Skip to player
Skip to main content
Skip to footer
Search
Connect
Watch fullscreen
Like
Bookmark
Share
Add to Playlist
Report
SAY ni DOK | Panganib na dala ng ectopic pregnancy, alamin
PTVPhilippines
Follow
6/16/2025
SAY ni DOK | Panganib na dala ng ectopic pregnancy, alamin
For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/
Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated
Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines
Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas
Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph
Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph
Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines
Watch our News Programs, every Mondays to Fridays
Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm
Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm
Category
🗞
News
Transcript
Display full video transcript
00:00
Ito ah, para sa mga nanay at future mommy,
00:09
alam natin na yung pagbubuntis ay isang special at makahulugang yugto sa buhay.
00:14
Pero hindi rin makakaila na may kaakibat itong panganib.
00:18
Ngayon, isang medical condition or complication ang ating pag-uusapan.
00:22
Pero bago po yan, panoorin po muna natin ito.
00:24
Ayon sa mga pag-aaral, siyam hanggang labing isang kababaihan ang namamatay araw-araw sa Pilipinas dahil sa panganganak,
00:37
habang 380 naman kada araw sa buong mundo.
00:41
Sa bilang na ito, tinatayang isa hanggang 2% ang humaharap sa ectopic pregnancy
00:47
o ang kondisyon kung saan nabubuo ang fetus sa labas ng matres, kadalasan sa fallopian tube.
00:54
Sa Pilipinas, hindi ito kasing karaniwan ng ibang komplikasyon sa pagbubuntis.
01:00
Ngunit ito ay isang seryosong kondisyon na maaaring magdulot ng matinding panganib sa kalusugan ng ina at kanyang magiging anak.
01:09
Kaya ngayong araw, pag-usapan natin kung paano mababawasan ang panganib ng pagkakaroon ng ectopic pregnancy.
01:16
Dito lang sa Say Ni Doc.
01:46
Ang ectopic pregnancy, katulad ng pinakita ng inyong video, ito ay pagbubuntis o tumubo.
01:55
Na pagbubuntis hindi sa tamang lugar, kasi dapat sa loob siya ng matres o ng ating bahay bata.
02:02
Pag-us, ito ay tumubo, kadalasan niya ay tumutubo ito sa fallopian tube, katulad ng pinakita ng video na ito.
02:12
Pero maaari din, ang pagbubuntis na ito, bukod sa fallopian tube, ay tumubo rin sa ating kohelyo ng matres,
02:19
or kahit sa malapit na parte ng ating reproductive organ, o kaya sa loob lang siya.
02:28
So, basta ang pregnancy ay hindi tumubo sa loob ng bahay bata, ito ay tinatawag na ectopic pregnancy.
02:35
At delikado nga ang sitwasyon na ito, or life-threatening siya,
02:41
kaya dapat maaga siyang nare-recognize at nabibigyan ng lunas.
02:45
Dahil sinasabi na isa ito sa mga dahilan ng pagkakaroon ng sobrang pagdutugo or hemorrhage
02:53
during the first trimester of the pregnancy, and it can even lead to death pag left untreated.
03:03
Doktora, para sa kalaman po ng ating mga kababayan, paano nga po ba nagkakaroon ng ectopic pregnancy ang isang babae?
03:11
So, siguro dapat malaman natin ano yung sintomas at paano siya nare-recognize.
03:21
Pag ang isang babae ay na-delay sa pagderegla, or mayroong missed period,
03:26
and then lalo na kung nag-positive ang pregnancy test niya,
03:30
pagkatapos masakit ang puso niya, o kaya may pagdudugo,
03:34
and in the background, mayroong siya mga risk factors like nagkaroon na siya ng dating ectopic,
03:42
o kaya may history siya ng mga infection or pelvic inflammatory disease,
03:49
or mga sexually transmitted infection.
03:52
Mas mataas yung posibilidad na siya ay baka meron ng ectopic.
03:57
So, aside doon, pagka ang babae ay smoker,
04:02
and then pag sila ay kumagamit ng mga contraception, especially intrauterine device,
04:08
so maaaring mas mataas yung risk nila sa pagkakaroon ng ectopic pregnancy.
04:13
Dok, na-mention mo na kanina na sobrang delikado yung ganitong klaseng pagbuntis,
04:18
pero ano yung mga komplikasyon at epekto na ito sa isang buntis, Dok?
04:22
Ang ectopic pregnancy kasi is a non-viable pregnancy, no?
04:29
Hindi kasi dapat nga tumutubo ang pagbuntis na hindi sa loob ng matres, no?
04:35
So, pagka nagkaroon ka ng dating ectopic, maaaring uulit yung ectopic mo, no?
04:40
So, it will pose the same danger as you had before,
04:43
and then eventually, it can also lead to infertility.
04:47
So, usually, nare-recognize yan pag mga 6 to 8 weeks ng pregnant ang babae, no?
04:56
So, pag pumutok yan, slowly, or kahit mag-meet lang yung butas niyan,
05:01
dudugo yan ng dudugo, no?
05:04
And maaaring maipon yung maraming dugo dito sa loob.
05:08
Sa loob, magkakaroon ka ng internal bleeding, no?
05:13
And you will lose a lot of blood.
05:15
And then, of course, magiging emergency yung sitwasyon,
05:18
and that will pose so much danger into you.
05:23
Okay, doktora, nagagamot po ba ito?
05:27
Ano po yung mga treatment option para sa mga kababayan sa kondisyong ito?
05:33
Okay.
05:34
So, meron naman tayo mga treatment option para sa ectopic pregnancy, no?
05:38
So, depende kung may mini-measure kasi tayo na para ma-recognize yung ectopic pregnancy,
05:46
tinitingnan natin kung ano ang level ng beta-HCG or ng pregnancy hormone.
05:53
So, bukod doon, inuultrasile natin para makita natin kung gano'ng kalaki yung ectopic pregnancy.
05:59
At siyempre, kung stable yung patient, no?
06:04
Kasi mas madalas na pag may nakita kami ectopic pregnancy, emergency,
06:08
sa ER na namin nakikita versus nakikita lang namin sa klinik,
06:13
may dalang ultrasound at may pinapakitang mga kaunting simptomas, no?
06:17
So, pag ang pasyente ay hindi stable,
06:20
definitely, operation ang kailangan, no?
06:25
So, pag-operation, pag-surgery, kailangan,
06:29
ang mas madalas na ginagawa dito sa Pilipinas ay yung binubuksan siya
06:33
versus yung laparoscopy or merong lang maliliit na tube
06:37
na nilalagay sa chan para ma-reach namin kung nasan yung ectopic.
06:43
So, maaaring tatanggalin yung buong tube or yung fallopian tube,
06:48
lalo na kung medyo damaged na talaga yung fallopian tube.
06:51
Or if we're trying to preserve the fertility of the woman,
06:56
minsan, hihiwaan lang ng maliit tapos tatanggalin lang yung ectopic gestation.
07:01
So, yun yung surgical management, no?
07:04
Meron din namang room for medical management.
07:08
Yun yung pagbibigay ng methotrexate, no?
07:12
Depende nga kung maliit lang yung ectopic,
07:15
mababa lang yung level ng beta-HCG,
07:18
stable yung patient at saka makakapag-follow-up siya.
07:23
Kaya lang, pagka-medical management,
07:26
minsan, nagiging persistent yung ectopic.
07:29
So, parang nagkakaroon pa ng another treatment of medical management.
07:35
And then, of course, meron din tayong tinatawag na expectant management, no?
07:40
Yung walang gamot o walang surgery.
07:43
Pero, dahil nga ang ectopic pregnancy ay life-threatening,
07:48
kailangan talaga na very compliant yung patient
07:51
at mababa lang talaga yung level ng beta-HCG.
07:56
So, yun yung mga treatment options natin sa ectopic pregnancy.
08:00
Ayun, naway maraming natutunan, no?
08:03
Lalong-lalong na yung mga first-time moms tungkol sa ectopic pregnancy.
08:08
Maraming salamat po sa oras.
08:09
Muli nakasama natin si Dr. Anafe Orbigoso Gloria, isang OBGYN.
08:14
Thank you, Doc.
08:15
Maraming salamat, Doktora.
08:17
Maraming salamat sa inyo.
08:18
Maraming salamat, Doktora.
Recommended
3:25
|
Up next
Presyo ng mga bilihin sa palengke, alamin
PTVPhilippines
12/23/2024
8:18
SAY ni DOK | Mahalagang layunin ng scoliosis awareness month
PTVPhilippines
6/6/2025
4:03
Dating Pres. Duterte, sinampahan ng disbarment case ng ilang grupo
PTVPhilippines
1/17/2025
0:37
EJ Obiena, nakisaya sa paskuhan ng UST
PTVPhilippines
12/2/2024
7:59
SAY ni DOK | Maduming pagkain at tubig, sanhi ng acute gastroentries
PTVPhilippines
4/29/2025
3:05
Presyo ng manok at baboy, tumaas
PTVPhilippines
12/20/2024
10:07
SAY ni DOK | World AIDS Day
PTVPhilippines
11/27/2024
3:11
Presyo ng langis kada bariles, bumaba ayon sa DOE
PTVPhilippines
6/24/2025
2:06
Presyo ng bigas sa merkado, tinututukan ng NEDA
PTVPhilippines
11/29/2024
0:23
Ilang eskwelahan, nagsuspinde ng klase bukas
PTVPhilippines
7/17/2025
2:38
Marck Espejo at Bryan Bagunas, sinabing malaki ang tulong ng PNVF-LRTA Partnership
PTVPhilippines
7/17/2025
2:51
DBM: Mid-year bonus ng mga kwalipikadong gov’t employees, ibibigay simula ngayong May 15
PTVPhilippines
5/15/2025
9:10
SAY ni DOK | Dengue Awareness month
PTVPhilippines
6/24/2025
1:03
Naiulat na kaso ng bird flu sa Camarines Norte, mahigpit na tinututukan ng DA-BAI
PTVPhilippines
12/12/2024
1:22
4 na indibidwal, naaresto ng NCRPO dahil sa pagdadala ng baril
PTVPhilippines
1/21/2025
3:31
G-terms | Feminism
PTVPhilippines
3/13/2025
3:02
Divisoria, nagsikip sa dami ng mamimili
PTVPhilippines
12/21/2024
1:16
Pinaghihinalaang POGO hubs sa iba't ibang panig ng bansa, sinusuyod na ng DILG
PTVPhilippines
12/13/2024
1:55
PhilHealth, ipinaalala ang benepisyo para sa mga tinamaan ng dengue
PTVPhilippines
2/20/2025
1:56
Dating miyembro ng PNP-CIDG, arestado dahil sa panunutok ng baril sa Rodriguez, Rizal
PTVPhilippines
2/18/2025
0:47
PBBM, positibong mas mapagtitibay ng Pilipinas at Japan ang ugnayan nila sa depensa, siguridad, at ekonomiya
PTVPhilippines
12/20/2024
0:30
Bulkang Kanlaon, muling nagbuga ng abo
PTVPhilippines
12/8/2024
3:10
DOH, nagpaalala sa banta ng HFMD ngayong tag-ulan
PTVPhilippines
7/14/2025
3:36
Negosyo Tayo | Medical equipment
PTVPhilippines
12/2/2024
0:39
Preps for PBBM's 4th SONA begins
PTVPhilippines
5/6/2025