Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/19/2025
Binaha ang ilang lugar sa Mindanao dahil sa naranasang masamang panahon. Kinailangan pang ilikas ang mga residente.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Binaha ang ilang lugar sa Mindanao dahil sa naranasang masamang panahon.
00:06Kinailangan pang ilikas ang mga residente. Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:15Hinampas ng ragasanang baha ang mga bahay sa barangay Poblasyon 2 sa Bansalan Davao del Sur kahapon.
00:22Nagsilikas ang mga residente pero pahirapan ang pagtawid sa kalsada dahil sa lakas ng agos ng tubig.
00:28Ayon sa uploader, kasunod na malakas na ulan, tumaas ang baha pagka isang oras lang.
00:34Mabilis din daw lumalim ang baha, wala pang isang oras.
00:38Inabot pa ng hanggang gabi bago ito dahan-dahang humupa.
00:42Sa Digo City naman ng parehong probinsya, sinuspinde ang pasok sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan kanina dahil sa lakas ng ulan.
00:52Sa Davao del Norte naman, binaharin ang ilang bahagi ng Panabo City.
01:00Agad iniakyat ng mga nagtitinda sa isang ukay-ukay ang mga paninda para hindi mabasa.
01:05Pahirapan naman ang pagdaan ng ilang sasakyan dahil mistulang ilog na ang ilang kalsada.
01:10Pinasok pa ng tubig ang ilang bahay.
01:16Ayon sa Panabo Information Office, dalawang pamilyang stranded ang nirespondihan ng CDRRMO sa barangay San Nicolás.
01:25Binaharin ang barangay Tapian sa Datuudin, Sinsuat, Maguindanao del Norte.
01:33Dahil sa malakas na ulan sa lugar kagabi, ayon sa kanilang SK Chairman, mabilis ang pagtaas ng baha sa Sityo Tuca.
01:40At pinasok na ng tubig ang ilang bahay kaya nag-ikot sila para pansamantalang palikasin ang mga residente.
01:47Ayon sa pag-asa, Intertropical Conversion Zone o ITCZ ang nagpaulan kahapon sa Mindanao.
01:55Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo na Katutok, 24 Horas.

Recommended