Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/24/2025
Inanunsiyo ni U.S. Pres. Donald Trump na nagkasundo sa ceasefire ang Israel at Iran. Pero napikon siya dahil binali ng dalawang bansa ang pagtigil ng hidwaan. May report si Darlene Cay.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Inanunsyo ni U.S. President Donald Trump na nagkasundo sa ceasefire ang Israel at Iran.
00:05Pero napikon siya dahil binali ng dalawang bansa ang pagtigil ng hidwaan.
00:10May report si Darlene Cai.
00:18Sa gitna ng halos dalawang linggong gantihan ng Israel at Iran,
00:23inanunsyo ni U.S. President Donald Trump sa kanyang truth social account
00:26na nagkasundo na ang dalawang bansa sa isang anyay complete at total ceasefire.
00:31Pumayag daw ang Israel at Iran.
00:33Pero itinanggi ito ng foreign minister ng Iran.
00:36Pero bago mag-take effect ang ceasefire,
00:40tinamaan ang mga ballistic missile ng Beersheba sa Israel.
00:44Ayon sa Israeli authorities, apat na tao ang nasawi sa isang tinamaang residential building.
00:50Dahil una rang bumali sa ceasefire ang Iran,
00:52utos ng defense minister ng Israel,
00:54bagong military strike sa Tehran.
00:57Itinanggi ng Iran na nilabag nila ang ceasefire.
01:00Huli raw silang nag-air strike ilang minuto bago ito.
01:03Si Trump napikon.
01:05I didn't like the fact that Israel unloaded right after we made the deal.
01:09We basically have two countries that have been fighting so long and so hard
01:14that they don't know what the f*** they're doing.
01:16Do you understand that?
01:18Kalaunan, sinabi ni Trump na kinausap niya ang prime minister ng Israel
01:21para ihinto na ang pag-atake at ginarantiyang umiiral ang ceasefire.
01:26June 13, nang umatake ang Israel dahil gumagawa o manon ng mga nuclear weapon ng Iran,
01:30bagay na itinanggi ng huli.
01:32At habang nakatoon ang atensyon ng mundo sa krisis ng Israel at Iran,
01:37ang state of Palestine na magdadalawang taon ng sangkot sa kaguluhan laban sa Israel,
01:41maingat ding nag-oobserba.
01:43Sa eksklusibong panayam ng GMA Integrated News,
01:46sinabi ni Palestinian Ambassador to the Philippines, Munir Anastas,
01:50na dahil sa Israel-Iran crisis,
01:52nalihis ang atensyon ng mundo mula sa pagdurusa ng Gaza.
01:55The question why now, why Israel attacked Iran right now,
02:01knowing that since decades,
02:03Prime Minister Netanyahu was always saying that,
02:07oh, Iran is too close of having, of possessing the nuclear weapon.
02:13The attack came only two days before the meeting that was scheduled
02:19between the US and Iran for the negotiations.
02:23Anya, malaking problema ng Palestine
02:26ang paghahatid ng humanitarian aid sa Gaza at West Bank.
02:30Ayon kay Ambassador Anastas,
02:32hangad nila ang pangmatagalang kapayapaan
02:34at umaasa sila na makakamit ito
02:36bago pa lalong lumala ang hidwaan.
02:39Sa kanyang courtesy call sa GMA Network,
02:41kabilang sa mga napag-usapan nila ni GMA Network President
02:44and Chief Executive Officer Gilberto R. Duavit Jr.,
02:48ang kultura ng Palestine at ng Pilipinas.
02:50Naroon din si na Senior Vice President and Head for GMA Integrated News,
02:55Regional TV and Synergy, Oliver Victor B. Amoroso,
02:58at Vice President and Head of GMA Corporate Affairs and Communications,
03:02Angela Javier Cruz.
03:04Garleen Kay, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:07Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
03:11Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
03:20Mag-subscribe na sa GMA Integrated News.
03:26Mag-subscribe na sa GMA Integrated News.

Recommended