Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/12/2025
Today's Weather, 5 P.M. | June 12, 2025

Video Courtesy of DOST-PAGASA

Subscribe to The Manila Times Channel - https://tmt.ph/YTSubscribe

Visit our website at https://www.manilatimes.net

Follow us:
Facebook - https://tmt.ph/facebook
Instagram - https://tmt.ph/instagram
Twitter - https://tmt.ph/twitter
DailyMotion - https://tmt.ph/dailymotion

Subscribe to our Digital Edition - https://tmt.ph/digital

Check out our Podcasts:
Spotify - https://tmt.ph/spotify
Apple Podcasts - https://tmt.ph/applepodcasts
Amazon Music - https://tmt.ph/amazonmusic
Deezer: https://tmt.ph/deezer
Tune In: https://tmt.ph/tunein

#TheManilaTimes
#WeatherUpdateToday
#WeatherForecast
Transcript
00:00Maganda nga po mula sa DOST Pagasa. Ito ang ating weather update natin ngayong araw ng kalayaan, June 12, 2025, Thursday.
00:08Tuloyan na lumayo sa ating bansa yung tropical storm wood tip na ating binabantayan noong mga nakarang araw.
00:13Dahil yung development niya na maging isang bagyo ay hindi nangyari sa loob ng Philippine Area of Responsibility,
00:18ay hindi natin siya binigyan ng local name at nananatili na zero o wala pa rin bagyo na pumapasok sa ating bansa ngayong 2025.
00:26Itong low pressure area na binabantayan natin ngayon ay sa kasalukuyan na nasa 200 km north ng Itbayat, Batanes.
00:33Nakikita natin na yung propagation o yung movement niya o yung pagkilos niya ay papunta sa northwest, papunta sa bansang Taiwan.
00:41Inaasahan natin na magde-develop siya into tropical depression sa susunod na 12 hours.
00:46Pero kapag hindi siya nag-develop sa loob ng 12 oras ay magiging hindi na favorable.
00:51Magiging mas maliit na yung chance niya na maging ganap na bagyo.
00:54Dahil sa mga conditions, halimbawa yung pagtama niya sa kalupaan ng Taiwan.
00:59Samantala, patuloy pa rin yung epekto ng southwest monsoon.
01:02Itong habagat ay patuloy na magdadala ng mga kaulapan at pagulan sa western part ng Luzon at ng Visayas.
01:09Particular na dito sa Pangasinan, sa Zambales at sa Occidental Mindoro.
01:16Itong mga pagulan sa mga nabanggit natin na lugar ay patuloy na maaaring magdala ng mga pagbaha at paguhunan lupa.
01:24Dahil saturated or basa na yung mga kaulapan natin, mas tumataas yung chance na mga pagbaha at paguhunan lupa.
01:30Kaya gusto natin paalalahanan yung mga kababayan natin, lalo na yung mga nakatira sa mountainous area.
01:35At sa atin naman, sa Metro Manila, ay magdala tayo ng payong dahil posible pa rin yung mga pagulan sa hapon, lalo na kapag pa-uwi tayo.
01:42At kapote naman sa mga nagmomotor.
01:45Para naman sa forecast natin bukas, dahil sa epekto ng Southwest Muson,
01:50pero dahil hina ito, ang magiging maulap na lang na kalangitan at maulan ay dito sa lawag, dito sa probinsya ng lawag.
01:58At magiging maulap naman na may kasamang mga pagulan dito sa Batanes dahil naman sa epekto ng low pressure area.
02:05Sa natitirang bahagi ng Luzon ay magiging maaliwalas na ang ating kalangitan, magiging mas mainit at mas konti yung mga pagulan.
02:13Bukas, agwat ng temperatura dito sa Metro Manila ay 25 to 32, sa Baguio naman ay 17 to 24, at sa Legaspi ay 24 to 31.
02:22Dito sa Palawan, sa Visayas at sa Mindanao, patuloy din na makakaranas tayo ng maaliwalas na kalangitan.
02:28Opo, mas konti yung mga pagulan at mas maaliwalas at mas maalinsangan.
02:35Pero nandun pa rin yung tsansa ng mga localized thunderstorm.
02:38Ano po ba yung difference ng localized thunderstorm sa mga pagulan na dala ng habagat?
02:42Yung localized thunderstorm, ito ay nakadepende sa kung gano'ng ka-establish or gano'ng kalaki yung kaulapan na namuo.
02:51At dito rin nakadepende kung gano'ng ka-widespread at gano'ng kalakas yung mga pagulan na ito.
02:57Pero sa habagat, mas malawak ito at mainly sa western part ng ating bansa yung mga pagulan.
03:04Mas matagal din yung ulan na dala ng habagat, mga 3 to 4 hours.
03:09Pero dito sa mga localized thunderstorm, matagal na kapag umabot ng 2 hours.
03:13Itong mga localized thunderstorm, yung halimbawa ay nasa isang bayan tayo umuulan, pero paglagpas natin ay hindi na.
03:19Ang agwat ng temperatura sa Puerto Princesa ay 24 to 31, sa Cebu ay 25 to 31, sa Cagayan de Oro ay 25 to 32, at sa Davao ay 26 to 34.
03:30Meron po tayong nakataas na rainfall advisory at inabisuhan natin yung ating mga kababayan dito sa Batanes at Cagayan dahil sa epekto ng low pressure area.
03:38At dito naman sa Pangasinan, sa Sambales, sa Batan at Occidental Mindoro dahil sa epekto ng habagat.
03:45Maaari silang makaranas ng 50 to 100 mm at ito ay posibleng magdulot ng mga pagbaha at pagguhon ng lupa, lalo na sa mga low-lying areas.
03:54O kapag nakatira tayo sa mountainous areas para naman sa mga pagguhon ng lupa.
04:00Kasalukuyan na wala tayong nakataas na gale warning, pero gusto natin paalalahanan yung ating mga kababayan na mga ingisda
04:06na kung papalawad sila ay mag-ingat, lalo na sa western part ng Luzon, dahil posibleng umabot ng 2 to 3 meters yung ating mga alon.
04:14At para sa ating weather outlook, o yung inaasahan nating panahon sa weekends hanggang sa Monday,
04:19sa mga piling syudad sa ating bansa, dito po sa Metro Manila, sa Baguio at sa Legaspe City,
04:24patuloy na magiging maaliwalas yung ating panahon.
04:26So, mas konti yung pagulan natin ngayong weekends.
04:29Pero, nandun pa rin yung possibility ng mga localized thunderstorms, lalo na sa hapon at sa gabi.
04:34Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay 24 to 33, sa Baguio ay 16 to 23, at sa Legaspe ay 24 to 31.
04:42Dito naman sa Visayas, sa Metro Cebu, Iloilo City at Tacloban City, patuloy pa rin yung epekto ng Easterlis.
04:51At Easterlis kasi yung nagkukos kaya humihina sa ngayon yung southwesterly winds natin o yung hanging habagat.
04:58Kapag mas malakas yung Easterlis, napipigilan niya yung hangin na galing sa southwest ng Pilipinas.
05:04At ito rin yung dahilan, kaya mas kumukunti yung mga pagulan natin sa western part ng ating bansa.
05:09Ito rin yung tinatawag natin na associated sa monsoon break.
05:13Agwat ng temperatura dito sa Metro Cebu ay 24 to 32, sa Iloilo City naman ay 23 to 33, at sa Tacloban City ay 24 to 33.
05:22Dito sa Mindanao ay partly cloudy to cloudy skies pa rin ang ating inaasahan.
05:27Metro Davao, Cagayan de Oro at Sambuanga.
05:29Pero dahil tuloy-tuloy yung pagulan dito sa Sambuanga City, particularly dun sa mga lugar sa,
05:35hindi lang sa Sambuanga City kundi sa buong Sambuanga Peninsula, dahil may mga pagulan dito nung mga nakarang araw,
05:41ay posibli pa rin.
05:42Kapag nagkaroon ng thunderstorm, ay mas favorable pa rin yung mga pagbaha at pagbuhon ng lupa.
05:47Kaya gusto natin paalalahanan yung ating mga kababayan na maging mapagbantay at mag-ingat.
05:52Agwat ng temperatura sa Metro Davao ay 25 to 33, sa Cagayan de Oro ay 24 to 33, at sa Sambuanga naman ay 23 to 34.
06:01Ang ating araw ay lulubog mamayang 6.25pm at muling sisikat bukas ng 5.27.
06:08Mag-ingat po tayo muli! Happy Philippine Independence Day!
06:11Ako po si John Manalo.
06:12Ang panahon ay nagbabago, kaya mag-ingat at maging alerto.
06:17Ako po si John Manalo.
06:47Ako po si John Manalo.

Recommended