Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Muling kinilala ang HUSAN ng GMA Integrated News sa Preciosong US International Awards.
00:07Silver winner ang 24 oras para sa malalim at komprehensibong pagbabalita sa epekto ng Pogo sa bansa.
00:16Saksi si Sandra Aguinaldo.
00:22Ang madilim at madugong mundo ng Philippine Offshore Gaming Operator o Pogo sa bansa
00:28ang paksa ng ilang special report na inilabas ng 24 oras noong Disyembre at Enero.
00:35Ang mga pogong unang inasahang magpapasok ng trabaho at kita para sa mga Pilipino na uwi sa patong-patong na problema
00:43mula sa nabistong pugad ng iba't ibang panluloko hanggang sa isyo ng human trafficking
00:49pati na mga insidente ng pang-torture.
00:54Pagpasok mo, ito na, bakal na pintuan, papasok sa lagusan, papunta na dun sa ibang mga vila.
01:06Sa mga ulat na yan, tinalakay din ang malalim na sugat na iniwan matapos ipagbawal ang mga Pogo
01:12kabilang ang mga pamilyang pinaghiwalay ng pagkakataon.
01:17Mga sanggol at asawang na iwan matapos mapadeport ang mga banyagang Pogo worker.
01:22Kasama ang kanyang mister sa mga nahuli sa isang Pogo raid.
01:26Sa totoo lang po, hindi ko alam paano yung anak ko kasi lalaking walang tatay.
01:30Ang mga ulat na yan ang 24 oras, wagie sa prestiyosong US International Awards.
01:37Live mula sa GMA Network Center, ito ang 24 oras.
01:42Nakuha ng flagship program ng GMA Integrated News,
01:46ang Silver Award sa kategoryang Documentaries and Reports, Social Issues.
01:51Tila ba ninanamnam ng pamilya ang bawat sandaling magkasama sila?
01:56If he were deported, he cannot take care of his family.
02:02Dati na rin nanalo ng Silver Screen Award ang 24 oras sa US International Awards
02:08para sa special coverage nito ng Bagyong Mario.
02:12Napili namang finalist sa Documentaries and Reports, Environment, Ecology and Sustainability category,
02:20ang report ng unang balita na pinsala ng El Niño.
02:24Sa sobrang laki ng mga bitak sa mga sakahan dito, kasha na yung buong kamao ko.
02:30Tapos ganito, katuyo yung lupa dito.
02:33Laman nito ang mga kwento ng natutuyo at nakabuhayan ng mga magsasaka,
02:38bunsod ng El Niño at ng ating nagbabagong klima.
02:41Ang unang hinihingi namin sa Panginoon ay mabigyan kami ng tubig, mag-umulan.
02:47Ang US International Awards ay kumikilala sa pinakamahuhusay na branded video productions
02:53at dokumentaryo mula sa iba't ibang panig ng mundo na layong maghatid ng impormasyon,
02:59magbigay inspirasyon, mag-udyok at magturo sa mga manonood.
03:04Ang mga tagumpay na ito, mula sa paglalahad ng kwento ng mga Pilipino,
03:08bahagi pa ng ating mas malaking misyon at mas malawak na paglilingkod sa bayan.
03:14Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
03:19Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:23Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba't ibang balita.

Recommended