito sa isang paaralan sa Tel Aviv sa Israel.
00:28Matapos ideklara ang ceasefire sa pagitan ng Israel at Iran.
00:32Inialis na rin ang state of emergency sa Israel kaya pwede na ulit magbukas ang mga paaralan.
00:38The teachers are going back to school and we hope that this is a new era of peace and prosperity.
00:45Nagbalik na rin ang international flight sa Ben Gurion Airport.
00:48Ayon sa DFA, doon na babyahe ang 20 Pinoy na inaasahang makakauwi sa Pilipinas sa mga susunod na araw.
00:55Tuloy pa rin ang repatriation pero ang rekomendasyon ng Embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv,
01:01ibaba na sa Alert Level 2 o restriction phase ang kasalukuyang Alert Level 3 o voluntary repatriation na ipanatutupad sa Israel.
01:10Kailangan pa yung aprobahan ng Foreign Affairs Secretary.
01:13Anything in the Middle East is always fragile and that's why we don't lower the Alert Level.
01:20Whenever there's an end to the conflict to mga tagalaman until the next one, we hope it doesn't end up in this case.
01:25Pero dahil inalis na nga ang state of emergency sa Israel,
01:29ayon sa Department of Migrant Workers, may mga nagdadalawang isip ng umuwi.
01:34Mahigit 200, 200 to be exact in our figures, ay nag-aalangan pa kasi nga sa Alert Level 3, it's voluntary repatriation.
01:46So nag-iisip pa sila kung sila ba ay tutuloy ng kanilang pagpaparepatriation or sila ay mananatili sa bansang Israel.
01:56Sa Iran, nagbabala ang kanilang Supreme Leader na si Ayatola Ali Hamine.
02:01Malaki ang magiging kabayaran sa anumang pag-atake sa Iran sa hinaharap.
02:07Malaking tagumpay rin daw ang kakayahan ng Iran na maabot ang mga military base ng Amerika
02:13at pwede raw yang maulit kung muling aatakihin ang Iran.
02:17Bago ang ceasefire, nagpalipad ng missiles ang Iran sa base militar ng Amerika sa Qatar
02:22bilang ganti sa pag-atake ng Amerika sa nuclear facilities ng Iran.
02:27Aniya, wala rin umanong masyadong nakamit ang Amerika sa pag-atake nito sa nuclear sites.
02:34Ayon sa US Central Intelligence Agency o CIA, may kapanipaniwalaan nilang intel
02:39matindi ang pinsala sa nuclear program ng Iran at aabuti ng ilang taon bago ito maitayong muli.
02:46Sa assessment din ng nuclear agency ng Israel, aabuti ng maraming taon ng Iran
02:52bago makapag-develop ulit ang nuclear weapons, bagay na itinatanggi ng Iran.
02:57Bago ito, lumabas sa ilang ula na batay sa paunang assessment ng US intel,
03:03ilang buwan lang ang maantala sa nuclear program ng Iran
03:06dahil di kasing tindi ng inaasahan ang naging pinsala rito.
03:11Iginiit din ni Trump na nawasak ang nuclear facilities na inataki nila.
03:14We're going to talk to them next week with Iran. We may sign an agreement. I don't know.
03:22Ang sigalon, posibleng di pa raw matapos.
03:25Can it start again? I guess someday it can. It could maybe start soon.
03:30Ayon sa nuclear watchdog ng Iran, malalaman lang kung ano talaga ang estado ng nuclear facilities
03:36kung may inspection ito, kaya prioridad nilang makabalit ang international inspectors sa Iran.
03:42Ayon sa DFA, bukas may walong Pilipinong galing Iran ang inaasahang maiuuwi ng Pilipinas
03:50na ilalabas by at Turkmenistan.
03:52Si Pope Leo XIV at ang Secretary General ng United Nations na nawagan ng kapayapaan at dayalogo.
03:59The expansion of this conflict could ignite a fire that no one can control gave peace a chance.
04:08Nakatutok din ang mundo sa presyohan ng nangis na naaapektuhan ng tensyon.
04:12Ngayong araw ang ikalawang bugso ng big-time oil price hike dito sa Pilipinas.
04:17Nauna nang sinabi ng Department of Energy na posibleng may rollback sa susunod na linggo
04:22matapos ang pagbaba ng presyo ng krudo sa world market batay sa unang dalawang araw ng trading ng langis.
04:29Kahapon, muling bumaba ang presyo ng gasolina sa world market pero bahagyang tumaas na naman ang diesel at kerosene.
04:36Para sa GMA Integrated News, ako po si JP Soriano, ang inyong saksi.
04:42Mga kapuso, maging una sa saksi.
04:47Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.

Recommended