Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/10/2025
Nagka-tensyon kanina nang igiit ni Senator Bato dela Rosa na unahin ang kaniyang privilege speech bago ang panunumpa ng mga senator judge.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nagkatensyon pa po kanina ng igiit ni Sen. Bato de la Rosa na unahin ang kanyang privileged speech bago ang panunumpa ng mga Sen. Judge.
00:09At mula sa Senado, nakatutokla si Mackie Pulido.
00:14Mackie?
00:16Ang napagkasundoan ng mga Senador kahapon, PIA, ay alas 4 ng hapon ngayong araw, manunumpa sila bilang mga membro ng impeachment court.
00:26Pero kakaumpisa pa lang nung session kanina ay may fireworks na, nagkainitan na.
00:31Gusto kasi ni Sen. Bato de la Rosa na mag-privilege speech muna bago mag-oath-taking ang mga Senador.
00:38Saglit na nagkasagutan dahil sabi ni Minority Floor Leader Coco Pimentel, eh teka lang, may napagkasundoan na kahapon.
00:45Sinuspindi ang session para mag-usap ang mga Senador pagbalik na tuloy ang privileged speech ni Sen. Bato.
00:56This is a personal collective privilege.
01:00This is a privileged speech.
01:02This is a privileged speech. This is not a privileged motion.
01:06So, my motion is to execute and implement what was agreed upon yesterday.
01:11At 4 o'clock in the afternoon, we take our oath.
01:14It was very clear yesterday that we agreed that before I take my oath as member of the impeachment court,
01:25I should have delivered my privileged speech.
01:28That's why I made it a precondition to my approval or to my agreement to the motions yesterday,
01:39provided, let me first deliver my privileged speech.
01:44And, very clear, it was agreed by the Minority Leader yesterday.
01:47No, no, no, no, Mr. President. No, no, no.
01:49It was stressed the convening of the court. That was the issue.
01:54At the agreement natin, the oath-taking is not the convening of the court.
01:58Peace on the matter.
02:00Chair now recognizes.
02:01Senator Bato.
02:04Ang punot-dulo ng privileged speech ni Sen. Bato,
02:08pinababasura ang impeachment complaint laban kay VP Sara.
02:11Ang ginagamit na dahilan ni Sen. Bato,
02:14constitutionally impaired daw ang ipinasa sa kanilang impeachment complaint
02:18dahil hindi sumunod ang House of Representatives sa sariling internal rules.
02:23Pinuna rin niya ang House of Representatives dahil last minute daw nito ipinasa ang impeachment complaint sa Senado
02:29kaya't nawala na rin ng oras ang Senado na dinggin ito.
02:33Ang mga argumento ni Bato halos kapareho ng petition for prohibition and certuary
02:37na inihay ni Vice President Sara Duterte sa Corte Suprema.
02:41Dapat ibasura ang fourth impeachment complaint na nakarating sa Senado
02:45kasi nilabag nito ang one-year ban sa pag-file ng impeachment complaint.
02:49May naunang tatlong impeachment complaint kasi na inihain sa Vice President.
02:54Si Bongo ang sumang-ayon sa musyon ni Bato pero tumuto si na Sen. Risa Ontiveros.
03:00Ang gusto ni Ontiveros, mag-oath-taking muna ang mga Sen. Judges tulad ng usapan kagabi.
03:06Si Sen. Joel Villanueva naman ang sabi ang impeachment court lang ang pwedeng mag-desisyon sa gusto ni Bato.
03:12Sa ruling ni Sen. President Cheese Escudero, a-actionan lang ito ng Senado bilang isang impeachment court.
03:19Sa isang impeachment court daw ito maaaring erase ni Sen. Bato.
03:23Napabilis tuloy ang pag-convene ng Senado na bukas pa dapat gagawin.
03:28I respectfully move that in view of its constitutional infirmities and questions on the jurisdiction and authority of the 20th Congress,
03:44the verified impeachment complaint against Vice President Sara Zimmerman Duterte be dismissed.
03:53Peace on the matter. Chair now recognizes Sen. Bato de la Rosa. You may proceed, sir.
03:59Pagkatapos na ibigay ni Sen. President ang ruling na ang mosyon ni Sen. Bato de la Rosa ay didinggin lamang ng isang impeachment court.
04:22Sinuspinde saglit ng ilang minuto ang sesyon ng Senado para kunin ng mga senador ang kanilang mga rob.
04:29At pagkabalik ay nag-convene na ang mga senador bilang isang impeachment court.
04:34Pia?
04:34Maraming salamat, Maki Pulido.

Recommended