Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/20/2025
Umaaray na ngayon pa lang ang mga tsuper at pasahero sa nagbabadyang pagsipa ng presyo ng petrolyo! Ang posibleng dagdag kada litro: mula tatlo hanggang limang piso! May report si Bernadette Reyes.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Umaaray na ngayon pa lang ang mga tsyoper at pasahero sa nagbabadyang pagsipa ng presyo ng petrolyo.
00:07Ang posibleng dagdag kada litro mula 3 hanggang 5 piso.
00:11May report si Bernadette Reyes.
00:16Pagpasok ng Hunyo, umarangkada ang taas presyo sa gasolina at diesel.
00:21Kaya ngayon ang litro ng diesel naglalaro na sa mahigit 45 hanggang 63 pesos.
00:26Halos 70 pesos ang gasolina at mahigit 84 pesos ang kerosene.
00:32At sa susunod na linggo na kalululang oil price hike ang nagbabadya.
00:36Halos 5 piso sa kada litro sa diesel hanggang 3 piso sa gasolina at lagpas 4 piso sa kerosene ayon sa Energy Department base sa 4-day trading.
00:47Kung matutuloy, ito na ang pinakamalaking taas presyo sa loob ng mahigit 3 taon o noong 2022.
00:53Kung kailan ang diesel, mahigit 13 pesos per liter ang dagdag presyo.
00:58Epekto ng naunang pag-atake ng Russia sa Ukraine.
01:02Ngayon dahil naman sa gantihan ng missiles ng Israel at Iran at paghina ng piso kontra dolyar.
01:07Magamat hindi po tayo direksyo na kumukuha kay Iran or kay Israel, still yung mga bantang po pinukuha na natin,
01:16lalo namin ang mga petroleum products kagaya ng gasolina, diesel at keratin, e sinosource po nila doon sa mga Middle East campus.
01:25Kung hindi pahuhupa ang gulo at tuluyang mabarahan ang rutang daanan ng langis mula Middle East,
01:31posible para umasunda ng taas presyo.
01:34Kaya ang ilang shopper at commuter sa Metro Manila ngayon pa lang kinakabahan na.
01:38Talagang dapat talaga full tank ka sa mga medyo murang player.
01:43Mawawalan ako ng isandaan araw-araw ulit.
01:47Ngayon, sa loob ng 30 days, ibig sabihin, 3,000 ang nawala nakita ko.
01:53Masyadong matas doon. Sa piso nga lang, mga pabigat ko eh.
01:57May baka magtumaas din po yung kamasahe. Maapektoan din po yung ibang mga bilihin.
02:02Umaaray din ang ilang taga-probinsya.
02:05Malooy, tapos mga driver, looy po ang mga sakay.
02:09Kung sa may madaas mong pamilya, kung mas muda ko ang mong tubil, ba mong konsumo sa kaanaw ng mong biyahe.
02:16On the part ng Deportlet of Energy, sinisigurado po namin talaga na meron po tayong subnay na magagalit.
02:24Ang LTFRB hinihintay ang pag-aaral ng Leda sa epekto sa ekonomiya ng hiling na pisong taas pasahe sa jeepney.
02:31Pero sabi ang Transportation Secretary Vince Dizon, hindi magtataas ng pamasahe ang gobyerno.
02:37Hiling naman ng ilang transport groups, fuel subsidy.
02:40Sana pag-aaralan nilang mabuti, nasasapat ito doon sa itataas ng diesel.
02:47Talagang one time lang yan.
02:48Bakit hindi i-consumo ang buffer stock na yan bago sila magtaas ng presyo?
02:53Ayon sa DOTR, pinayagan na sila ng DOE na gamitin ng 2.5 billion pesos na fuel subsidy para sa mga PUV.
03:01Pero sinabihan ko na ang LTFRB na hold off muna sa kahit anong fair height.
03:06Kinausap ko na si Chairman Guadis.
03:08Sabi naman ni Pangulong Bongbong Marcos,
03:10Yung mga nagpapasada, para may hanap buhay naman sila, biginigan natin ng fuel subsidies.
03:17Now we will have to do the same for those who are severely affected stakeholders by any instability in the price of oil.
03:27Yes, it's a serious problem.
03:29Paalala ng DOE sa mga motorista, bumili lang ng sakto sa pangangailangan para maiwasan ng artificial shortage.
03:36Bernadette Reyes, nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended