Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Nag-usap na ang Justice Department at PNP para ilagay sa witness protection program si alyas Totoy kasunod ng mga ibinulgar nito. Itinanggi rin ng DOJ ang pahayag ng ilang kaanak ng mga biktima na pinapabayaan ng gobyerno ang kaso.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Update sa missing Sabongero, nag-usap na Justice Department at PNP para ilagay sa Witness Protection Program si Alyas Totoy.
00:07Kasunod ng mga ibinulgar nito, itinanggalin ng DOJ ang pahayag ng ilang kaanak ng mga biktima na pinapabayaan ng gobyerno ang kaso.
00:15Nakatutok si Darlene Cai.
00:21Kasunod ng mga ibinulgar ng akusadong si Alyas Totoy sa mga alam niya sa pagkawala ng mga Sabongero,
00:26nag-ausap na si Justice Secretary Jesus Crispin Remulia at si PNP Chief Nicolás Torre III tungkol sa pagsasailalim sa kanya sa Witness Protection Program.
00:36Sabi kasi niya sa eksklusibong panayam sa GMA Integrated News, may banta sa buhay niya at ng kanyang pamilya.
00:42Basta we're processing the information first. Pero may arrangement na kami niya ni PNP Chief Torre.
00:51Pero handaan niya si Alyas Totoy na ituro ang mga sangkot sa pagkawala ng mga Sabongero.
00:56May mga hawak na rin ebidensya ang Justice Department para suportahan ang mga pahayag ni Alyas Totoy na nakausap na nila bago pa ang May 2025 elections.
01:05Hindi muna ito i-dinetalye.
01:07Meron kaming cooperative evidence na kasama. Basta meron kaming ibang klaseng evidence pa.
01:12Iniimbestigahan na rin ang hindi bababa sa sampung taong isinangkot ni Alyas Totoy.
01:16Pero statement pa lang niya ang hawak ng kagawaran at wala pang formal na affidavit.
01:21Itinanggi rin ang Justice Department ang pakiramdam ng isa sa mga kaanak ng mga nawawala na pinabayaan na sila ng gobyerno.
01:28No such thing. Talagang hindi kami nagigive up. We have not given up on anything or anybody.
01:34Ganoon lang talaga. Mabagal minsan ang kaso. Ito po ay proseso. Kailangan po may ebidensya na makakalap at ginagawa po namin ang lahat.
01:46At kagaya nga nyan, sabi ko nga, nakausap ko na siya bago pa dumating ang eleksyon at naprocess na rin namin yung information.
01:54Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay, Nakatutok, 24 Horas.

Recommended