Iniuugnay ni Vice President Sara Duterte sa Eleksyon 2028 ang impeachment case laban sa kaniya, pati ang pag-aresto sa kaniyang ama. Ang pinagdaraanan daw ng kanyang pamilya ngayon, paraan ng administrasyong Marcos na pahinain siya bilang frontrunner sa presidential elections. Ang sagot diyan ng Malacañang, sa report ni Ivan Mayrina.
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
00:00Iniuugnay ni Vice President Sara Duterte sa election 2028 ang impeachment case laban sa kanya, pati ang pagresto sa kanyang ama.
00:09Ang pinagdaraanan daw ng kanyang pamilya ngayon paraan ng Administrasyong Marcos na pahinain siya bilang frontrunner sa presidential elections.
00:18Ang sagot niya ng Malacanang sa report ni Ivan Mayrina.
00:24Wala pang anunsyo si Vice President Sara Duterte ng kanyang plano para sa election 2028.
00:29Pero para sa kanya, ang pagiging frontrunner daw niya ang dahilan ng kinakaharap niyang impeachment case at pagpapaaresto sa kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:39Sa parayam sa kanya ng Russian state-owned media na Russia Today na ipinamahagi ng kanyang tanggapan,
00:44sinabi ni Duterte na intention daw ni Pangulong Marcos na panatilihin ang sarili o kanyang pamilya sa kapangirihan.
00:51At dahil siya raw ang frontrunner sa 2028 presidential elections, gusto nilang alisin siya sa laban.
00:57Sabi ng Vice, niisip daw nilang hihina siya kapag nakulong ang dating Pangulo dahil iisang pamilya sila.
01:04Sagot na Malacanang.
01:05Nawawala po yung issue patungkol sa kanyang accountability,
01:11tungkol sa confidential funds at iba't iba pang mga complaints na napapaloob sa articles of impeachment.
01:19Siguro po, nais din po natin malaman ang katotohanan at huwag lang pang magtago sa narratibo na siya yung frontrunner para sa 2028 presidential election.
01:32Nagpatutsada rin ang Malacanang sa Vice.
01:34Kasunod ng pagbatikos ito sa pangunguna kahapon ni Pangulong Bongbong Marcos sa pagsira ng nasabat na floating shabu.
01:41Trabaho ba ng Presidente ang sirain ng ebidensya?
01:46Hindi ang trabaho ng...
01:48Hindi trabaho ng Presidente ang mag-photo-op sa nahuli na drugs at mag-photo-op sa pagsira ng nahuli na drugs.
02:00Mas maganda po siguro talaga na pasinayaan at makita mismo ng Pangulo ang pagsira sa mga iligal na droga na ito
02:12kesa po walang gawin sa mga nawalang iligal na droga sa magnetic lifter.
02:20Kailan nga po ito nawala?
02:222018?
02:23Hindi po ito pang photo-ops lang.
02:26Ito ay nagsisilibing babala sa mga kriminal.
02:30Hirit pa ng Malacanang, mismo si dating Pangulong Duterte, dati rin nanguna sa pagsira ng mga nasabat na droga noong 2020.
02:38Baka nakalimutan po ito ni B.C. Presidente.
02:44So ang pagtatrabaho po naman ay hindi dapat itago, dapat nakikita ng taong bayan.
02:49Ivan Mayrina nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:00So ang pagtatrabaho po naman ay hindi dapat itago, dapat nakikita ng taong bayan.