00:00Nakakapagpautang na ng P413.4 billion pesos ang GSIS sa mahigit isang milyon nilang miyembro.
00:07Ang mga pautang ay mula sa ginawa Hengi o Ginhawa Flex Multi-Purpose Loan at Ginhawa Light Program as of June 23 ng taong ito.
00:17Si Harley Balguena sa detalye.
00:22Ipinagmamalaki ng Government Service Insurance System ang mga programa para sa ikagiginhawa ng mga miyembro.
00:28Ito ay bilang pagtupad sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking nararamdaman ng mga kawaninang pamahalan ang mga servisyo ng GSIS.
00:38Una rito, sinabi ng GSIS na umabot na sa kabuang P413.4 billion pesos ang nai-disburse para sa 1.9 million loan applications sa ilalim ng Ginhawa Flex at Ginhawa Light Programs.
00:54Sa Ginhawa Flex Loan, pwedeng umutang ang mga miyembro ng hanggang P5 million pesos na maaaring bayaran sa loob ng labing limang taon depende sa kanilang premium at may interes na 6-7%.
01:07Pinagaan na rin ang proseso para sa Ginhawa Max Loan Buyout na mga ngailangan na lamang ng letter of intent mula sa isang kaukulang ahensya at wala itong service fee.
01:17Ang Ginhawa Light naman ay para sa mas malilit na emergency loans kung saan pwedeng umutang mula P5,000 hanggang P50,000 na payable sa loob ng 6 na buwan hanggang 2 taon.
01:30Happiness index ang gusto ko makuha para sa kanila sapagkat ito yung pinapang-communicate na mahal na pangulo natin eh.
01:38May sa-isay ka ba sa mga tara? Ito ba ginagawa mo nararamdaman ng mga uge-employado ng gobyerno?
01:44Kaya yan ang gusto kong iparamdam sa kanilang lahat.
01:47Buko dito, sinabi rin ang GSIS chief na 99.6% ng digital ang kanilang mga serbisyo na pinalakas sa pamagitan ng GSIS Touch Mobile App,
02:00In-App Facial Recognition for Pensioners, Digital GSIS ID at Digital Hubs sa bawat GSIS branch.
02:08Pagdating naman sa pabahay, mayigit 4,000 pamilya na ang nagkaroon ng abot-kayang bahay sa ilalim ng Lease with Option to Buy program.
02:18Nasa 2,000 borrowers naman ang nakinabang sa Housing Accounts Remedial and Condonation Program.
02:25Pinalawak din ang National Indemnity Insurance Program na sumasaklaw na ngayon sa 130,000 public school buildings.
02:33Ang Stakeholders Dialogue ay isinagawa upang pakinggan ang mga hinaing at suwestyon ng mga kinatawan mula sa iba't ibang government agency.
02:42Ang ilang kawanin ng gobyerno na nakisa sa dialogo, kontento rin sa mga ginagawa ng GSIS.
02:49Before kasi worried kami doon sa loan namin na if ever na hindi namin nababayaran, nagkakaroon ng compounded interest.
02:56So nung sinabi nila na sinimplify na lang nila, natuwa naman kami doon.
03:01Actually, nagulat kami napakarani pa ng mga bagong initiative ng GSIS na ngayon lang na-present.
03:09Samantala, sa harap naman ng lumalalang gulo sa Middle East, ay handa rin ng GSIS na alalayan ang mga maapekto ang empleyado ng gobyerno na nasa ibang bansa,
03:18tulad ng mga nagtatrabaho sa consular offices ng Pilipinas.
03:22Yung mga empleyado po ng gobyerno na naroon, ay sana naman po ay safe sila,
03:30sapagkat kung may kailangan sila sa GSIS, ay handa naman po tumulong ang GSIS para sa kanila.
03:36Harley Valvena para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.