Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/19/2025
-Traffic sa northbound lane ng NLEX, bumigat matapos isara ang middle lane sa ilalim ng Marilao Interchange Bridge dahil sa aksidente kahapon/Marilao, Bulacan Police: Truck, sumabit sa Marilao Interchange Bridge kahapon; 1 patay, 5 sugatan/Truck driver, hindi raw alam na sasabit sa Marilao Interchange Bridge ang container van; humingi ng paumanhin sa nangyari/Marilao Interchange Bridge, inayos na noong Marso; stop & go scheme, ipinatutupad sa mismong tulay/Mga pinapayagang dumaan sa Marilao Bridge, class 1 vehicles muna; closed van at truck, pinapahanap ng alternatibong ruta/ NLEX: May mga driver ng matataas na truck na nakalulusot sa ilang exit


-Matinding pagbaha na dulot ng malakas na pag-ulan, naranasan sa ilang probinsya/Aabot sa 40 bahay, nasira dahil sa malakas na hangin at pag-ulan


-PAGASA: LPA malapit sa northern Luzon, nalusaw na


-21 gov't officials na inilikas sa Jordan, ibibiyahe papuntang U.A.E. para ilipad pauwi ng Pilipinas/Mahigit 100 Pinoy sa Israel, humihiling na ng repatriation; Ph gov't, handa raw silang tulungan


-Siklista na ilang beses gumawa ng peligrosong stunt, ipinatawag ng LGU; humingi ng tawad at nagsisisi raw sa ginawa


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Alos tatlong buwan mula ng unang may maaksidente sa Marilaw Interchange Bridge sa North Luzon Expressway,
00:07may naaksidente na naman doon kahapon.
00:10Isa po ang patay habang lima ang sugatan.
00:13Ang disgrasya nagdulot din ang traffic sa iba pang motorista.
00:17Balitang hatid ni James Agustin.
00:21Mag-alas 13.30 na na madaling araw, mabagal pa rin ang usad ang mga sasakyan
00:25sa baging ito ng North Mountain Lane ng North Luzon Expressway sa Marilaw, Bulacan.
00:30Ang lane 3 o middle lane sa ilalim ng Marilaw Bridge, isa na rin kasi sa mga motorista.
00:35Naglagay ng traffic signage sa traffic cones ang pamunuan ng NLEX.
00:38May mga traffic patrol teams din na nakabantay.
00:41Puspusa na pagkasayos sa bahagi ng Marilaw Bridge matapos itong tamaan ng trailer truck kahapon.
00:47Sa inisyal na imbisigasyon ng Marilaw Police,
00:49sa may may kawayan exit dumaan ng truck para umikot pabalik sa malabot.
00:53Pagdating nito sa Marilaw, doon na nga tumama sa tulay.
00:56Pagka tama niya, dahil sa impact, nahulog po yung porsyon ng beam.
01:02Na nangyari naman na tumama doon sa kasunod ng trailer truck.
01:06Kaya nawalan ng control ng yung driver dahilan para bumaliktad ito, nagpagulong-gulong sa alsada.
01:13Nasawi ang 54 anyo sa pasero na tinumaang AUV.
01:17Ginagamot naman sa ospital sa Bukawi ang limang sugatan.
01:19Nasa kusudiyan na ng pulisan driver ng truck.
01:22Yung chassis na yan, hindi ko po yung sarili.
01:26Bali, ibang chassis ang gawit ko ngayon eh.
01:28Kaya po siguro na inabot po yan.
01:31Mabito.
01:32Hindi niyo po na-check?
01:33Tumaas po.
01:34Maarap ang truck driver sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide
01:38and serious physical injury at damage to property.
01:41Bago ang aksidente kahapon, sumasa ilalim na rin sa pag-asayos ang tulay.
01:55Matapos ang kaparehong insidente noong Marso.
01:58Sa mismong Marilaw Bridge, napapatupad ang stop-and-go scheme sa mga motorista.
02:02Dahil sarado ang westbound lane nito.
02:04Kaya apektado ang biyahe ng mga motorista.
02:06Ma-traffic tapos sa trabaho, matagal ang nalilake ko minsan kasi matagal ang labas-pasok.
02:15One way.
02:16Taangin Class 1 vehicles muna ang pinapayagan ng mga kadaan sa Marilaw Bridge.
02:20Hinaharang ang mga close van at truck na pinapahanap ng alternatibong ruta.
02:24Medyo malayo, umigot po kami sa Santa Maria eh.
02:28Abala, abala.
02:29Ayon sa pamunuan ng NLEX, may mga driver na nakalulusot sa kabila ng pagbabantay nila.
02:34Sa mga exit sa Karuhatan, Mindanao Avenue at Malintawa.
02:37Titingnan po ulit namin kung paano pa po namin talagang mapaiting.
02:42Liban na po yung close coordination po namin sa mga nag-bibisiness po ng trucking.
02:49Lalo-lalo pa yung mga matataas.
02:50Para sana wala na po talagang mangyaring ganito.
02:54Naglagay na rin daw sila ng mga metal gun tree para kapag tumama rito dapat hindi natutuloy ang mga truck.
02:59Pero may mga ilang-ilang daw na sa kabila nito.
03:02Tuloy pa rin sa biyahe.
03:03Titingnan din po namin kung ano pa po yung magiging enhancement dun sa mga metal gun trees po natin.
03:12James Agustin, nagbabalita para sa Gemma Integrated News.
03:20Binahamuli ang ilang probinsya sa Mindanao dahil daw yan sa pag-ulang dulot ng Intertropical Convergence Zone at Easter Lease.
03:28Sa Bansalan Davao del Sur, malakas na ragasan ng tubig ang naranasan sa Barangay Poblasyon 2.
03:39Ang mga residente, inilikas ang kanilang mga gamit dahil sa pagtaas ng tubig na pumasok na sa kanilang mga bahay.
03:46Humupa rin yan kinagabihan.
03:49Binaharin po ang ilang lugar sa Dato Odin, Sensuat sa Maguindanao del Norte, kasunod ng malakas na pangulan.
03:56Pansamantala rin nga inilikas ang ilang residente matapos bahain ang kanilang mga bahay.
04:02Walang naitalang sugatan o nasawi sa pagbaha.
04:04Dahil naman po sa malakas na hangin at ulan, nasira ang aabot sa 40 bahay sa Santo Niño, South Cotabato.
04:13Nagsasagawa na ng damage assessment at clearing operation sa mga otoridad at volunteers sa mga apektadong barangay.
04:20Wala namang naitalang sugatan sa insidente.
04:25Nalusaw na o nag-dissipate ang binabantayan nating low pressure area malapis at northern Luzon.
04:31Ayon sa pag-asa, maaliwalas at malinsangang panahon ang aasahan sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas.
04:38Pero, posibleng muli ang mga local thunderstorm.
04:41Epekto yan ng Easterlies.
04:43Higit namang mataas ang tsansa ng ulan at dulot ng Inter-Tropical Convergence Zone sa Davao Region,
04:48Soxargen, Surigao del Sur, Sambuanga del Sur, Sambuanga-Sibugay, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.
04:56Base sa rainfall forecast ng Metro Weather, halos buong bansa ay uulanin sa mga susunod na oras.
05:02Pusibleng heavy to intense rain sa ilang lugar na maaaring magdulot ng baha o landslide.
05:07May ulan din sa ilang panig ng Metro Manila ngayong araw.
05:09Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na ligtas na nakarating sa Jordan ang Pinoy delegation na stranded sa Israel sa gitan ng tensyon nito sa Iran.
05:21Ayon kay Philippine Ambassador to Israel, Aileen Mendiola, nakataktang bumiyahe ang 17 LGU officials at apat na taga Department of Agriculture papuntang United Arab Emirates.
05:31Doon naman sila lilipad pabalik ng Pilipinas.
05:34Bukot sa kanila, may mahigit sandang Pinoy rin na nasa Israel ang gusto ng umuwi sa Pilipinas.
05:39Anda naman daw ang ating pamahalan at tulungan sila.
05:42Tinitinan ngayon kung paano sila itatawid sa mga border ng Jordan, Cyprus at Egypt.
05:47Mabilis na nagpepedal ang siklistang yan sa barangay Marigondon sa Lapu-Lapu, Cebu.
05:55Maya-maya, bigla siyang lumipat sa kabilang lane at sinalubong ang isang wingvan.
06:00Hindi siya nabanggat, ligtas na nakabalik sa kanyang linya.
06:03Ang video na yan naging viral online.
06:06Sa hiwalay na video, nahulikam din ang parehong siklista na inulit ang peligrosong stand sa isang pampasaherong jeep.
06:13Walang sugatan sa insidente.
06:14Ang biker, pinatawag na ng LGU.
06:17Pumarap naman siya kasama ang kanyang pamilya, Anya.
06:20Nagsisisi siya at humingi ng tawad sa kanyang ginawa.
06:23Pero ayon kay Lapu-Lapu City Mayor Junard Ahong Chan,
06:27idudulog nila ang mga insidente sa kanilang legal team.

Recommended