Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Trigger warning: sensitibong video. Nasagip ang mga kawawang tuta at asong pinagsasabong umano sa La Paz, Tarlac. Ipinapalabas pa ang ilegal na laban online na tinatayaan rin umano ng mga nasa abroad.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nasa GIP, ang mga kawawang tuta at asong pinagsasabong umano sa Lapas sa Tarlac.
00:07Ipinapalabas pa ang illegal na laban online na tinatayaan rin umano ng mga nasa abroad.
00:14Nakatutok si Jonathan Nanda.
00:20Imbes ng mga manok, aso ang pinagsasabong sa maliit na arinang ito sa Barangay Motrico sa Lapas, Tarlac.
00:30May mga naguudyok, nanonood live at ipinalalabas din online.
00:39Pero nabisto ito ng mga otoridad sa tulong ng isang impormante at sinalakay sa visa ng search warrant.
00:46Huli ang umano'y nagpapatakbo nito, isang alias Akira, sa kanyang bahay dinatna ng mga kawawang aso.
00:53Ang isang aso, tila naiyak nang dumating na sa wakas ang saklono.
01:01Ah, sige na, rescue na kayo.
01:06Rescue na kayo, ha? Okay na?
01:08Parang sugat, oh.
01:11Bite mark, oh.
01:12Tatlong aso ang nasigip ng pinagsalib na pwersa ng CIDG Anti-Organized Crime Unit, PAOK o Presidential Anti-Organized Crime Commission at ng AWIP o Animal Welfare Investigation Project.
01:26Pero bago yun, may una na silang narescue na pitong tuta na binili nila sa sospek para makuha muna ang kanyang loob.
01:32Ang mga tuta, sinasanay na umanong ipangsabong kahit walong linggo pa lang.
01:38Ang ilan, maliit pa pero sugat-sugat na.
01:41Pinapakagat nila yung tuta sa panalaking naso para maging mas, ano to, mas wild, mas maging agresibo yung tuta abang lumalaki.
01:51Naiimiyo na siya sa mga kagat-kagat tapos pinapalo-palo nila.
01:56Generally what happens is that they will use, for example, weighted collars.
02:01They will use poles with something on the end of it to train these dogs and condition these dogs.
02:06And generally conditioning is for a long period of time.
02:08In this case, however, the individual just wanted to get to a fight.
02:14This is very, very unacceptable.
02:16Kinumpis ka rin ng mga otoridad ang mga gamit sa pagsasanay sa mga aso.
02:20Kahoy na improvised bite stick, weighted collars, training pole, fight cage, healing oil at iba pang gamot sa aso.
02:28Inaalam na lang pa o kung saan binubroadcast ang online sabong ng mga aso na tinatayaan umano kahit ng mga nasa abroad.
02:35Hindi lang peso ang pustahan dyan, talagang pumupustahan ng mga dollars dyan.
02:40O depende kung saan ang bansa.
02:43Hawak ngayon ang AWIP ang mga narescue na aso.
02:46If you are involved in dogfighting, we're coming after you.
02:50And you will also find yourself, just like this man, you will find yourself in jail.
02:56Nakakulong naman sa CIDG ang naarestong suspect na maharap sa reklamang paglabag sa Animal Welfare Act.
03:02Sinusubukan pa namin makuha ang kanyang panik.
03:04Pero hahabulin din daw ng paok ang mga nasa video na pinag-aaway ang mga aso at ang iba pang nasa likod ng online sabong.
03:12Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal, Nakatutok 24 Horas.

Recommended