Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
-PAGASA: Low Pressure Area sa Batanes, posibleng lumakas bilang Tropical Depression sa loob ng 24 oras


-Pagbaha at malakas na pag-ulan, patuloy na nararanasan sa ilang probinsiya sa bansa


-House Speaker Romualdez, sinabing "deeply concerning" ang pagbalik ng Senado sa Kamara ng Articles of Impeachment/House Speaker Romualdez: "We shall comply with the requirements of the impeachment court"/Kamara, ipinagpaliban ang pagtanggap ng ibinalik na Articles of Impeachment ng Senado/Ilang House Prosecutors, tinitignan na posibleng sinasadya ng Senado na maantala ang impeachment trial


-Senate President Escudero: Korte Suprema lang ang makapagsasabi kung unconstitutional ang pagbabalik sa Kamara ng Articles of Impeachment


-Iba't ibang school supplies, mabibili sa Baclaran Market


-2 lalaki, nangholdap sa isang hotel; baril na ginamit, posible umanong peke


-P200,000 halaga ng mga ninakaw na kable ng internet, nasabat; limang suspek, arestado/16-anyos na kabilang sa mga nahuli, inilagay sa kustodiya ng Bahay Pag-asa/ Isa sa mga naaresto, itinanggi ang paratang/ 3 sa mga suspek, umaming inalok sila ng pera kapalit ng pagputol at pagtangay sa mga kable/Mastermind umano ng pagnanakaw ng mga kable, nakatakas


-1, patay matapos araruhin ng pickup ang isang waiting shed; 3, sugatan


-Mahigit P600K halaga ng vape products, nasabat mula sa isang social media personality na nagtangkang magbenta kahit walang permit to sell


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Mga kapuso, patuloy na binabantayan na pag-asa ang low-pressure area sa may northern Luzon.
00:10Tumasa ang chance niyang maging bagyo.
00:12Namataan po yan ang pag-asa sa dagat, sakop ng Itbayat Batanes.
00:16Sa loob po ng 24 oras, posible itong lumakas bilang tropical depression at tatawaging bagyong auring.
00:23Patuloy namang tinutumbok ng bagyong may international name na Wutip ang southern China.
00:27Isa pa rin itong tropical storm na may lakas ng hangin na aabot sa 65 km per hour.
00:34Namataan ang nasabing bagyo, 1,085 km kanluran ng northern Luzon.
00:41Kahit napagitnaan tayo ng bagyo at LPA, hanging habagat pa rin ang pangunahing nagpapaulan sa malaking bahagi ng bansa
00:47kasabay ng pagdiriwang natin ng Araw ng Kalayaan.
00:50Base sa rainfall forecast ng Metro Weather, uulan din sa mga susunod na oras ang halos buong Luzon at Mindanao.
00:58Pinaa-alerto sa heavy to intense rains na maaaring magdulot ng baha o landslides.
01:02Posible rin ang ulan dito po sa Metro Manila at sa ilang panig ng Visayas.
01:10Patuloy pa rin nararanasan ang masamang panahon sa ilang probinsya sa bansa.
01:13Sa pagadian sa Buanga del Sur, dalawang araw nang nararanasan ang pagbaha sa ilang kalsada dahil sa malakas na ulan.
01:24Apektado riyan ang mga motorista.
01:27Dahil sa epekto ng hanging habagat, naman kaya inuulan ang katanduanes.
01:31Bukod sa banta ng pagbaha, binabantayan din ang posibleng paghuhu ng lupa sa mga bulubunduking lugar.
01:37Pinaalalahan na ng mga otoridad sa mga residente na imonitor ang lagay ng panahon at maging handa sa paglikas.
01:43Handang tumaliin ma ang kamera sa mga requirement ng Senado kasunod ng pagbabalik nito sa kanila
01:57ng articles of impeachment labang kay Vice President Sara Duterte.
02:00Si House Speaker Martin Romualdez nagpahayag ng pagkabahala kaugnay sa hakbang ng Senado.
02:06Balitang hatid ni Bea Pinlang.
02:10I rise, not in defiance.
02:13But we resolve, guided by duty, grounded in principle.
02:21The decision of the Senate sitting as an impeachment court to return the articles of impeachment is deeply concerning.
02:35Nagpahayag ng pagkabahala si House Speaker Martin Romualdez ukol sa naging hakbang ng Senado
02:40sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
02:44Sinabi niya ito sa huling talumpati niya sa kamera bago magsara ang third regular session ng 19th Congress.
02:51Aniya, hindi lumabag sa konstitusyon ng kamera sa pagproseso nila ng impeachment complaint.
02:56Binigyang DNE Speaker Romualdez na hindi political exercise ang impeachment case.
03:00Bahagi raw ito ng kanilang constitutional duty.
03:04Ang pagtitiyak niya, susunod ang kamera sa mga requirement ng impeachment court.
03:08We shall comply with the requirements of the impeachment court.
03:14Not to abandon our cause, but to ensure the process continues.
03:19Because in matters of truth and accountability, the House does not back down.
03:25I would defer.
03:55Receiving the articles of impeachment from the Senate, including whatever orders they will be transmitting to us.
04:06This is not disobedience.
04:09Definitely, ang gusto lang po natin mangyari is to seek guidance.
04:16Naguguluhan pa rin kami at hindi namin maintindihan kung bakit ibabalik po ito sa amin.
04:24Isa pa sa hinihingi ng Senado ay linawin daw ng papasok na kamera sa 20th Congress kung interesado pa itong ituloy ang impeachment complaint.
04:34Ayon sa ilang House prosecution member, malabo pa ito dahil hindi pa nage-exist ang 20th Congress.
04:41Tingin ng ilang House prosecutor, sinasadya ng Senado na maantala ang impeachment trial.
04:47If it's impossible to comply with such an order, how can we move forward?
04:52Kaya sinasabi namin na parang dapat it should be baliwala lang yung order na yun kasi it's impossible to do as of the time.
05:00Bea Pinlak nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:04Pinalaga ni Sen. President Sheez Escudero ang mga puna sa pagbalik ng Senado sa Kamara ng Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
05:14Ang pwede lamang magsabi kung constitutional o hindi ang isang bagay na ginawa ng anumang ahensya ay ang courtes of government.
05:25Hindi sila at hindi rin.
05:26Sabi ni Escudero na dumalo kanina sa Independence Day event sa Malolos, Bulacan,
05:32dapat galangin ang Kamara ang utos ng Senado bilang impeachment court.
05:36Hindi raw magkapantay ngayon ang Senado at Kamara na tumatayon namang prosecutors sa paglilitis.
05:41Kahapon, ipinagpaliban muna ng Kamara ang pagtanggap sa Articles of Impeachment dahil ayon sa House prosecutors,
05:47hihingi muna sila ng klarifikasyon sa Senado.
05:50Wala pa naman daw natatanggap na dokumento kaugnay rito ang Senado ayon kay Escudero.
05:55Sa hapon, may tugon din si Escudero sa mga pumupo ng tila ginagawa ng ilang Senador
06:00ang mga bagay na dapat ay ginagawa ng defense team ni Vice President Duterte.
06:08Wala nga ang pagbabawal sa rules ang hindi pwedeng gawin yun.
06:14Gusto nyo bang gapusin ko ang kamay, itali ko ang kamay,
06:18nang pili ilan o lahat na members ng impeachment court
06:22at sabihin ito lamang ang pwede nyo sabihin.
06:25Pag-up talaga na Sympezen na sa PNPPinero
06:30Apat na araw na lang, pasokan na.
06:32Price check tayo sa ilang pamilihan na nagtitinda ng iba't ibang school supplies.
06:37Gaya na lang sa Baklaran Market sa Paranaque.
06:39Mabibili muna P300 hanggang P500 pesos ang school bag.
06:43Depende pa yan sa kulay at disenyo na inyong pipiliin.
06:46Meron ding leather shoes na P500 pesos
06:49at sapatos na goman na nasa P250 hanggang P300 pesos.
06:53Nasa P280-P380 naman ang pantas na uniforme na panglalaki at pambabae.
07:00Ang isang bundle ng notebook, mabibili ng P150.
07:04P10-P20 ang kada piraso ng ballpen at lapis.
07:09Ang pencil case, P100-P150.
07:13P65-P130 naman ang crayons o pangkulay.
07:23Ang dalawang sakay nito lumapit sa nakaupong hotel staff.
07:31Nagdeklara sila ng hold-up gamit ang baril na bit-bit ng isa sa mga kawatan.
07:36Pumasok sila sa opisina at hinalughog ang isang drawer.
07:39Tumaka sa mga kawatan tangay ang tatlong cellphone at P11,000 na cash.
07:44May presence of interest na raw ang polis siya.
07:46Hinala ng mga polis, peke, ang ginamit na baril sa pangu-hold-up.
07:49Wala raw kasi itong magasin at scope na karani na mong makikita sa totoong M16 rifle.
07:55Sinisikap ang kunin ng pahayag ng pamunuan ng hotel.
08:01Isang minor di edad ang kabilang sa mga naaresto ng polis siya sa Kaloocan
08:05dahil umano sa pagnanakaw ng mga kable ng internet.
08:09Ang isa sa mga naaresto itinanggi ang paratang.
08:12Habang ang tatlo pang naaresto sinabing inalok sila ng pera kaya nagawa ang crimen.
08:17Balitang hati at di Bea Pinlak.
08:19Sa unang tingin, tila normal lang na delivery vehicles ito.
08:26Pero nang buksan ng mga polis, tumambad sa kanila ang dose-dose ng kable ng internet na pinutol-putol.
08:34May nagsumbong daw sa rumurondang polis kahapon ng madaling araw
08:38tungkol sa pagnanakaw ng kable sa Rizal Avenue sa Kaloocan.
08:42Mayroon daw nagkumukuha doon yung kable doon sa Embornal na pinutol-putol nila.
08:53Ang anim sila doon.
08:54Kinuusap pa na-recover namin yung dalawang bolt cutter na laki at lubid kasi hinihilan nila yung palabas.
09:03Ayon sa polisya, halos 200,000 piso ang halaga ng mga ninakaw na kable.
09:10Huli ang anim na suspect, kabilang ang 16-anyos na lalaking itinurnover na ng makotoridad sa bahay pag-asa.
09:17Sa kulungan naman ang bagsak ng limang iba pa, kasama ang dalawang driver ng delivery vehicle.
09:25Itinanggi ng isang driver na sangkot siya sa krimen.
09:28Hindi po totoo yan. Balibinok po kami.
09:31Dating po sa era na ganunay, ganun po pala yung mangyari.
09:38Damay po kami.
09:40Ang tatlo pang ibang suspect, napadaan lang daw at inalok ng pera kapalit ng pagputol at pagtangay sa mga kable.
09:49Alam po namin yung ginagawa pero napasubo lang po kami dahil sa pangangilangan.
09:57Ang sabi na po sa amin, tumulong lang po kami magbubat.
10:00Tapos, dibihing po nila ang pera.
10:02Dibiya po kami sa mahalgan ng mandahan para kumita raw po kami.
10:06Ang utak daw ng pagnanakaw, nakatakas.
10:10Inaalam pa ng pulisya kung may kinalaman din ng grupo sa nakawan din ng kable noong Abril.
10:15Talaga plinanungan nila yan.
10:17Yun ang isa sa mga sindikato dito sa kaluhukan.
10:20Habi na ginagawa nila talaga yan.
10:22Hindi lang isang beses siguro.
10:24Kasi expert eh.
10:26Kung paano nila putulin, maayos, ganun kahaba na kaya nilang dalhin.
10:30Mahaharap ang mga suspect sa reklamong theft
10:33at paglabag sa Anti-Cable Television and Cable Internet Tapping Act.
10:38Bea Pinlac nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:42Ito ang GMA Regional TV News.
10:49Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
10:53Inararo ng pickup ang isang waiting shed sa Makalelon, Quezon.
10:58Chris, may mga nadamay bang tao?
11:00O ni, patay ang isang lalaki na nasa waiting shed ng oras na yon.
11:06May tatlo rin subutan.
11:08Ligtas naman ang mga sakay ng pickup na dumiretso sa bangin.
11:12Ayon sa pulisya, inaantok ang pickup driver bago sumalpok sa waiting shed.
11:16Wala pa siyang pahayag.
11:19Dumiretso naman sa bahay ang isang truck sa Pagbilaw, Quezon.
11:23Ayon sa barangay DRRMO, patungong Maynila ang truck na sumalpok sa bahay bandang alas tres ng umaga kanina.
11:30Sugatan ang apat na nakatira sa loob ng bahay na natutulog daw noong oras na yon.
11:35Ligtas naman ang truck driver at kanyang pahinante.
11:38Posibiraw na nakatulog ang truck driver.
11:41Wala rin siyang pahayag.
11:42Samantala, mahigit 600,000 pisong halaga ng vape products ang nasabat mula sa isang social media personality sa Baguio City.
11:53Batay sa embesigasyon, wala siyang permit to sell o kaukulang dokumento para magbenta ng vape.
11:59Natuntun siya ng mga otoridad matapos mag-post sa social media na naghahanap siya ng dealer o reseller sa lungsod.
12:05Kung piskado sa operasyon ang mahigit sa 600 tiraso ng vape at halos 200 baterya ng vape.
12:13Ayon sa Smokefree Baguio Task Force, hindi bawal ang pagbibenta ng vape sa Baguio pero may regulasyon ito.
12:20Sa ngayon, pinagmumulta ang influencer dahil sa paglabag sa local ordinance.
12:25Inihahanda na ng Department of Trade and Industry ang reklamong distribution of unauthorized vape.
12:32Sinisika pa siyang kunan ng pahayag.
12:35Outro

Recommended