00:00Samantala, minomonitor ngayon ang pamahalaan ng negatibong epekto ng Artificial Intelligence gaya ng paggamit nito sa pagpapakalat ng misinformation.
00:09Samantala, aprobado na ng Department of Budget and Management ang panibagong 4,000 teaching positions para sa taong ito.
00:16Narito ang ulat.
00:19Patuloy na binabantayan ang pamahalaan ng posibleng negatibong epekto ng Artificial Intelligence o AI.
00:25Ayon sa Malacanang, bagaman may mabuting dulot ang pagyabong ng ganitong teknolohiya, hindi pa rin maiaalis ang posibleng negatibong epekto nito.
00:33Kaya naman nariyan ang National Artificial Intelligence Strategy for the Philippines na bubuo ng pulisiya para sa paggamit ng AI.
00:40Patuloy na imomonitor ng pamahalaan ng pagkalat ng misinformation gamit ng AI, lalo na ngayong papalapit na ang zona ng Pangulo.
00:48Inaprobahan na ng Department of Budget and Management ang panibagong 4,000 teaching positions para sa taong 2025.
00:55Layon nitong palakasin at itaasang antas ng edukasyon alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
01:01Ito na ang ikalawang batch ng mga teaching position na bahagi ng kabuwang 20,000 teaching jobs na hiniling ng Department of Education.
01:09Ang mga bagong posisyon ay para sa Teacher 1 na may salary grade 11.
01:13Una na rin inaprobahan ng DBM ang 10,000 non-teaching positions para sa DepEd nitong Abril 2025.
01:20Kenneth Pasyente para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.