Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/9/2025
Unang araw ngayon ng Brigada Eskwela para sa pasukan sa Lunes. Lumahok dito si Pangulong Marcos na saksi mismo sa ilang problema. May report si Ian Cruz.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Unang araw ngayon ng Brigada Escuela para sa Pasukan sa Lunes.
00:04Lumahok dito si Pangulong Marcos na saksi mismo sa ilang problema.
00:09May report si Ian Cruz.
00:13Isang linggo na lang bago magpasukan,
00:15ngunit problema pa rin sa Tibagan Elementary School sa San Miguel, Bulacan,
00:19ang mahina o kawalan ng tubig sa palikuran.
00:22Dahil hirap sa tubig, sabi ng dalawang guro,
00:25may mga estudyante raw na nagpipigil na lang ng ihi.
00:28Minsan po may parent po na nag-UTI nga daw po yung anak niya.
00:33Sabi ko, minsan po kasi talaga mahirap po yung tubig.
00:37Tinunayan ni Pangulong Marcos sa pagbisita niya kanina
00:40kasabay ng pagsisimula ng Brigada Escuela.
00:43Kailangan na kailangan natin linisin at pagandayin ang mga bathroom.
00:46Titignan namin na mabuti kung saan dapat manggaling yung tubig,
00:49bakit walang tubig at nagbabayad naman sila.
00:53Sinilit din ang Pangulo ang mga kinukumponing inanay na kisame sa mga classroom.
00:59Bago sa San Miguel, tinignan din ang Pangulo ang pagkukumponing
01:03ng mga kisame at pagpipintura sa mga upuan sa Barihan Elementary School sa Malolos.
01:09I'm very happy that we are doing a better job, I think, in preparing for the school year.
01:16Magandang partisipasyon, mga komunidad, mga magulang, syempre mga guro.
01:21At yun ang inaasahan natin na talagang yung buong komunidad ay nakamobilize
01:26para tulungan ang ating mga paralan at siguraduhin ligtas ang ating mga estudyante
01:31pagbukas ng pasukan sa June 16.
01:34Sa Dagupan City naman, nakisa sa Brigada Skwela
01:39ang nasa liman limong miyembro ng Four Peas o Pantawid Pamilyang Pilipino Program
01:44mula sa iba't ibang barangay.
01:46Sa Iloilo City, nagtulong-tulong ang mga magulang sa paglilinis sa mga basura
01:52at alikabok sa Tikod Elementary School.
01:57Sa Negros Oksidental, nilinis ang drainage system sa Efegenio Enrica Lizares Memorial School
02:04bilang pangontra sa baha.
02:07Sa pasukan sa lunes, para sa school year 2025-2026,
02:12nasa 27 milyon ang inaasahang bilang ng mga mag-aaral.
02:16Ian Cruz, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:20Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
02:24Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.

Recommended