Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/17/2025
Dumepensa si Sen. Bato Dela Rosa kasunod ng mga punang hindi totoong tao kundi AI ang nasa videong ishinare niya kaugnay ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. Ipinagtanggol din siya ng Bise habang ang Palasyo iginiit na 'di dapat galing sa mga opisyal ang "fake news".


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Dumipensa si Sen. Bato de la Rosa kasunod ng mga punang hindi totoong tao kundi AI
00:05ang nasa video ng isinare niya.
00:08Kaugnay ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte,
00:11ipinagtanggol din siya ng vice habang ang palasyo iginate na hindi dapat kaling sa mga opisyal
00:17ang fake news. Nakatutok si Ravi Tima.
00:23Umanin ang samutsaring reaksyon ng i-repost ni Sen. Bato de la Rosa
00:27sa kanyang personal na Facebook page ang AI-generated video na ito
00:30na nagpapakita ng dalawang istudyanteng tutol sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.
00:36Sabi ng Senador sa pag-share niya ng video,
00:38buti para o mga bata, nakakaintindi sa mga pangyayari,
00:41sabay banat na dapat makinig ang mga yelo o dilawan at mga komunista.
00:50Noong nakarang linggo, si Sen. de la Rosa ang nagsusulong ng pagpapadismi
00:54sa impeachment complaint sa Senate Impeachment Court laban sa Vice Presidente.
00:58Ayon sa isang eksperto, bagamat magandang pagkakagawa sa AI video,
01:02halatang deepfake ito.
01:03Kung iso-zoom din sa logo ng uniforme ng estudyante,
01:20gibberish o wala itong ibig sabihin.
01:23Tila wala rin maintindihan sa mga nakasulat sa mga karatula sa paligid.
01:27Pero dahil pagaling pa ng pagaling ang AI,
01:29sa huli, sa mensahe pa rin daw mabubuko kung deepfake ang isang video o hindi.
01:34Mabilis rin itinaman ng mga netizen na AI generated ang video at hindi ito totoo.
01:39Pero sa isang hiwalay na post,
01:40sinabi ni de la Rosa na wala siyang pakialam kung AI ito,
01:44ang mahalagaan niya, ang mismong mensahe.
01:46At kahit flag na bilang false information ng kanyang nirepost,
01:49patuloy itong ipinagtanggol ng Senador sa comment section ng kanyang post.
01:53Maaaring delikado man o ang ganitong reaksyon ng Senador,
01:56ayon sa isang AI expert.
01:57The proper thing to do would be to own up,
01:59pero ang dati parang nag-double down pa eh.
02:02It doesn't matter kung AI or hindi.
02:05The important is the message.
02:07So talagang din-double down pa niya na ito talaga yung message na gusto niya.
02:11So I feel that that can be dangerous
02:14if people are not critical about the message.
02:19Sinubukan naming kunan ng payag ang Senador,
02:21pero ayon sa kanyang staff,
02:22ayaw muna niyang magbigay ng panayam.
02:24Ang vice-presidente, ipinagtanggol ang kanyang kaalyado.
02:27Wala naman problema siguro sa pag-share ng AI video in support sa akin,
02:36basta hindi ginagawang negosyo.
02:38Kung baga, if I were a social media account owner
02:46and gagawa ako ng AI to support a certain personality,
02:52walang problema doon kasi hindi ko naman siya ginagawang negosyo eh.
02:56Hindi ko naman binibenta sa mga tao yung produkto ko eh.
03:01Pero ang malakanya ang sinabing nakakawala ng tiwala
03:04ang aksyon ni Senador De La Rosa.
03:06Ang pag-share ng mga katulad na ganyan muli,
03:12disinformation, fake news,
03:13hindi po sana nanggagaling sa mga opisyal ng pamahalaan.
03:19Nakakaduda, mas nakakawala ng tiwala
03:23kung mismo sa mga tataas na opisyal,
03:27nanggagaling ang mga disinformation at fake news.
03:30Aminado ang mga eksperto,
03:32darating ang panahon,
03:33hindi na natin malalaman kung AI generated ang isang video o litrato.
03:37Kaya mahalaga raw na i-develop ang ating critical na pag-iisip.
03:41Dahil sa huli,
03:42nasa atin ang pagpapasya
03:43kung maniniwala tayo sa ating mga nakikita sa social media.
03:47Para sa GMA Integrated News,
03:49Rafi Tima Nakatutok, 24 Horas.

Recommended